CHAPTER 87

1572 Words

Sobrang lalim na ng gabi ngunit hanggang ngayon ay nasa loob pa rin ng kanyang opisina si Yvonne. Nakauwi na ang halos lahat ng empleyado niya at mga guards na lang ang natira sa loob ng kanyang kumpanya na oras-oras ay nagro-ronda kaya naman sobrang tahimik ng paligid. Nakatitig lamang si Yvonne sa nakabukas niyang laptop na nakapatong sa kanyang office desk. Tumatakbo sa utak niya ang mga nangyari ngayong araw na nagpapabigat sa kanyang loob. Ipinatigil na muna ang pagbebenta at paggawa ng bagong produkto ng Skin Vitamins habang gumugulong pa ang imbestigasyon. Nababahala na rin ang mga shareholders at investors ng kumpanya dahil na rin sa biglaang nangyari. Malaki ang naging epekto ng mga mapanirang komento sa website ng kumpanya. Pati na rin ang iba pa nilang produkto ay naapektuhan

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD