CHAPTER 100

1597 Words

“Wow!” namamanghang sambit ni Alexa habang tinitingnan ang buong paligid mula sa itaas. Kitang-kita niya mula sa kanyang kinatatayuan ang mga bubong ng bahay at gusali na nakapaligid sa seven-storey building kung nasaan sila ngayon. “Ang ganda. Hindi ko in-expect na maganda pala ang napili kong tirhan,” sabi pa niya. Nakatayo naman habang nakapamulsa ang mga kamay sa hindi kalayuan si Kelvin at tinitingnan si Alexa na humawak pa sa metal rails na nagsisilbing harang sa pinakatuktok ng building habang tinitingnan ang paligid. Umangat ng kaunti ang kanang gilid ng labi niya. “Ang OA naman nitong mamangha,” bulong ni Kelvin. Bahagya pa niyang iniling ang ulo. Maya-maya ay tiningnan ni Alexa si Kelvin. Ningitian niya ito ng malaki. “Gusto ko na rito,” aniya. Ngumiti lang ng maliit si Kelvi

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD