Gray's Point Of View Mabuti na lang napigilan ako ni Hannah kung hindi ay nasaktan ko na si Lucas. "Dito na lang ako Gray salamat sa paghatid." Sambit nito ng makarating na kami sa bahay nila. "Yeah goodnight." Napatango na lang siya at tumalikod na. Nagsimula na siyang maglakad papasok sa kanila at tulalang nakatingin lamang ako sa kanya. Ayaw ko lang na mapahamak ka Hannah kaya ginagawa ko ito. Napabuntong hininga na lang ako kasabay ng pagpasok ng dalawang kamay ko sa magkabilang bulsa ng pantalon at nagsimula ng maglakad paalis. ***** Melissa's Point Of View "What dad? No, hindi ako papayag." Maktol ko kay Dad. Napabuntong hininga na lang si Dad at nagsalitang muli. "Honey this is for your future na di ka aasa sa bar na 'yon." "Dad may mga natutulungan akong tao kaya please do