Untitled Episode

305 Words
Magandang gabi po admin pati po sa mga readers nito pong page na ito First time ko lamang po mag share ng creepy experience, actually po hindi aking experience. Kundi experience po ng 11 years old ko kapatid na babaeng bunso, bago po ang lahat ako nga po pala si Erika aka "Eka". Panganay ako saming magkapatid, dalawa lang kaming magkapatid ni nicole. Since na-confine ang mama namin sa hospital sa QC nitong May 2016, dalawa nalang kaming nagkasama ng kapatid ko. Kakahiwalay lang din ng parents namin last Dec 2015, kaya medyo depressed kami ng kapatid ko sa mga pangyayari. Simula din ng mapaalis kami sa inuupahan namin ay doon na kami nakitira ng kapatid ko sa kaibigan ng mama ko. July 7, 2016 ng 4am habang tahimik ang paligid at mahimbing sa pagkakatulog ang mga kasama namin sa bahay ay nagising nalang ako bigla ng may marinig akong iyak sa tabi ko, umiiyak yung kapatid ko habang nakatakip sa mukha niya yung mga kamay niya. Tinanong ko siya.. Ako: Oh nicole..bakit ka umiiyak? (Habang tinatanggal ko yung mga kamay niya) Siya: (Pabulong) Ate, tingnan mo may nakatayong malaking maitim na lalaki sa may kurtina. Ang kapal ng buhok tapos puti lahat ng mata na nakasiga sa akin. Pero nung bigla akong napatingin sa kurtina, wala naman akong nakikita. Pero naisip ko na hindi naman siya iiyak ng walang dahilan, so totoo talagang nakakita siya. Bigla akong natakot at kinabahan ng sobra, bigla kong kinuha ang rosary ko na bigay ni mama at pinasuot ko sa kapatid ko, niyakap ko siya. Hindi ko pinapahalatang natatakot ako basta niyakap ko lang siya, sabi ko sa kanya magdasal tayo para mawala na yung nakita mo. Tapos di na siya makatulog nun kaya dinamayan ko nalang din siya, hanggang 7am na ulit kami nakatulog. Ayun lang po,
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD