"The Long Neck Neighbors" Chapter 19

1375 Words
Pagkatapos nilang kumain hinatid, ng mga lalaki ang tatlong babae sa bahay nila. Ilang oras din ang byahe nila papunta kila Zandra, malayo layo den ang bahay nilang siyam. Nagulat ang mga kapitbahay nila Zandra, dahil may pumasok na magarang sasakyan sa kanilang Lugar, bihira lang may papasok na sasakyan sa kanilang maliit na sitio Gusane. Kaya ang tatlong bibe na nangunguna sa chismis ang hahaba ng mga leeg nila akala mo mga flamingo ang hahaba. Huminto ang sasakyan sa Bahay ni Zandra kaya ang bilis humaba ng mga leeg nila. "Mga mare naka sungkit pala si Zandra ng forenger." "Siguro mare tingnan mo nga yang sasakyan ang ganda, mahal daw ganyang sasakyan." "Iba talaga itong si Zandra! para giginhawa ang buhay n'ya maghahanap talaga ng pagkakitaan." "Wag mong sabihin mare na bininta n'ya katawan n'ya para magka Pera!" "Panigurado mare, bakit nakasakay s'ya jan sa magarang sasakyan na 'yan." Ang ingay talaga ng tatlong bibe na ito,buti na lang malayo sila sa bahay ni Zandra. Unang bumaba si Trece sumunod si Zandra na inalalayan pa ni Trece pababa, at sunod sunod na bumaba ang pito. "Diba? sabi ko sa inyo naka sungkit si Zandra na mayaman, hindi nga lang forenger pero mayaman naman"sabi naman ni Delia. "Kita namin mare,"pambabara naman ni aling Lukring. "Pero ang dami naman nila sino kaya yong na sungkit ni Zandra, naka sungkit kaya den ang anak ni mare Trinidad at mare Lorna."tanong naman ni aling susan sa kanila. "Siguro mga mare ayan oh? may mga katabi ang mga anak nila mare Trinidad at mare Lorna." Grabeng ingay ng tatlong bibe,buti nalang hindi sila na rinig ni Zandra,baka ma bara na naman sila. "Ito na ba bahay n'yo best Zandra!" tanong naman ni Belyn, best na den tawagan nilang apat kaya best na den tawag ni Belyn sa kanila. "Oo best maliit lang kasi nag iisa lang naman ako dito." Nakangiting sabi ni Zandra sa kanila. "Bakit best saan na magulang mo? bakit nag iisa kalang."walang preno na sabi ni Belyn. Napalitan ng lungkot ang mukha ni Zandra nong tinanong ni Belyn kung asan magulang n'ya. Hilaw na ngiti ni Zandra "Wala na sila best iniwanan na nila ako" "Huh? paanong wala saan nag punta, sa lungsod ba?"naguluhan na tanong ni Belyn. Hinatak ni Mickay ang suot na damit ni Belyn, para warningan na tumigil na sa kakatanong kung asan na ang mga magulang ni Zandra. Sumagot si Zandra sa kaibigan na naka tanaw sa langit "Matagal na nila akong iniwan best, 10 years old palang ako na iniwan nilang dalawa, andon na sila best oh!"sabay turo sa langit at naka ngiti ng pilit. "Hala! Best sorry diko alam, sorry talaga best."sabay yakap sa kaibigan at yumakap na den sina Mickay at Mariemar. Habang ang mga lalaki naka ngiti naka tingin sa apat na babae, kahit kaka kilala lang nila kay Belyn. Parang tinuring na nila itong matagal na kaibigan na nahiwalay sa kanila ng ilang taon. "Wag na nga tayong mag drama dito sa labas, pasok muna kayo sa maliit kung tahanan."naka ngiting sabi ni Zandra sa kanila akala mo kanina walang nangyari. "Bilisan n'yo pumasok, 'yong apat na flamingo nasa labas na kanina pa tayo pinag usapan n'yan."natatawa na sabi ni Mariemar sa kanila. "Sinong flamingo best?wala namang pangalan na flamingo na kapitbahay natin." naguluhan na tanong ni Mariemar wala naman s'yang kilala na flamingo pangalan ng kapitbahay nila ilang tao na sila nakatira sa Sitio Gusane. "Hay! Naku best sila aling Susan, Lukring at aling Delia! di mo sila kilala best?sila ang tinatawag na tatlong bibe mga chismosa and the three flamingo.The long neck neighbors sa Sitio Gusane."halakhak na sabi ni Mickay sa kaibigan. Natatawa na lang din ang mga lalaki sa sinabi ni Mickay. Kahit di nila kilala kung sino ang tatlong chismosa na sinabi ni Mickay,natawa sila sa pinangalan sa kanilang tatlo. "Wag masyadong tumawa baka mapasukan ng hangin,"natatawang sabi ni Belyn sa kanila. Na putol ang tawanan nila,na may narinig sila na tumatawag kay Zandra. "Zandra! Zandra!"hinihingal na tawag ni aling Trinidad. "Tita bakit Po?" "Kasama mo ba si Mickay kagabi?"alalang tanong ni aling Trinidad. "Opo! Tita kami po tatlo ni Mariemar,sorry tita hindi kami naka uwi kagabi,"hinging paumanhin ni Zandra."Tita pasok muna kayo andito sila best Mariemar at best Mickay. May bisita den po ako ipakilala ko kayo sa kanila." Pagpasok nila Zandra, binati nila si aling Trinidad. "Magandang araw po sa inyo tita!" sabay bati nilang lahat kay aling Trinidad. Nag mano sila Isa Isa. "Mano po tita!" "Kaawaan kayo ng panginoon mga anak!" ang babait naman nitong mga batang ere. "Tita sila po pala ang mga bago naming kaibigan, ito Po si Belyn, Trece,Hanz,Dreymon, Trent at Yuri!"pakilala ni Zandra sa kanila. "Hello sa inyo mga Iho! at Iha! Ako pala si Trinidad nanay ni Mickay!"pakilala ni aling Trinidad sa kanila. "Masaya Po kami na makilala kayo tita!"sabay sabay na sabi nilang anim. "Tita don pala kami natulog kina Dreymon,"nakangiting sabi ni Mariemar. "Sorry talaga tita na lasing kami kagabi, kaya hindi kami naka uwi.Buti na lang mababait sila kaya safe kami kagabi tita."hilaw na ngiti ni Zandra. "Salamat sa inyo mga Iho at Iha,"nakangiting nag pasalamat sa kanila."Buti na lang nakilala n'yo sila, mahirap na ngayon uso na naman ang nangunguha ng matatanda at bata dito sa lugar namin wala silang pili."nag alala ang sabi ni Aling Trinidad. "Ok lang po tita, masaya kami na nakilala namin silang tatlo."nakangiting sabi ni Trece. "Ang drama mo talaga nay,"pagbibirong sabi ni Mickay sa Ina. "Anong sabi mo?"pasigaw na sabi ni aling Trinidad at sabay kurot sa tagiliran ni Mickay. "Aray naman nay pinapahiya n'yo naman ako sa mga kaibigan ko." Naka ngusong sabi ni Mickay sa Ina. "Hindi ako nagbibiro Mickay!kung alam mo lang kung gaano kami nag alala sayo kagabi ng itay mo tapos sabihin mo nag drama kami."pagalit na sabi ni Aling Trinidad. "Ito naman si nanay di mabiro, I love you Nay."sabay yakap sa nanay niya. Habang si Zandra naman may unting butil na tumulo sa kanyang mata,kanina pa s'ya naka tingin sa mag ina. Na miss n'ya tuloy ang kanyang Tatay at Nanay. Si Trece pala kanina pa nakatingin kay Zandra. Tanabihan n'ya ito at pinasandal sa kanyang balikat at pinahiran ang kanyang luha na tumulo. "Tahan na baby nandito lang ako pati kaibigan mo." Pag aalo ni Trece sa kanya. "Thank you!"nakangiting sabi ni Zandra. "Kumain naba kayo mga anak." "Tapos na Po tita bago kami umuwi dito,"sagot naman ni Mariemar. "Akala ko hindi pa para naman maka luto ako." "Sunod na lang Tita, pag magawi kami dito sa susunod."nakangiting sabi ni Trent. Aalma pa sana si Yuri na gutom s'ya, pero tinakpan ni Dreymon ang bunganga ni Yuri. "Oh! s'ya ako ay aalis na! basta susunod pasyal kayo sa amin."pag aya ni Aling Trinidad sa kanila. "Opo! Tita punta kami don." "F*ck! Budz Drey bakit mo tinakpan ang bunganga ko."pagalit na sabi ni Yuri. "Ang ingay mo kasi,"natatawa na sabi nila kay Yuri. Pinagkaisahan s'ya ng mga kaibigan. "Girls uuwi na den kami, marami pa akong ayusin sa office, ok lang ba sa inyo?" "Ano kaba Dreymon! ok lang, pasalamat nga kami sa inyo.Kung di n'yo kami sinama sa inyo kagabi, baka saan saan na kami nakarating tatlo."hagikhik ni Mariemar. "Basta ingat kayo sa daan." "Best chat nalang tayong apat,ma miss ko kayo.Baka babalik na akong maynila, baka matagal ako makabalik dito."na iiyak na sabi ni Belyn sa tatlo. "May messenger naman best, magkita kita din tayo apat, kahit malayo tayo." "Sige na best Belyn,baka madami silang gagawin chat kalang o tumawag pag na uwi na kayo sa bahay nila Dreymon." "Salamat sa inyo best!" at sabay nag yakapan silang apat. Nakita ni Dreymon na nag yakapan sila kinuhaan sila ng picture ni Dreymon. Pag alis nila Belyn, sumunod naman umuwi sila Mickay at Mariemar. Nag iisa naman si Zandra. Hay! Nag iisa na naman ako,Thank you Lord! Hindi mo ako pinabayaan kagabi. Paano na lang kung may nangyari sa amin ni Trece kagabi buti nalang mabait si Trece ni respito n'ya ako.Sana s'ya na ang pinadala ni lord para guminhawa ang aking buhay.Nay! Tay!gabayan n'yo ako palage,kung ano ba ang dapat kung gawin sa buhay. Sana mapili ko kung ano ang tamang gawin sa buhay ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD