"Double Ganger"

2424 Words
Hi everyone, ako po ulit ito, si Jegf, 18 years old. Ang kwentong ibabahagi ko po sa inyo ay totoo pong naranasan ko, at kahapon lang po yon nangyari. First time ko pong maka-experience ng kababalaghan sa buhay ko kaya po hindi po talaga ako halos makapaniwala na mararanasan ko pala ang ganito, at natatakot po ako. Byernes ng hapon magfafive o'clock na nun tumambay kami ng pinsan kong si Roselene sa baybayin para magpahangin. Nagkwentuhan kami ng kung anu-ano. Kinwento nya sa akin ang mga problem nya tungkol sa boyfriend nyang hiniwalayan na sya nung isang araw. Marami kaming naikwento sa isa't-isa. Tapus bandang magsisix na yon inaya ko syang umuwi na kasi pupunta pa ko ng internet shop dahil may assignment yung kapatid ko. Sabi nya mamaya na lang daw, mga 6:30 pero nagjoke pa ko na hinihintay na ko ni Jake don sa tambayan namin kasi may usapan kaming pupunta kami ng sabay sa netshop. Nagtampo sya, sabi nya na lagi na lang daw si Jake yung kasama kong tumambay, pinagtulakan nya pa ako na "sige na, umuwi ka na, iwan mo na lang ako dito mag-isa." Hiniritan ko sya na ang drama nya. Sinabi ko rin sa kanya na hindi naman yata tama na iwan ko lang sya dito mag-isa pero mapilit ang gaga, mamaya pa raw sya uuwi mga bandang 7 (emotional kasi dahil kagagaling lang sa breakup). So dahil hindi pa sya uuwi umupo na lang ulit ako at sinamahan sya. Sinabi ko na hanggang 6:30 lang kami. Nagthank you sya sakin kasi gusto pa raw nyang tumambay. Tahimik lang kaming nakatingin sa malawak na dagat at pinagmamasdan ang paglubog ng araw (naubusan na ng pwedeng ikuwento, may pagkamadaldal kasi sya, kaya ako minsan hindi ko na rin napapansin na nagiging madaldal na rin ako pag kasama sya). Itinukod ko ang dalawa kong kamay sa inuupuan naming semento para iinat ang likuran ko at hindi sinasadyang napalingon ako sa likuran ko. Nagulat ako kasi nakita ko si Jake na seryosong naglalakad sa malayo at palapit sya sa kinaroroonan namin. Natuwa ako kasi umuwi na pala sila galing sa kabilang baranggay. Napangiti ako at agad na kinilabit si insan. Sabi ko sa kanya na "anjan na yung demonyu (madalas ko kasing ginagamit ang salitang yan) ayan na ang sundo ko, umuwi na pala sila" sabay turo ko kay Jake na nasa 10 meters pa yata ang layo mula samin. Tanaw na namin ang maamo nyang mukha. Napatingin din si insan kay Jake. "diba namatay yung chuhin nya nung sabado dahil daw nasaksak?" tanong nya sakin, tumango lang ako. Nang medyo lumalapit na si Jake samin kaya agad ko siyang tinawag ng malakas pero hindi nya kami pinansin. Nakita kong sumulpot din ang dalawang kapatid na babae ni Roselene. Si Jake kasi galing sa straight na daan habang yung dalawa naman nasa katabing daan na pinanggalingan ni Jake so nakasunod lang ang dalawa sa likuran ni Jake. Sabi ko kay Roselene "ay snob!" nang hindi ako pinansin ni Jake. Alam kasi ni Roselene na close kami ni Jake. Muli kong tinawag si Jake pero hindi pa rin sya nakatingin samin. At sa huli kong pagtawag napalingon na rin sya samin. Napakamot sya sa kanyang kilay. Tinanong ko sya kung san sya pupunta pero napansin kong wala siyang emosyon. Pagkatapos kong magsalita naglakad ulit lang sya. Yung dalawa kong pinsan tumakbo na palapit samin pero si Jake nagpatuloy lang sa paglakad. Akala ko papunta sya sa kinaroroonan namin. Dalawa kasi yung daan para marating ang kinauupuan namin. May isang daan na may