Chapter 7: Fear

1701 Words
Chapter Seven - Fear Nagising ako sinag ng araw. The sun is rising up, I should be ready for today. Dahil sa pagod ay nakatulog kaagad ako kagabi. Hindi ko na hinintay si Maximillian matapos pa sa banyo. I am too tired to talk to him, mas mainam pa para hindi niya ako guluhin. Hindi naman ako naalimpungatan kagabi, I just know we slept in the same bed but that's it. Wala siya sa tabi ko. I wandered my eyes. Hindi pa tirik ang araw sa labas ngunit may sinag na. Tinignan ko ang wall clock at alas syete na ng umaga. Sanay na ako sa ganito. Sanay na akong magising ng maaga. Tumayo ako at dumiretso sa banyo, nag-toothbrush at naghilamos lang ako. I also brush my hair bago bumaba sa sala. Naabutan ko si Serenity at Athanasia na naglilinis. Nagva-vacuum si Serenity habang si Athanasia naman ay parang may inaayos sa kusina. I can smell the food. It must be our breakfast. “Riri, Athy,” tawag pansin ko sa dalawa habang bumababa sa hagdan. “Omg! Juli! Good morning! Rise and shine my beautiful friend!” hyper na bati sa'kin ni Serenity. Walang kupas, hindi talaga siya nauubusan ng energy. “Anong breakfast natin?” tanong ko sa kanila. Lumabas si Athy mula sa kusina. Nginitian niya ako at bumati. “Sunny side up egg, hotdog, garlic rice and soup. May gusto ka pa bang idagdag, Juli?” “No, Athy. Let me help you with that,” pumasok ako sa kusina at naamoy ko ang bango ng umagahan. Natapos na si Serenity sa ginagawa niya at pumasok na rin sa kusina. Patapos na si Athanasia sa pagluluto niya kaya ako na lang ang naghanda ng plato at kutsara namin. Napalingon ako kay Serenity ng kinalabit niya ako. “Hm? Why?” “Umalis kanina si senyorito ng alas singko ng umaga. Sinabihan niya kami na huwag ka raw lalabas ng subdivision pero pwede ka raw gumala dito lang din sa loob,” aniya. I just nodded. Siguro ay may aasikasuhin siya kaya maaga siyang umalis. After all, he's also the CEO of his own company. Mabilis lang ang oras, mabilis lang din kami kumain. Hindi naman makalat ang bahay ngunit masinop si Serenity at Athanasia. Gusto ko silang tulungan ngunit tinanggihan nila ako. “Malalagot kami kay senyorito kapag nalaman niyang gumagawa ka ng gawaing bahay! Don't worry! Yakang-yaka namin ito ni Athy,” masiglang saad ni Serenity. I just chuckled. Hinintay ko sila matapos. Kung kahapon ay sobrang daming nangyari, ngayon naman ay parang lumilapas lang ang oras ng wala man lang nangyayaring kakaiba. “Juli, anong gusto mong gawin ngayong araw?” tanong sa'kin ni Athy. Umupo silang dalawa sa sofa. Tapos na silang dalawa sa gawaing bahay. I looked up to the clock wall, ten thirty na. Tinignan ko ang labas at hindi ko pa rin mapigilang hindi mamangha sa mga mansion. “Gala tayo?” wala sa sarili kong naisaad. “Loob lang ng subdivision?” pabalik na tanong sa'kin ni Athanasia. Tumango ako. Mas mainam ng huwag suwayin si Maximillian. If he said na huwag lumabas, then I should just obey. “Curious ako kung sinu-sino ang nakatira dito sa subdivision na ito. Ang alam ko lang exclusive at puro mayayaman lang ang nakatira. What do you think?” tanong ko sa kanila. “May nakapagsabi sa akin na mga bachelors daw ang nakatira, ang iba naman ay may mag-aasawa ng nakatira, ayon lang alam ko,” saan ni Athanasia. “Sino nagsabi sa'yo niyan ha?!” may pagdududang tanong ni Serenity. “Kaibigan ko lang.” “Ulol mo kaibigan! Hoy! Si senyorito King iyan 'no? Tigil-tigilan mo ako Athy ha!” Napakunot ang noo sa sinabi ni Serenity. May something talaga sa dalawang ito. “Kaanu-ano siyo si Third and King?” pilya kong tanong. Namula naman si Athanasia habang si Serenity ay napaikot ang mata na para bang naiinis. “Naku, Juli! Huwag mong sabihin ang pangalan na 'yan sa harapan ko.” “Anong mayroon sa inyo ni Third, Riri?” Nakangisi akong nakatingin sa kaniya. Hindi ko mapigilan hindi maging pilya, first time ko makipag-kwentuhan at ganitong topic pa. She sighed heavily. Napatingin siya sa labas ng bintana. Nakabukas ang mga kurtina kaya naman ang glass window ay kitang-kita mula dito sa loob. Napakamot pa sa ulo si Serenity. “Ayos lang kahit huwag mo ng sabihin,” saad ko. “Hindi ayos lang! Nasabi namin sa'yo na ang mag-asawang Rajama ang nagligtas sa amin?” Tumango ako at nakinig sa kaniya. “Huwag mo sasabihin sa iba ito ha?” napakagat si Serenity sa kaniyang labi at tinignan si Athanasia. Hinawakan naman nito ang kamay ni Serenity na para bang sinasabi na ayos lang ang lahat. “Iyong uncle namin na gago,” may galit sa boses ni Serenity, “Dahil ang laki ng utang niya, kami ang pinambayad. Binenta niya kaming dalawa ni Athy sa isang club!” I gasped and my eyes widened. Tinignan ko si Athanasia at nakayuko siya. “Noong nabubuhay ba si Tita ay inampon niya si Athanasia. Hindi kami magkadugo ni Athy pero para na kaming magkakambal. Parang si Senyorita Adrianna at Flynnia lang,” tumawa siya na parang pinapagaan ang atmosphere. “Pero no'ng namatay si Tita, doon na kami minaltrato ni uncle. Puro sugal at kapag umuuwi siya, palaging lasing. Nahinto kami sa pag-aaral ni Athanasia dahil nalubog sa utang si uncle.” “Mabilis ang pangyayari, hinila na lang kami kung saan! Habang si uncle may hawak na malaking pera. Nakakatakot, Juli… Hindi naman alam kung saan kami dadalhin,” tumulo ang luha niya. “Hanggang sa nasa club na kami. Hindi namin ma-process lahat. Pinagbihis kami ng sobrang maiikling damit. Pinalabas kami at nakita namin na puro mga lalaki, ang gulo! Mausok at nakakasuka! May nakita pa kami na may mga babaeng sumasayaw sa stage na may pole. Natakot kami,” tinakpan niya ang kaniyang mukha gamit ang kaniyang palad. Niyakap ko siya. I hummed and caressed her back. “Doon ko nakilala si Tres sa club…” “What?” ang tangi ko na lang nasabi. “S-Si… Si Tres ang nagligtas sa amin…” halos ibulong na lang ni Serenity ang sinabi niya. Hindi ko maintindihan. Wala akong maintindihan. “Then, what about Lord Raghnall? Madame Selene?” nagtatakang tanong ko. “Oo tinulungan kami ni Senyorito and Senyorita, pinakain, binigyan ng matitirhan at inalok pa kami na makapag-aral ulit,” sabat ni Athanasia. “Pero may ibang gusto si Tres,” naibulong na lang ulit ni Serenity. Nakatulala siya at nakatingin lang sa labas. “Pagkatapos ng gulo sa club, niligtas niya kami ni Athy pero gusto niya akong ihiwalay kay Athy. Gusto niya akong kunin.” Tinignan ako ni Serenity. Walang emosyon ang kaniyang mukha ngunit may galit ang kaniyang mga mata. “Alam mo sabi niya? Gusto niya ako maging ka f**k buddy? Babayaran niya raw ako sa kada s*x namin. Tangina hindi ako pokpok!” “Galit na galit ako sa kaniya hanggang ngayon. Walang modo, bastos ang bunganga, ang yabang!” sigaw niya pa. “Hanggang sa dumating si senyorito King. Bigla na lang siya sumulpot sa harapan namin. Siya ang nag-suggest na maging kasambahay kami sa mga Rajama.” I didn't expect this. Ang akala ko ay sina Lord Raghnall at Madame Selene ang nagligtas sa kanila. Tinignan ko si Serenity at nakangiti na siya ngayon. I don't know, it feels like pinipilit niya lang maging masaya sa harapan namin ni Athanasia. “Magiging maayos din ang lahat,” saad ko sa kanilang dalawa. Hinawakan ko ang kanilang kamay at pinisil ‘yon. “Hala siya! Ayaw ko ng ganito ang emotional natin! Akala ko ba gagala tayo?” Tumawa kaming tatlo. Marami pa akong gustong itanong but I don't want to be insensitive to them. If ever magkusang loob silang magbukas ng kanilang nakaraan, I will gladly listen to it. Nagbihis lang kami at nag-ayos. Excited kaming lumabas ng bahay. Hindi magpagkakailang mga mayayaman lang ang nakatira dito, galante at detalyado pagka-construct ng bawat mansion. Masyadong malaki ang subdivision, sumakay kami sa golf cart na ipinahiram sa amin ng guard. May mga playground, clubhouse at iba-iba pa. May resort din at kita ko sa labas na may maraming swimming pool sa loob. Huminto kami sa garden. Alpas Garden ang pangalan. I was mesmerised with the beautiful flowers… And I saw my favourite flower, Lily. “Ang ganda…” saad ni Athanasia at hindi mapakali ang kaniyang leeg kakalingon sa magagandang bulaklak. Para kaming nasa fairytale, masarap ang simoy ng hangin. The green grass is not hurting us at all, masarap pa nga itong higaan. “This is heaven,” naiusal ko. “Sarap tumambay dito! May kubo pa oh!” turo ni Serenity sa kubo. Ang aking buhok ay lumilipad dahil sa lakas ng hangin. I tucked my hair at the back of my ear, tumingin ako sa langit at asul na asul ang mga ‘yon kasama pa ang ulap na parang cotton candy. Ito ang pangarap ko no'ng bata pa ako. Ang malayang maging masaya, magkaroon ng kaibigan at maging malaya. Nakapikit at nakangiti ako at dinadamdam ang simoy ng hangin ngunit napawi iyon ng narinig ko ang boses niya. “You seem so happy, Juliette Quinn Ledesma.” Mabilis akong humarap at nilingon. Namilog ang aking mata sa gulat. Mag-isa siya ngayon at nakatayong nakatingin sa akin. Ang kaniyang dalawang kamay ay nakapasok sa bulsa ng kaniyang pants. “Juliette,” pagbigkas niya sa aking pangalan at nakangiti pa na parang anghel. Pero hindi siya anghel. “A-Augustus…” Demonyo. Hindi ko makita si Serenity at Athanasia. Inikot ko ang aking tingin sa paligid ngunit wala sila dito. Lumakas ang kabog ng aking dibdib. “W-What are you doing here?!” malakas na sigaw ko. Humalakhak siya at lumapit sa akin.Hindi ako makagalaw, parang napako ang paa ko sa lupa. Nang nakalapit siya sa akin ay tinitigan niya ako. Iningat niya ang aking baba, binaba niya ang kaniyang mukha at dinila ang kaniyang labi sa aking tenga at bumulong. “Kukunin kita, remember?”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD