CHAPTER 35

1659 Words

Nakasilip si Kelvin sa bintana. Tinitingnan niya ang namumulang kalangitan at ang malakas na pagbuhos ng ulan. Humahampas ang malakas na simoy ng hangin kaya tila nagsasayaw ang mga sanga ng puno at halaman sa labas. Malamig ang panahon kaya naman in-off na din muna ni Yvonne ang aircon niya sa loob ng bahay. “Mukhang dumating na ang bagyo na sinasabi sa balita,” aniya ni Kelvin. Nakatayo siya sa tapat ng bintana. Tumigil naman sa pagtingin-tingin sa nilalaman ng magazine si Yvonne at tiningnan si Kelvin. Dumekwatro ito sa pagkakaupo sa mahabang sofa. Mabuti na lamang at nakauwi na si Yvonne sa bahay niya at hindi na inabutan ng bagyo dahil kung hindi ay tiyak siyang mahihirapan sa pag-uwi at mamroroblema siya kung saan pansamantalang tutuloy. “Hay! Mukhang hindi ako makakauwi nito,”

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD