1 - Tawag

1733 Words
-ASH- "Sige na Ash, ako na riyan. Pahinga ka na. Nakakahiya naman sa'yo," nakangiting sabi ni tita Yen sa akin habang nag-aayos siya ng mga paninda sa labas. "Ok lang, tita. Hanggang mamayang gabi na rin naman ako dito. Ako lang naman mag-isa sa bahay. At isa pa po, alam kong busy si Marko. Kaya ako na lang po muna rito." Sabi ko naman kay tita. "Sigurado ka?" Tanong niya. Ngumiti lang ako bilang sagot. Kasalukuyan akong tumutulong dito kay tita Yen sa pagbabantay sa kanyang tindahan habang naghihintay ng punyetang tawag mula sa mga kumpanyang inapplyan ko. Paano ba naman kasi. 'Yung mga hinahangaan kong kumpanyang 'yon pinagtabuyan ako. Jusko! Feeling ko kawawang-kawawa ako nung walang tumanggap sa kanila ni-isa sa akin. Hindi pa ba sapat ang kapabilidad ko? A-akala ko i-iba sila... Charot. But I think, this is pretty normal. First time ko lang kasi sa paghahanap ng trabaho kaya feeling ko kawawang-kawawa ako. Hindi ko pa nae-experience ang na-experience na ng karamihan. But still... Nagpakita na naman ako ng mga sample website. Marami na rin naman akong nalagay na achievements sa CV ko. Hindi pa ba enough lahat 'yon? Dapat ba gumawa pa ako ng isang buong system program harap-harapan sa kanila? Hay naku. Tapos sasabihin nila sa akin, tatawagan ako? Naniniwala naman ako dun sa tawag eh. Pero dun sa oras, duda ako. Kailangang-kailangan ko na ng pera. Mabuti na lang talaga at mabait si tita Yen. Pinautang niya ako ng sampung libo para panggastos sa paghahanap ko ng trabaho at sa pa-medical. Mga kaibigan, huwag kayong malakihan sa sampung libo. Sa paghahanap ng trabaho, kailangan mo talagang mag-invest ng pera. Lalo na kung malaking kumpanya ang a-applyan mo. Sina tita na lang kasi ang maituturing kong pamilya sa ngayon dahil namatay na ang mga magulang ko pati ang aking dalawang kapatid. Na hanggang ngayon, para sa akin, ay isa pa ring napakalaking palaisipan. Naalala ko na naman noon. I was in highschool that time. Naabutan ko na lang silang patay sa bahay. Literal, lahat sila wala nang hininga. Nadatnan ko rin sa kwarto ang isang atache case na walang laman, glasses, gloves at isang balat ng White Rabbit candy. Walang dugo nang mamatay sila. Walang bahid ng kahit anong madugong krimen. Nakahiga lamang sila sa sahig nang walang malay. Dahil doon, I went through major breakdown. Grabe 'yon. Ilang buwan akong miserable. Ako lang mag-isa ang natira sa amin. Kaya naman simula noon, dito na ako nakitira kina tita Yen. Mabuti na lang talaga at napakabait niya sa akin. Gusto ko na nga syang tawaging mama kaya lang nahihiya ako. May dalawa siyang anak. Si Marko, isang call center agent at si Louis, Lowie kung paano siya tawagin, ay isa namang BS Psychology student. Sa totoo lang, napakasuwerte sa anak ni tita. May pagkabastos nga lang 'yong dalawa pero mabait naman. Ako naman, tapos ng Bachelor of Science in Computer Science. At, oo. Si tita Yen ang gumastos ng lahat makaraos lang ako. Maka-graduate lang ako ng kolehiyo. Mabuti na lamang at nakapasok ako sa Iskolar ng Bayan. Wala akong malaking nagastos sa tuition. Kaya naman, ipinangako ko sa sarili ko. Kapag nagkatrabaho na ako, ibabalik ko kay tita ang lahat ng effort na inilaan niya para sa akin. Sobra sobra pa. Kahit sa kanya ko na lang isukli ang lahat ng paghihirap na inilaan sa akin ng mga magulang ko. At speaking of magulang, oo. Miss na miss na miss ko na sila. Ni hindi man lang nila ako nakitang umakyat sa stage ng may Latin honor. Grabe 'yung iyak ko noon. Ngunit dahil nariyan sina tita Yen, sa kanya ko na lang inialay matagumpay na pagtatapos ko na iyon. Sa