The Run Away Groom
Nagsalubong ang mga kilay ni Kiel nang marinig ang sinabi ng kanyang ina. Hindi siya makapaniwalang galing mismo sa bibig ng kanyang ina ang mga katagang iyun. Galit siyang humarap sa kanyang ina.
"Naririnig niyo ba ang inyong sarili, Inay?" Inis na tanong niya rito.
"Anak naman isipin mo na lang para sa iyong tatay ang gagawin mo,"sagot ng kanyang ina.
Bumuntong-hininga ang binata at napapikit.
"Inay! Hindi ko magagawa ang inyong sinasabi!" Mariing sabi niya sa ina.
"Anak, anak makinig ka sa inay ha? Kailangan mong gawin ito para sa iyong ama." Nagsusumamong turan ng kanyang ina.
"Inay hindi ako tuta na kapag wala kayong maibayad sa taong pinagkakautangan niyo, ipapambayad niyo ako!" Galit na tugon ni Kiel.
Hindi nakaimik ang kanyang Inay. Tama bang siya ang ipapambayad sa mga utang ng kanyang ina at ama? Nananahimik siya sa kung saan siya ngayon. Kayod kalabaw na nga siya para sa kanila tapos meron pang ganito na malalaman niya. Napasinghot ang kanyang Inay. Humugot siya ngang malalim na hininga.
"Pasensiya na po, pero ayokong gawin." Maalumanay na sabi niya sa kanyang ina.
"Anak, saan tayo kukuha nang ipapambayad kung ayaw mo?" Malungkot na sagot ng kanyang ina.
Siya naman itong hindi nakaimik. Na stoke kasi ang kanyang tatay na nagtatrabaho sa hacienda ng mga pamilyang Alfero. At nagulantang siya sa desisyon ng bunso ng mga Alfero. Na kailangan niyang magpakasal sa lalong madaling panahon para makuha nito ang kanyang mana. Siya talaga ang target? Nakakatawa na nakakainis!
"Magkano po ba ang utang natin sa kanila?" Maya-maya ay tanong niya.
"Nasa isang daang libo anak, bukod pa doon sa mga gastos ngayon sa maintenance ng iyong ama." Malungkot na sagot ng kanyang ina.
"Ho?"'Bulalas niya sabay laki ng kanyang mga mata.
"Totoo anak,saan tayo kukuha nang pambayad sa kanila?" Maluha-luhang wika ng kanyang ina.
Napakamot siya sa kanyang ulo at inis na napapikit. Ito ba talaga ang kapalarn niya? Ang tagasalo at taga bayad nang utang ng kanyang pamilya?
"'Inay, hindi niyo na sana ako isinilang pa kung ganito rin lang pala ang aking kapalaran." Himutok niya.
"Hindi ko naman sukat akalain na ganito sila maningil anak," mahinang tugon ng kanyang ina.
" Pag-iisipan ko ho,uuwi na lang ako sa bahay kapag nakadesisyon na ako." Pagtatapos niya sa usapan nilang mag-ina. Gusto na niyang mag-isa dahil para na siyang sasabog. Nagpaalam na ang kanyang inay. Nahahabag siya sa rito dahil malaki na ang ikinapayat nito. Bumalik siya sa loob ng kanyang bahay at naupo. Matagal siyang nag-isip at nagmumuni-muni. Maya-maya pa ay tumunog na ang kanyang selpon. Nagulat siya nag mag-vibrate iyun.
"Hello?" Aniya.
"Kiel, may sira itong faucet namin baka naman pwede mong ayusin?" Malambing na sabi ng nasa kabilang linya.
Napangiwi siya sa narinig. Lihim siyang napamura, isa pa itong papansin na babaeng ito.
"Kiel?" Maarteng wika nito.
Tumikhim ang binata.
"Hindi ako puwede ngayon, Beauty baka sa isang araw na lang." Pagsisinungaling niya.
"Ay! Bakit naman? Busy ka ba?" Turan nito.
"Oo!" Mabilis na sagot niya.
"Sige na nga! Bukas ha? Mag-isa pa naman ako ngayon," malanding saad ni Beauty.
Lintek na! Bwiset! Mura ni Kiel sa kanyang isipan.
"Sige na may gagawin pa ako!"'Yamot niyang tugon saka agad na ibinaba ang kanyang selpon.
Sirang-sira na talaga ang araw niya. Nang biglang may kumatok, bantulot siyang binuksan iyun. Bumulaga sa kanyang paningin ang maputing hita ni Sassy. Napalunok ang binata. Mahabaging diyos! Ilayo mo po ako sa tukso, ayoko pang magkapamilya! Piping usal niya.
"Dinalhan kita nang gawa kong cake Kiel," Malambing na sabi ni Sassy.
Noon niya lang napansing may hawak nga pala itong saucer plate na may lamang cake. Pinili niyang ngumiti.
"Salamat!" Maikli niyang sagot at kinuha iyun sa dalaga.
"Walang anuman Kiel," nakangiting tugon ni Sassy.
"Pwede ba akong pumasok?" pagpapatuloy ng dalaga.
Naalarma si Kiel.
"Ah! Ano aalis kasi ako," mabilis niyang sagot.
"Paano na yang cake?" Tanong nito sa kanya.
"Kakainin ko pagbalik ko, promise!" Pagsisinungaling niya.
"Sige mauuna na ako," paalam ng dalaga.
Nakahinga nang maluwag ang binata. Agad siyang pumasok at sinarado ang pinto. Araw-araw na lang ganito, ano bang meron sa kanya at pinag-agawan siya ng mga babae? Nakakapagod na ang ganito! Mabilis niyang tinungo ang kanyang silid at inilabas ang kanyang travelling bag. Uuwi na muna siya para makapag-isip siya sa sokusyon ng kanilang problema. Tinawagan niya si Emong at ibinikin niya ang kanyang talyer.
Ilang oras lang at nasa barangay Santolan na siya. Nakita niya ang kanyang bunsong kapatid na nasa tindahan. Bumibili ito kaya hinintay niya para sabay na silang pumunta sa kanilang bahay. Nakita niya itong nagulat sa pagkakakita sa kanya.Nginitian niya ito at kinawayan. Mabilis na lumapit ito sa kinaroroonan niya.
"Kuya! Namiss kita ah!" Nakangiting sabi ng kanyang kapatid.
"Ako din! May boyfriend ka na ba?" Masaya ding sabi niya.
"Wala pa kuya!" sagot nito.
"Very Good!" Tugon niya saka hinila na ito para maglakad.
"Alam ba ni Inay na uuwi ka ngayon?" Tanong ni Zeny sa kanyang kuya.
"Hindi! Pero galing siya kanina roon." sagot niya sa kapatid.
"Wala pa nga siya eh!" turan ni Kiel.
"Baka may pinuntahan lang," maikling tugon niya.
Nakarating sila sa kanilang bahay na simple lang, ngunit maayos naman. Naghalong katas nang pinagpaguran nilang mag-ama. Pero ngayon hindi na muna makakapagtrabaho ang kanyang ama dahil nastroke ito. Nakita niya ang kanyang ama na nakaupo sa wheelchair nito. Nakakapagsalita ito pero hindi makalakad ang isang paa niya. Nilapitan niya ito at saka siya nagmano.
"Kumusta ka naman Tay?" Tanong niya sa ama.
"Okay naman na ako anak," nakangiting sagot nito sa kanya.
",Mabuti naman po kung ganoon," sabi niya.
"Pumasok ka na anak, hinihintay ko pa ang iyong ina." Wika ng kanyang ama.
"Kayo po ang papasok na at ako na po ang maghihintay," tugon niya at itinulak na nita ang wheelchair ng kanyang ama.
Ngumiti ito sa kanya at nagpasalamat.
"Kuya, iluluto ko lang itong ulam habang hinihintay natin si Inay." Baling sa kanya ni Zeny.
Tinanguan niya ang kanyang kapatid.
"Si Miko ho?" Tanong niya sa ama.
"May praktis daw sila kaya pumunta ng skul," sagot ng kanyang itay.
"Ganun po ba?" aniya.
"Anak, may sinabi na ba sayo ang iyong Inay?" Biglang tanong sa kanya ng kanyang Itay.
Hindi siya agad nakasagot.
"Pasensiya ka na anak, pero hindi kita pinipilit." Malungkot na turan ng kanyang ama.
"Saka na lang po natin pag-usapan iyan kapag nandito na ang Inay." sagot niya sa kanyang ama.
Tumango ang matanda at malungkot na tumingin sa malayo. Nahahabag naman si Kiel sa hitsura ng kanyang ama. Naguguluhan din siya kung ano ang kanyang desisyon. Ah! Bahala na, bulong niya sa kanyang sarili.