hagdanan na gawa sa kahoy para marating yung pantalan na inuupuan namin. Yung isa namang daan shortcut lang, kailangan mo lang akyatin yung semento (hindi naman kasi mahirap akyatin yon.) Yung dalawa kong pinsan na babae don dumaan. Umakyat ang dalawa, habang si Jake naman tinuloy lang ang straight na daan. Hindi ko na nakita ang katawan nya kasi may mga puno ng saging ang nakaharang sa daan. Akala ko talaga papunta sya sa kinaroroonan namin, akala ko na dadaan sya sa hagdan. Sinabi ko kay Roselene na uuwi na ko kasi may kasama na naman sya kasi apat na kaming nakaupo sa seawall. Nagjoke pa sya na uuwi na ko kasi daw dumating na yung syota ko. Tinawanan ko lang sya at nagpaalam. Tumango sya, agad akong tumayo para salubungin sana si Jake kaso nakita kong naglakad lang sya papuntang gubat (nilampasan lang nya yung hagdan papunta samin) kaya nagtaka tuloy ako kung anong gagawin nya don sa kakahoyan. Nakita rin nina Roselene si Jake na seryosong naglalakad kaya nagsalita si Bebe (yung pinakabatang pinsan) sakin ng "kuya Jegf mukhang may imemeet si kuya Jake don sa dilim ah" sabay tawa. Medyo madilim na kasi dahil 6 o'clock na. Nabaling saglit ang paningin ko sa mga pinsan ko. Sinakyan ko lang ang biro nya sabi ko "oo nga eh, di bale ako na lang mag-iinternet, uuwi muna ako, natatae ako eh." Nagtawanan ang tatlo. Pagtingin ko ulit sa dinaanan ni Jake nakita kong wala na sya don kaya sinabi ko na lang sa sarili ko bakit ang bilis nyang mawala. Agad na lang akong umalis. Akala nina Roselene na sa bahay ang tungo ko pero sinundan ko ang dinaanan ni Jake. May ilang mga bahay naman kasi na nakatirik don. Yon nga lang, may parte pa sa lugar na yon na may malalaking d**o at puno. "dito ko na lang sya hihintayin" sabi ko sa sarili at tahimik lang ako na nakatayo at nakasandal sa isang punong langka habang abala sa paggamit ng cp ko. Inisip ko na baka may imemeet lang syang kaklase o kakikilala na nakatira sa bandang dulo ng lugar na yon. Lumipas ang ilang minuto kong pagtambay na hindi pa rin bumabalik si Jake kaya pumasok na sa isipan ko na sundan ang daang nilakad nya. Hindi ko na rin alam kung saan talaga sya dumiretso kasi nakita kong dalawa pala yung daan. Yung isa don papunta sa may mga kabahayan, yung isa naman don sa maraming puno "dito ata sya dumaan eh." sabi ko saka pinagmasdan ang daan sa maraming punong kahoy. Hindi naman kasi ako takot sa lugar na maraming kahoy kasi nakadaan na rin ako don. Sinubukan kong tahakin sana ang maraming kahoy na daan kaya lang napansin kong may ilang taong nakatingin na sakin. Iniisip siguro nila kung ano ang gagawin ko sa gubat kaya nagdesisyon akong hindi na lang tumuloy. Umuwi na lang ako. At habang naglalakad ako panay ang lingon ko sa likuran ko baka dumating na rin si Jake pero wala sya. Nang makarating sa bahay, agad akong kumain at pagkatapos ay sumama sakin ang isa kong pinsan na babae na kasing edad ko rin papuntang internet shop.Habang naglalakad kami paalis ng internet shop (sa labas pa lang kasi ng pinto ng computer shop sinabihan na kami ni kuya Ransell na walang signal daw kaya hindi na lang kami tumuloy pa, balak na lang namin ni pinsan na don na lang mag internet sa computer shop malapit sa bahay namin kahit na may kamahalan yung bayad P20 pesos ang oras, while don naman sa isa 15 pesos lang), biglang may sumundot sa beywang ko. Nagulat ako at agad na nilingon ang likuran ko. Nakita kong si Jake yon, ngiting-ngiti habang nakatingin sakin. Tinanong nya ko kung saan kami pupunta. Sinabi ko sa kanya sa internet shop. Tinanong ko rin sya kung saan sya galing, sabi nya sa school, ginabi na daw sya ng uwi kasi nagpractice pa sila ng sipak takraw. Napansin kong nakasuot sya ng green na jogging pants, at isang sleeveless tshirt na kulay puti. Nakarubber shoes din sya at suot ang isang maliit na backpack. Nagulat at nagtaka ako sa sinabi nyang galing daw sya ng school, eh pasado 7 o'clock na ng gabi. Sinabi nya na sumaglit din sya sa computer shop. Nag "weee?" lang ko sa kanya, at sinabi ko na nakita kaya namin sya kanina don sa baybay dagat, naglalakad papuntang kakahuyan. Tinanong ko rin sya kung ano ang ginagawa nya don. Napansin kong nagtaka sya sa sinabi ko. Sinabi lang nya sakin na "wala akong alam sa pinagsasabi mo, ano naman ang gagawin ko don sa lugar na yon, hindi ako pumupunta sa baybayin" tsaka ngayon lang daw nya ako nakita sa araw na to. Tumawa lang ako at sinabihan sya ng "wag ka ngang mambola. Tinawag ka kaya namin at lumingon ka, pero tuloy tuloy ka lang sa paglalakad mo, Akala nga namin na lalapitan mo kami eh. Aminin mo na lang na meron kang imemeet don. Siguro may syota ka na nuh." Natawa lang din sya at tumanggi na hindi sya yon. Tinanong nya din ako kung okay lang ba ako, kung anu-ano na lang daw ang pinagsasabi ko. Baka daw kasi sa sobra kong pag-iisip sa kanya kaya napagkakamalan ko na lang yung ibang tao na sya. Pero idiinin ko talaga na nakita namin sya, nakasuot sya ng kulay yellow green na damit na kulay blue yung sleeves at kulay black naman yung short nya (isang beses ko ng nakita sa kanya na suot nya ang damit na yon). Sinabi ko rin sa kanya na hindi lang ako yung nakakita, kahit itanong nya pa kina Roselene. Tinanong ko rin sya na kung hindi sya yung nakita at tinatawag namin kanina, edi sino yung taong yon? sinagot nya lang ako na ewan ko. Pati yung pinsang kasama ko nakisawsaw na rin dahil naintriga. Hindi talaga sya naniwala sa sinasabi ko, iniisip lang nya siguro na tinatakot ko lang sya o jinoke. Tawa lang sya ng tawa habang kausap ko sya, nakitawa na lang din ako at hindi na nagsalita pa. Pero sa loob-loob ko, medyo kinilabutan na ko, kasi kamukha nya talaga yung lalaki kanina eh, 100% sure ako na sya yon, kahit nung nasa malayo pa nga lang sya eh, tinitingnan ko na ang mukha nya at lumingon pa nga samin eh nung tinawag ko. Feeling ko, nagsasabi rin sya ng totoo. Na hindi talaga sya yong nakita namin kasi nakasuot sya ng pantalon nung gabing yon eh, nakashoes pa at halata talagang galing sa school eh yung nakita namin, Jake na nakasuot ng pambahay at nakatsinelas. Alangan namang nagbihis sya at pagkatapos sinuot ulit nya yung damit na suot nya sa school. Nang gabing yon, sinamahan nya kong mag-internet. Nagshomai at nagkape rin kami kasama yung isa kong pinsan. Masayang-masaya ako kasi namiss ko talaga sya, halos anim na araw ko yata syang hindi nakita. Sinabi nya sakin na nung Thursday pa pala sila umuwi ng pamilya nya sa bahay nila. Babalik pa raw sila don bukas sa kabilang baranggay (sabado). Tumambay din kami sa favorite naming tambayan hanggang 10 PM (tinukso pa kami ng pinsan ko na magsyota daw kami, hehe well sanay na kami jan). Nagkwentuhan din kami at nagkulitan. Kiniliti ko sya ng kiniliti sa beywang at ganun din sya sakin. Palagi akong talo kapag kinikiliti nya ko kaya lahat ng mga taong dumadaan napapalingon talaga samin dahil sa sobrang ingay namin tuwing magkasama. May narinig pa nga akong isang babaeng nagsalita ng "wow, nagkikilitian, sana all nagkikilitian" Hindi na lang namin yon pinansin. ~~~~~ Kinabukasan, kaninang umaga, pumunta ako sa bahay ng pinsan kong si Roselene para kunin yung speaker na hiniram nya sakin. Tumambay din muna ako sa kanila at nakipagkwentuhan. Sumagi sa isip ko yung tungkol kay Jake kaya kinwento ko sa kanya na nakita ko si Jake kagabi sa daan. Sinabi ko lahat ang tungkol sa pinag-usapan namin ni Jake, na hindi daw sya pumunta don sa baybayin nung hapon. Nagtaka si pinsan at sinabing imposible dahil saksi rin sya na nakita namin si Jake kahapon don sa baybayin. Sumali na rin sina Bebe at Jamaica (mga kapatid nya) sa usapan namin dahil narinig nila ang pag-uusap namin. Sumang-ayon din ang dalawa na nakita din nila na si Jake talaga yon, hindi lang nila pinansin kasi hindi naman nila daw kaclose yon. Nung una ayaw nilang maniwala sa kwento ko pero nung dumating si Christine at sumali sa kwentuhan (yung pinsang kasama namin ni Jake kagabi) doon na naniwala ang tatlo at kinilabutan habang sinasabi ko ang lahat ng yon sa kanila. Doon na rin sinabi ni Roselene na baka "double ganger" daw yon ni Jake. May napanood na kong palabas sa tv tungkol sa double ganger, yung "The Healing" ni Vilma Santos pero wala pa kong alam kung anong meaning nun if maexperience yon sa totoong buhay. Agad naming inutusan si Bebe na papuntahin si Jake para sana kausapin at linawin kung totoo bang wala talaga siyang alam kaya lang nung bumalik na si Bebe, hindi nya dala si Jake, sarado daw kasi yung bahay nila. Naalala ko ang sinabi nya sakin kagabi na babalik pa pala sila don sa kabilang baranggay dahil sa lamay ng chuhin nya. Sa ngayon kami-kaming apat pa lang na magpipinsan ang nakakaalam tungkol sa aming nakita. Naikwento ko na rin naman kay Jake ang tungkol don eh ang kaso ayaw nyang maniwala, hindi nya sineryoso yung mga sinabi ko ko. Kayo guys, naka-experience na rin ba kayo ng ganun? Diyos ko natatakot ako, ano kaya ang ibig sabihin nun? ano ang ibig sabihin ng nakita namin? may mangyayari ba? may alam ba kayo? pahingi naman po ng advice please. Seryoso po ako, wala po itong halong biro. Yung advice sakin ni Roselene na baka raw may masamang mangyayari kay Jake. Ang gawin ko daw magdasal. Sinabihan ko ang tatlo na kung pwede wala na silang pwede pang pagsabihan tungkol sa aming nakita. Pag-uwi ko ng bahay, bandang alas dose na nun, tinanong ko si bunso (kaklase nya kasi si Jake) kung ano yung kulay ng damit na suot ni Jake sa school (hindi kasi ako pumasok kahapon, bukod pa ron bihira ko lang makita si Jake sa school kasi magkaiba yung building namin sa school building nila, ako kasi senior high na habang sya junior pa lang) sabi ni bunso na kulay red. Tinanong ko ulit sya kung nakita nya ba ito kahapon na nakasuot ng tshirt kulay green na blue ang kulay ng sleeves pero tumanggi sya, wala daw. Nakagreen pants daw si Jake at white sleeveless tshirt nung hapon dahil may practice ito sa larong sipak takraw. Nung hapon daw bago sya umuwi nakita nya pa raw itong naglalaro kasama ang ibang mga kaklase. At dahil sa mga nalaman kong sagot ni bunso malamang nagsasabi nga si Jake ng totoo, na hindi sya pumunta sa baybayin ng hapon na yon...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD