Gabi na nang bumalik si Clarita sa ospital. Naibigay na rin niya sa tauhan ng tiyuhin na si Marco ang cellphone niya. At gaya nga ng sinabi nito ay binigyan siya nito ng mamahalin na cellphone. Ayaw niya sana tanggapin pero ‘di naman pumayag ang tauhan na ibalik. Kaya tinanggap na lang niya. Nakaligo na siya at nakasuot ng button down black dress na hanggang lampas tuhod. May disenyo itong sunflowers at may belt na nagde-define sa maliit niyang bewang. Kung sa iba ay nagmumukhang manang ang magsusuot nito, pero pagdating kay Clarita ay para siyang modelo. Bagay na bagay sa mala-sutla niyang kutis ang kanyang suot. Mas bumata pa nga siya tingnan at mas sum-exy dahil sa suot na damit. Tiningnan niya muna ang repleksyon sa salamin. Kinuha niya ang pulbo at naglagay ng kaunti sa mukha at n