ngayon, ok na ako. Unti-unti na akong nakakapag-adjust. Trabaho na lang talaga ang kailangan ko. I just sigh, at ipinagpatuloy ko na ang pagbubugaw ng langaw dito sa mga paninda namin. Medyo nasa talipapang lugar kasi kami kaya naman puro karne, isda at gulay ang mga paninda namin. Maya-maya ay napansin kong may tumigil na kotse sa harap mismo ng aming tindahan. Kung titingnan mo ay napakagara nito. Halatang milyunin ang presyo. Mula sa kulay, sa itsura, sa tatak, sosyalin. Maya-maya rin ay bumaba ang driver nung kotse at dali-dali itong lumapit sa aming tindahan. "Boss, may condom?" Bungad na tanong ni manong driver. Medyo nabigla naman ako sa binibili niya. Nang mapabalik ako sa aking huwisyo ay nagsalita na ako. "A-ano ho? Condom? As in 'yung contraceptive? 'Yung... 'yung pinapasok s-sa a-a-ari ng" "Oo, kung ano man 'yon. Basta condom. Pwede pakibilisan? Nagmamadali kasi ako eh," sabi niya at tila hindi naman siya mapakali. Napangiwi ako. "T-teka lang po sir ha, siguro naman ho ay nakikita nyo itong mga paninda namin, 'diba?" sabi ko rito at itinuro ko ang aming mga paninda, "Mga sayote, kangkong, baboy, manok, talbos ng kamote, karot, malunggay, sotanghon, atay ng manok, talong, okra at marami pang iba. At ano hong hinahanap nyo, sir? Condom?" Sabi ko then I chuckled in a friendly manner, "Masyado pong malansa ang tindahan namin para akalain itong isang convenience store." Sabi ko. "Wala ba? Pasensya na. San ba makakabili rito?" Tanong uli ni manong. Saglit akong napaisip. Since talipapa nga ang lugar na 'to, wala masyadong mga grocery. Nandoon pa sa malayo. Wait. May 7/11 nga pala dun sa may Sta. Maria street. "Uhm, diretso po kayo riyan," sabi ko kay manong at itinuro ko 'yung daan, "tapos, liko po kayo sa unang kaliwa. Diretso po uli, unang kanan naman, sa kaliwang banda, may 7-Eleven po doon. Meron po roong condom." Sabi ko. "Salamat master." Sabi naman ni manong driver. Bahagya pa akong napangiwi sa pagtawag niya sa akin ng master pero hindi ko na lang masyadong inintindi. Pabalik na sana siya sa kotse nang bigla namang sumulpot sa likuran ko si Marko na siyang ikinagulat ko. "Saglit lang!" Sigaw niya. Napatigil naman si manong driver sa paglalakad at muling lumingon sa amin. "Condom po ba? Ito ho oh, isang box." Sabi ni Marko at ipinakita niya ang isang box ng Durex condom, strawberry flavor. Lumapit uli si manong driver sa aming tindahan at napangiti, "Yan pala eh, salamat. Magkano?" Tanong nito. Saglit na napasilip si Marko sa kotse na nasa kabilang banda, at medyo pinagmasdan itong si manong driver. "Isang libo ho iyan." Sabi niya na ikinalaki ng mata ko. I looked at him. Kinurot ko siya ng bahagya sa kanyang bewang. "Ano ka ba? Grabe naman!" Sabi ko sa pabulong na paraan. Nginitian lamang niya ako ng nakakaloko. "Ito iho, salamat!" Sabi ni manong driver at iniabot kay Marko ang malutong-lutong pa na isang libong papel. At saka ito tuluyang umalis. Muli ay nagkatinginan kami ni Marko. At saka ko siya biglang hinampas ng malakas sa braso. "Grabe ka talaga! Napaka mo kahit kailan! Isusumbong talaga kita kay tita Yen, tanga." Sabi ko sa kanya. Aba ang loko, nginitian lang ako ng nakakaloko. "Oks lang 'yun Ash boy. Mayaman naman si manong. Looking at the car, mukhang yayamanin ang boss niya. Kaya barya lang sa kanila ang isang libo." Sabi niya. Sinamaan ko lang siya ng tingin. "Eh bakit ka may condom, ha? San galing 'yon?" I asked him. He smirked, "Malamang, sa akin. Curious ka?" Tanong niya. "Oo, bakit? Masama? Alam mo ikaw, kung anu-ano talaga inaatupag mo eh no. Isusumbong talaga kita kay tita." Sabi ko. Pagkasabi ko noon ay eksaktong dating naman ni tita Yen. "Anong kaguluhan 'yan?" Tanong niya nang makalapit sa amin. "Eto po si Marko may conghsjdkdjal--" hindi ko na naituloy pa ang sasabihin ko dahil tinakpan ni Marko ang bibig ko gamit ang kanyang kamay. "Wala ma, akala nya may kinupit ako. Wala naman. May kinuha lang ako saglit," Sabi naman niya habang hindi pa rin tinatanggal ang kamay sa bibig ko. "Ikaw Marko, ayus-ayusin mo buhay mo ha. Sa'yo lang napupunta ang lahat ng tubo!" Sabi ni tita. Kinuha na niya ang kukunin nya at umalis na rin kaagad. At saka lang tinanggal ni Marko ang kamay nya sa bibig ko. "Gago ka talaga, alam mo 'yon?" I told him. He chuckled, "Wala eh. Binili ko 'yon para kay gf, kaso nakipagbreak." "Bakit hindi mo pa tinatapon?" Tanong ko. "At bakit ko naman itatapon? Sayang naman. Malay mo magamit ko pa." Sabi naman nya. "Magamit? Kanino naman?" "Sa'yo." Sabi nya, then he winked at me. Pumikit ako. Nang-aasar talaga 'tong gagong 'to eh. "Ah, ganyan." I said with a hint of threat. Akmang hahabulin ko pa lang siya ay bigla na siyang kumaripas ng takbo palabas. Hindi na rin naman ako nakipaghabulan pa dahil walang magbabantay sa tindahan. At isa pa, palagi 'yang ganyan. Immune na ako kumbaga. I just sigh. Ganyan lang talaga si Marko at ang kapatid niyang si Louis. May pagka-manyakis na hindi ko alam kung turn on ba o off. Mabait at gwapo naman sila kung tutuusin. Hay naku. Pinakalma ko na lang ang sarili ko at bumalik na sa aking huwisyo. Maya-maya ay bigla namang nagring ang aking mumurahing phone. Nang makita kong galing sa landline ang numero ng tumatawag ay kaagad ko itong sinagot. "Hello po?" Tanong ko sa kabilang linya. "Good pm, is this Mr. Ashrill Montecer?" The caller asked. Bigla naman akong kinabahan, "Y-yes po, ako po ito." "Great. I would like to inform you that, you may pass your final requirements here in our office tomorrow, located at the 17th floor De Guerra Building, Skyloft Telco, Bonifacio Global City, Taguig City. Prepare for the final interview as well." Sunud-sunod na sabi nito. Unti-unti akong napatakip sa bibig ko. Omg. Wait. Omg. Ito na ba? Totoo na ba talaga 'to? Hindi na 'to boka? "T-talaga po?" I asked, and I can't hide the excitement in my voice. Ngunit bigla lamang naputol ang tawag. K. Medyo bastos ng very very light. Anyways, ibinaba ko na ang aking telepono. Unti-unting napatingin sa kawalan, muling napatakip ng bibig, hanggang sa hindi ko na napigilan ang sarili ko at napatayo't napatalon na lang ako sa tuwa. Meghed, finally! May tumanggap na sa ganda ko! Mga bes, take note. Skyloft 'yon! Big time company 'yon. Sa dinami-rami ng mga kumpanyang inapplyan ko, iyon ang pinakanakakatakot. Literally speaking. Alam ko kasing mataas ang standards nila. Kaya inuna ko talaga muna 'yung ibang maliliit na kumpanyang alam ko. Napilitan lang talaga ako sa Skyloft dahil wala na naman akong ibang choice. Nagtake na ako ng risk dahil wala na akong ibang mahanap. At sa hindi ko maipaliwanag na kadahilanan, natanggap ako. Baka pang high-class talaga ang capabilities ko, no? Char. Ok, self. Kalma. Huwag ka munang magcelebrate diyan. Kailangan mo pang galingan sa interview bukas para tuluyang makapasa. Ang una ko kasing pinasa ay curriculum vitae. Then, iyon nga. Sinabi nila sa akin na tatawagan na lang nila ako kung kailan ako pwedeng magpasa ng requirements. And they did. Finally. Sana this time hindi na ako mabigo ng tawag na 'yan. Ang kailangan ko na lang gawin ngayon ay paghandaan ang pangmalakasang interview bukas. Ok, self. Let's do this. ---
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD