-Addie's POV- Pagkatapos namin mag-ikot ni JD gamit ang bike, dinala niya na ako sa totoong pakay ko talaga sa Denmark - ang Tivoli Gardens. Iyon ang pinaka-matandang amusement sa buong mundo at nakakita na ako ng attraction noon sa nabisita kong Disneyland park noon. Iba pa rin pala kapag yung totoo amusement park na ang napuntahan mo. Iba yung excitement na dumadaloy sa mga ugat ko kaya hindi na ako nagpatumpik tumpik pa at nag-ikot na ako doon. Leaving JD alone but I know he will follow me. Galit galit muna ngayon kasi gusto kong masulit ang oras na nalalabi ko para maikot iyon. Para akong bumalik sa pagkabata ng mga oras na iyon ng makita ko ang mga rides. Hindi ko alam ano ang uunahin ko sakyan sa mga iyon ngunit may kung anong pwersa na humatak sa 'kin papunta sa Milky Way Roller C