WAK-WAK

461 Words
Nangyari ito noong nagbakasyon kami ng pamilya ko sa lugar ng mama ko sa Barbaza, Antique. Pagka gabi nun nagyaya ang tito ko na mang linte o maghanap ng mai uulam namin sa sapa katulad na lang ng susu, maliliit na isda at maliit na alimasag. Kaya sumama ako para maranasan ko rin. Ipinadala sa akin ng aking lolo ang kanyang itak para daw proteksyon ko para sa sarili at dahil kasama ko naman ang mga tito kaya mas ligtas ako at dala din namin ang lampara na di gaas na kailangang bombahin ng bombahin upang umakyat ang gaas papunta doon sa parang telang butas butas at tsaka sisindihan ng apoy. kung kayat kahit anong dilim ng daraanan namin ay siguradong maaninag namin. Kasama ang dalawang tito ko umalis na kami ng bahay at iginitna nila ako para mas malawak ang makikita nila dahil ako ang may dala ng lampara. Ang unang nadaanan namin ay isang malalawak na at matataas na palayan, pagkatapos naman nun ay isang masukal at magubat na daan na maraming matutulis at malalaking bato hanggang sa narating na namin ang sapa. Pagdating pa lang sa sapa isang hindi pang karaniwan ang narinig ko. Parang "Wak-wak Wak-wak Wak-wak. Kaya hindi na ako nag atubili pang tanongin ang mga tito ko kung ano yun pero ang naisagot lang nila sa akin ay " Wala iyon, wag mo nang pansinin yun. Lingid sa kaalaman ko huni pala iyon ng isang aswang. At hindi lang don nagtatapos ang kababalaghan dahil nong papa uwi na kami doon sa malawak at matataas na palayaan na huli ako ng lakad dahil sa pagod pero dala dala ko pa rin ang lampara. Maya maya pa ay may naramdaman ako na parang may sumusunod sa akin hanggang sa may naramdaman na akong hangin na nang gagaling mula sa likod ko papalakas iyon ng papalakas pagkatapos ay hihina na tapos lalakas na naman ulit at hihina mga limang beses ko rin siyang naramdaman. Pero hindi ko ito pinansim. Hindi sa kalayuan nakatingin pala sa akin ang mga tito ko at nakikita nila kung ano ang sumusunod sa likod ko. Nang makarating kami sa bahay tsaka lang sinabi sa akin nila tito na isang mananangal na pala ang sumusunod sa akin laking pasasalamat ko na lang daw dahil ako ang may dala ng lampara kung kayat kahit anong pilit maka lapit ng mananangal upang dagitin ako ay hindi nito magawa dahil takot ito sa liwanag ng lampara na dala ko. Buti na lang talaga at ako ang may dala ng lampara dahil dito nakaligtas ako sa manangal na gusto akong kunin. Thanks, po sa mga readers at sa admin hope you like it. PS. Totoo po talagang nangyari sa akin yan noong 10 years old pa lang ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD