(Marko POV) Narating namin ang lugar, hapon na. Sobrang kaba ang nararamdaman ko, natatakot ako para sa kaligtasan nila. Umaasa akong nasa maayos ang lagay nila. Hindi ko maatim na umiiyak ang mga anak ko. Makakapatay talaga ako ng tao. Na-trace na ng mga pulis kung saan dinala ang mga anak ko. Kaya nakipag-coordinate kami sa bayan ng Sta. Maria Bulacan police, para makatulong sa paghuli sa mga suspect. Sumama ako sa operation dahil hindi din naman ako matatahimik. Gusto kong walang masamang mangyari sa kambal ko. Ako mismo ang papatay kay Vienna oras na masaktan ang mga anak ko. Alam kong siya ang may pakana nito. Siya lang naman ang may matinding galit sa amin ni Charity. " Mr. Elizar dito lang muna kayo sa mobile. Kami na po bahalang pumasok sa loob. Huwag po kayong mag-alala gaga
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books