Hannah point of view Kinaumagahan ay nag-ayos na ako ng aking sarili para sa pagpasok. "Ate hannah sasama ka po ba?." Tanong ni joshua saken. Aalis kasi sila ni Lola papunta sa kapatid nito sa probinsiya. Napaupo ako para magkasing pantay kami. "Hindi eh,pero hayaan mo sa susunod sasama na si ate hannah." Kita ko ang lungkot sa mga mukha ni joshua. "Sigurado ka ba ija na magpapaiwan ka rito?pwede ka pa naman humingi ng letter sa school niyo." Napangiti ako kay nay dolores. "Nay kaya ko naman po wag po kayong mag-alala." Napangiti ako para pagaanin ang loob nito na ayos lang ako rito sa bahay nila. "Maging good boy ka ah wag mong stressin si lola mo." Pangangaral ko rito na kinatango naman niya. " ayan na po yung bus nay." Sabay turo ko sa bus na sasakyan nila. Hanggang sa huli ay