Chapter 1: The Engagement Intruder

1922 Words
=DISCLAIMER= ©2021 MY CONTRACT PRETENDER Series 1: The Last Cindierella written by JL Dane All rights reserved. This is a work of fiction. Names, places, businesses, characters, and incidents are either the product of the author’s imagination or are used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons living or dead, actual events or locales is purely coincidental. PIRATING CONTENT IS ILLEGAL: If this content is captured and published, the offender can be traced and will face the full extent of the legal ramifications stated by the law. Please follow/subscribe, comment, and add this to your library. *************** “ITIGIL ang engagement na ito!” buong lakas na sigaw niya. Nakuha ni Cindie ang mga mata ng mga taong imbitado sa party matapos siyang sumigaw at maglingunan ang mga ito sa direksyon niya. Nakahawak pa siya sa nakaumbok niyang tiyan habang diretsong ang tingin sa lalaking dahilan kung bakit siya buntis ngayon. Tamang-tama ang tiyempo niya at mukhang hindi pa nagpapalitan ng ‘I Do’ o ‘I love You’ sa isa’t-isa ang mga ito. “A-Anong sinasabi mo?” tanong ng babaeng katabi nito na nagsasalin ang tingin sa kanya at sa katabi nitong lalaki. “Zandrick Valencia, buntis ako at ikaw ang ama! Kailangan mo akong panagutan o ipakukulong kita at sisirain ko ang reputasyon mo!” diretsong hiyaw niya sa lalaking nakatayo lang at diretso rin ang tingin sa kinatatayuan niya. “Who is she? Bakit mo siya nabuntis? I hate you! Akala ko ba ako lang ang pakakasalan mo! Wala ng engagement party o kasal! Break na tayo, Zandrick!” Natulos na lang si Cindie sa kinatatayuan niya nang tumatakbong umiiyak palayo ang babae at nilampasan lamang siya sa kinatatayuan niya. Mas lalong kumabog ang kanyang dibdib nang papunta na sa direksyon niya ang tinawag niyang Zandrick at agad na hinawakang mahigpit ang kanyang braso. Zandrick pulled her away from the crowd and she has no any idea what this man might do to her. ‘Diyos ko lord, alam ko pong malaki ang kailangang kong bayarang utang ng pamilya ko. Ngayon pa lang po ay iligtas n’yo na ako,’ mariing bulong ni Cindie sa likod ng kanyang isipan. “A-Anong gagawin mo sa akin? Ayaw ko pang mamatay.” Napapikit nang mariin si Cindie hanggang huminto ito sa paghatak sa kanya at binitiwan ang kanyang braso. Doon lamang siya dumilat at sa pagdilat ng kanyang mga mata ay matiim na mga titig na ni Zandrick ang sumalubong sa kanya. “I don’t know what you need to me lady. Pero kung pinadala ka ng mama para lang patigilin ang engagement namin ni Melody then you’re dead.” Hindi alam ni Cindie kung anong mayroon sa mga salitang iyon ng lalaki at tila nanlamig ang kanyang katawan sa takot. “S-Sinong mama? Hindi ko alam ang sinasabi mo.” “I don’t know what trick you are doing, lady.” Napasinghap si Cindie nang bigla siyang itulak ng binata at nasapul sa pagsandig ang kanyang likuran ng malamig na pader. Kasing lamig ng titig sa kanya ng lalaki. “Believe me, you ruin my party and I might kill you for this.” “T-Totoo ang sinasabi ko. H-Hindi ko talaga kilala ang—” Napapikit si Cindie nang bigla nitong suntukin ang pader. “That’s bullsh*t! Kilala ko lahat ng kinakama ko and you are not one of them. Or just make it straight. I will take you right now, right here.” “P-Please…” Nanlaki ang mga mata ni Cindie nang biglang hapitin ni Zandrick ang baywang niya at ilapit sa katawan nito saka inangkin ng walang paalam ang kanyang mga labi. Gustong magwala ni Cindie. Zandrick just took her first godd*amn kiss! Oo, wala pang nakahahalik sa kanya at ang estrangherong ito lamang ang hindi niya masita-sita na nilamon ng buo ang kanyang mga labi. Ngunit ang problema ay hindi man lamang niya maitulak ang lalaki. Ngayon nga lang siya nahalikan, nasarapan pa siya. Ngunit kung kinagulat niya ang paghalik nito ay mas kinagulat niya ang paglakbay ng malaya nitong kamay sa loob ng kanyang suot na bestida. “I knew it!” Napahiyaw siya nang hilahin ni Zandrick ang sinuot niya sa kanyang baywang palibot sa kanyang tiyan, walang iba kung hindi ang pekeng umbok niyang tiyan na kunwari ay buntis siya. Hindi alam ni Cindie kung paano siya magpapaliwanag dahil huli na siya nito sa akto. In short buko na siya. Mabuti na lamang at nabitiwan na siya nito at mukhang abala na sa pagtingin sa pekeng umbok niyang tiyan. Takbo. Tama. Iyon nga ang ginawa niya, ang kumaripas ng takbo. Takbo pa Cindie. Hingalin man ay go lang. Kailangan niyang maabot ang finish line, este exit pala. Wala siyang pakialam kung ipahabol siya ni Zandrick sa mga canine dogs o sa askal basta ay kailangan niyang gamitin ang kanyang nakatagong talento sa pagtakbo. She need to make it out of that event area or else she will be cold corpse. Pagod at hingal na hingal si Cindie na nakakubli sa likod ng sasakyan matiyak lamang na hindi na nakasunod sa kanya si Zandrick. Sa totoo lang ay hindi siya sigurado kung hinabol nga ba siya ni Zandrick. Basta tapos na ang planong iyon. Huwag na sanang magpakita pa rito ang babaeng gold-digger pala. Nakawahak pa rin sa dibdib si Cindie hanggang may dumating na sasakyan, iyon na ang kanyang cue sa pag-exit niya sa mala-buwis-buhay niyang experience. Hindi naman kasi niya akalaing ganoon pala ang mangyayari. Hindi niya nakalkula. Mabuti na lamang at talagang nananalo siya sa mga race kaya sisiw sa kanya ang pagtakbo. Buti na lamang talaga at naka-rubber shoes siya kahit bestida ang kanyang suot. NAKAHINGA na nang maluwang si Cindie pagdating sa sasakyan. “Tamang-tama lang ang dating n’yo. Mabuti naman at nakita n’yo kaagad ako,” sabi ni Cindie sa katabi. “I wish you are not a gold-digger as what my son wanted to marry.” Mukhang kapareho ito ng lalaking kausap niya kanina. Edukada pero matapobre. “Pero iyon nga ang dahilan kung bakit mo tinanggap ang trabahong ito, right.” Nasa tabi niya ang babae at halos ayaw siyang dikitan. “Alam ko pong mahirap lang ako at kinailangan kong kumapit sa patalim pero hindi naman po ibig sabihin niyon ay mukha na akong pera. Kailangan ko lang ng pera dahil sa malaking pagkakautang ng mga magulang ko.” “I heard mga sugarol ang mga magulang mo, no wonder kung bakit ikaw ang pinagbabayad.” Hindi na lang nakaimik si Cindie sa taklesang babae. Mukhang elegante pero kung magsalita ay walang filter ang bibig. “Hindi pa rin ako sigurado kung hihiwalayan na ni Zandrick ang babaeng iyon. I still need you to make another plan. Malaki ang ibinayad ko sa agency mo, it means I need you to work hard, polish and perfect. Gawing mo ang lahat para hindi lumapit ang Melody na iyon sa anak kong si Zandrick. Kung kinakailangan mong kumain ng bubog, I don’t give a thing. Just do whatever it takes.” Akala ng babaeng ito ay madali lang gawin ang lahat. Hindi lang nito alam kung ilang baldeng lakas ng loob ang binaon niya kanina para lang isigaw sa lahat na buntis siya. Nakahihiya. Kung natitigan lang niya ang reaction ng mga tao kanina ay parang hinuhusgahan siya na na-involve siya sa premarital s*x kahit na ang totoo ay gawa-gawa lang naman ang lahat. Lugmok ang pamilya niya sa utang. Bago kasi namatay ang kanyang sugarol na ama ay nag-iwan pa ng malalaking utang. Isama pa ang kanyang ina na mahilig sa bingo. Pati tuloy ang kaisa-isang bahay na minana nila sa kanyang lolo at lola ay nakasangla na rin sa bangko. Dahil nag-iisang anak ay wala ng ibang gagawa pa ng paraan kung hindi siya. Nagtatrabaho siya bilang teller sa bangko ngunit hindi naman kalakihan ang income niya. Cindie Barreto wasn’t as rich as a celebrity, apelyedo lang niya ang mukhang mayaman pero hindi siya. Naipagpasalamat na nga niyang naka-graduate siya ng kolehiyo kahit pa alam niyang noon pa man ay nagsusugal na ang mga magulang niya. Ginawa niya ang lahat, nagsumikap siya upang makapagtapos ng pag-aaral. Nagsusunog ng kilay sa gabi at kumakayod sa umaga. Lahat na nga ng raket ay ginawa niya noon upang matiyak lang na makabayad sa mga gastusin sa eskwelahan kahit pa iskolar siya. Nang mamatay ang tatay niya ay roon na naging miserable ang buhay nilang mag-ina. Nakasangla ang bahay at kahit anong kayod niya sa edad na bente kwatro ay hindi niya yata kakayanin ang makahanap ng dalawang milyon pambayad sa utang ng kanilang pamilya sa bangko. Dahil nga sa mga naniningil sa kanila ay nawalan din siya ng trabaho. Pati ba naman kasi sa pinagtatrabahuan niya ay ginugulo siya at natanggal siya sa trabaho dahil sa eskandalo. Ngayon nga ay wala siyang trabaho at naghahanap pa rin ngunit laking pasalamat niya sa agency na tinanggap siya na ngayon ay kailangang dobleng kayod na ang gawin niya. “I-Ihinto n’yo na lang po sa tabi. Bababa na ako.” “My driver will pick you up tomorrow in front of your house. He will give you all the necessary things you might needed.” “O-Okay po, madam.” “Seven AM. Make sure na hindi ka male-late. Ayaw ko sa nale-late. I can easily find someone to replace you, lady.” Iniyuko na lang ni Cindie ang kanyang ulo at itinulak ang pintuan ng sasakyan para bumukas. Dinaig pa nito ang kanyang ina sa pagiging bungangera. Hindi yata niya mai-imagine kung ito ang magiging mother-in-law niya. Pagbaba ni Cindie ay parang lumuwang din ang kanyang paghinga. Sa totoo lamang ay wala na siyang balak magpahatid hanggang sa harapan ng bahay na inuupuhan nilang mag-ina. Hindi na kasi niya matagalan kung paanong may halong panlalait ang mga sinasabi ni Mrs. Valencia. Hindi niya ito kilala sa pangalan at madam lang ang tawag niya rito. Mukhang istrikta at parang palaging masungit. Inatrasan yata ng r*gla kaya ang fine lines ay sobrang obvious. Bahagyang natawa si Cindie sa iniisip niyang inatrasan ng r*gla. Nag-divert na lang siya ng atensyon dahil talagang ayaw na ayaw niya sa mga katulad ni Madam. Sorry na lang kay Mister Zandrick at mukhang tatandang binata. Hindi rin talaga niya maintindihan kung anong klaseng babae ang gusto ng madam para sa binata. Naalala tuloy niya ang magandang pares ng mga mata ng lalaki kanina. Parang nangungusap. At ito ang tipikal na may jaw line o mapanga. Mukhang Inglatero o iyong mga lalaking sa England niya nakikita o masyado lang siyang naaapektuhan sa kapapanood niya ng mga foreign films. Para tuloy siyang litera na nasa isang palabas sa sinehan at siya ngayon ang gumaganap na kontrabida. Samantalang katunog niya ang pangalan ni Cinderella at ang gusto niya ay may happily ever after din sana siya. Paano naman mangyayari iyon kung hindi nga siya makahanap ng knight-and-shining-armor niya o kaya ay prince charming? Hindi naman mukhang charming si Zandrick kanina, mala-prince nga pero nakatatakot kung magalit na parang lalamunin na siya ng buhay. Kung siya siguro ang sasabihing mapapangasawa ni Zandrick ay baka kumaripas muli siya ng takbo. Bukod sa may pagka-maleficent pa naman ang datingan ng nanay nito tapos ang anak akala mo iyong dragon na manlalapa ng bibiktimahin. Bigla tuloy siyang kinilabutan sa mga pinag-iisip niya. Cindie just drop all the funny and weird imagination she has in her mind. Dahil malapit na ay nilakad na lamang niya hanggang makarating siya sa upahang bahay.

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD