Dapit Hapon “Natutulog ba ang Diyos?”

520 Words
Ilatag na ‘to Ika-2 ng Hunyo ng taong 2006 nasa kahimbingan ako ng tulog ng biglang tumunog ang aking ‘cellphone’. Sinagot ko naman agad pagkaraka. Isang umiiyak na boses ang aking nakinig galing sa kabilang linya. “Si papa wala na! Anong gagawin ko?! Di ko na lam gagawin ko..” “Ha? anong nangyari?! Asan ka ngayon pupuntahan kita!” “Nasa bus ako ngayon! Di ko na alam gagawin ko pagnawala si papa!” Isang iyak ang umalingawngaw sa linya ng telepono ko na bumasag sa buong pagkatao ko. Naging manhid ang buo kong katawan sa sakit ng naramdaman ko sa pag-iyak niya galing sa kabilang linya. Hindi ko siya kayang pakalmahin at patigilin sa pag-iyak kaya wala na rin akong nagawa kundi mapaluha na lang sa mga naririnig ko sa mga sandaling yun.. Makaraan ang limang oras na biyahe nakarating din ako ng kanilang bahay. Nakita ko na bukas ang gate nila at tahimik sa loob. Pumasok ako ng bahay at nakita ko ang ‘kabiyak’ na nakaupo lang at nakatingin sa kawalan. Nung mga oras na yun iniisip ko kung tama ba tlga sabihin ko ang isang namatayan ng ‘condolence’. “Magandang hapon po..” Isang nangingilig na mga mata at isang tango ng ulo ang naging sagot sa aking pagbati.. Tinangka ko silipin ang katotohanan na pilit nilalabanan ng sarili ko na hindi totoo tong mga nangyayari at isang masamang panaginip lang ng biglang may yumakap sa likod ko at humahagulgol at nagwiwikang.. “Si papa wala na.. Si Papa wala na.. Si Papa wala na” Kinurot ko ng palihim ang balat ko ng marinig ko yun. At ng malaman ko na hindi panaginip ang lahat. Hindi ko na napigilan at umiyak na ako. Nakatayo kami sa kawalan at natatakot sa magiging hinaharap. Minasdan ko ang buong paligid ko nakita ko ang pamilya niya na sobrang lapit sa akin na sobrang nasasaktan na sa pagkawala at di makapaniwala sa nangyari. Dahil sa sobrang nasasaktan na ako sa nakikita ko at alam ko mas magiging masaya yung mahal ko kung ako ang nakahiga ng tuwid kesa sa papa niya.. “Putang ina!! Ako ang ilagay mo sa kabaong at ibalik mo buhay kinuha mo!” Ang naging hamon ko sa Diyos.. Galit, Poot at Paghihiganti ang nararamdaman ko na lang. Wala na akong pakialam kung masunog ako sa impiyerno o mapunta sa kawalan. Basta ang mahalaga sa akin tanggapin ng Diyos hamon ko sa kanya kung totoong nasa paligid lang siya, langit at bawat isa sa atin . Pero walang Diyos na sumasagot sa mga hamon ko. Naalala ko na lang yung lagi niyang suot na uniporme sa opisina, yung kung gaano siya kabuting ama at asawa sa asawa at mga anak niya, at yung nakakatawa na seryoso na iiyak siya sa simbahan pag may ikinasal sa isa sa tatlo niyang anak na babae. Napapangiti na lang ako na parang baliw na inaalala lahat ng alaala niya at naiiyak sa di maipaliwanag na dahilan. “Pagod na siya kaya niya tayo iniwan..” Ang sabi ng Ina sa kanyang apat na anak.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD