PROLOGUE

1155 Words
RAPIDO? YES,, PLEASE,,,! WRITTEN BY; MHAYIE *****PROLOGUE ****** Primrose; “Lindsay huwag na kaya tayo tumuloy? Baka kasi mahuli pa tayo?” Nag aalangan sabi ko.. “Hindi yan ako bahala,titignan lang naman natin yung loob kung ano ba itsura niyang Bar na iyan at bakit napaka exclusive at ang mahal.”! Si Lindsay. “Tssk !!,pero di naman tayo papapasukin riyan!” Sabi ko pa . “Trust me Prim,lilibangin ko ang bouncer tapos pumasok ka sa Loob ah!” Sabi nito na kinatanggi ko. “No Way! Bakit ako? “ Reklamo ko. “Edi ikaw mag aliw kay kuya Bouncer!” “Ok fine! Basta siguraduhin mong di ito malalaman ni Dad!” Sabi ko. Nilibang nga ni Lindsay ang Bouncer ng Bar at sumenyas naman ito sa akin ang loka kaya naman sapilitan na ako pumasok . Halos napangiwi si Prim sa napasukan niya ang daming tao ng Bar na ito at talagang bigatin ang mga narito ,mayaman naman sila pero never pa talaga siya nakapasok sa mga ganitong Bar ,tanging ngayon lang at dahil iyon sa kaibigan niyang si Lindsay at ang masaklap ay paLihim pa ang pagpasok niya. “ Huy ano nakita mo na ba? Este ano nakita mo?” biglang sulpot nito na di ko mawari kung pano nakusot,Napakunot ang noo ko sa sinabi ni Lindsay . “Yung totoo kaya ba tayo nagpunta rito dahil gusto mo malaman ang nasa loob nito o dahil may hinahanap ka dito?” Usisa ko na kina iwas ng tingin ni Lindsay. “Sinasabi ko na nga ba may pakay ka talaga rito !?”.sabi ko sa kaibigan ko Pero hindi ito umimik sa halip natahimik ito at akala mo napatulala hanggang sa may mga luha na nagbabadya dito . Napatingin ako sa tinititigan nito at ganun nalang ang inis ko ng makita ko ang lalaking tinitignan ng bestfriend ko at masasabi ko talaga na napaka gago ng lalaking ito dahil nagagawa pa nito makipagtukaan sa ibang babae ,kahit hindi sabihin ni Lindsay alam kong may ibig sabihin iyon at kinalulungkot ko ang nakikita ni Lindsay . “Umuwi na tayo Prim!” Aya nito pero hindi ako nagpatinag. “Hindi niloko ka ng lalaking iyan at ayoko nasasaktan ka ng dahil sa tulad niya!”.galit na asik ko at akmang pipigilan ako ni Lindsay sa pagsugod, pero hindi nito ako naawat kaya malalaki ang hakba na tinungo ko ang lalaking nanakit sa damdamin ng kaibigan ko. Natigilan naman ito sa pakikipagtukaan sa babaeng kasama ng makita ako na seryosong nakatingin sa kanila. “Hey miss what's wrong?” Sabi nito at akmang lalapit ng sinampal ko ito nang napakalakas. “D*mn ano ba problema mo ah!?” Galit na asik nito. “Ikaw ang problema ko ang lakas ng loob mo makipagtukaan habang ang kaibigan ko nasasaktan na!” Sabi ko “What?” Kunot noo na sabi nito . “Prim halika na nakakahiya ka!” Pag aya ni Lindsay sa akin dahil nakuha na namin ang atensyon ng lahat ng tao sa Bar . “Mahiya ka naman sa girlfriend mo!?” sabi ko na lalong kinagalit nito. “Girlfriend?” Maang maangan nito. “Style mo bulok ! Maang maangan para ano magmukha kang inosente?” “Lindsay what the hell are you doing? Anong ginagawa mo rito?” Baling nito sa kaibigan ko ,hindi naman umimik si Lindsay at nag iwas ng tingin . “Humingi ka ng sorry sa bestfriend ko!” Utos ko . “Ano ba pinagsasabi ng kaibigan mo Lindsay at anong kalokohan ito?”bakas na ang pagtitimping galit nito sa mukha ,pero hindi ako nagpatinag. “Let's go Prim nakakahiya na !” Sabi ni Lindsay at akmang hahatakin na ako nito paalis ng mabilis na hinawakan ito ng lalaking kausap ko. “Let’s go Lindsay,may dapat tayo pag usapan !” Seryosong sabi nito. “At saan mo dadalhin ang kaibigan ko?”hindi ako nito pinansin kaya naman pinigilan ko si Lindsay na huwag sumama,pero tumanggi lang ito at sapilitan sumama sa bwiset na lalaking iyon. Ngayon ako tinablan ng kahihiyan ng mapansin ko na ang mga mata na nakatingin sa akin at napansin ko na papunta sa pwesto ko ang bouncer ng bar na ito kaya naman nagmadali ako umalis para magtago dahil sa oras na maabutan ako nito mayayari ako dahil wala naman ako sa V.I.P list at dahil sa minor edad palang ako panigurado tatawagin ang Ama ko at doon talaga ako malilintikan . Nakipaghabulan si Prim sa isa sa Bouncer doon at hindi inaasahan nabangga niya ang isang lalaki ,wala na siya maisip pa na ibang paraan para magtago kaya kahit mali ay ginawa niya . Pinagpalit niya ang pwesto nila ng lalaking nabangga niya kaya napasandal siya sa pader at hinila kwelyo ng lalaki palapit sa kanya at walang pagdadalawang isip na inabot niya ang mga labi nito. “Hanapin niyo bilis?” utos ng isang Bouncer sa isang waiter nasa tapat nila ito kaya mas lalo niya hinapit ang kwelyo nito para mas lalong mapalapit sa kanya. Kinakabahan siya dahil baka mahuli siya pero natigilan siya ng bigla nalang pumulupot ang mga braso ng lalaking kahalikan niya sa kanyang bewang at naramdaman niya ang paggalaw ng mga labi nito akmang itutulak niya ang lalaki na kahalikan niya ng marinig na naman niya ang bouncer kay no Choice siya kundi tumugon sa mga halik nito. Mas lalong pinalalim ng Lalaking kahalikan niya ang halik nito sa kanya kaya Hindi niya namamalayan na nalulunod na siya sa bawat halik nito at nagagawa niyang makipagpaligsaan rito ,kinagat pa nito ang pang ibabang labi niya kaya naibuka niya ito at dahilan para pumasok ang dila nito nung una hinayaan niya lang ito hanggang nadala siya at nakipag espadahan narin ng dila ,hindi niya maipaliwanag ang nararamdaman para bang nanabik siya sa bawat halik nito na animoy pakiramdam niya na safe siya sa presensya nito. Masyado na sila naging mapusok sa kanilang paghahalikan nagiging malikot narin ang kamay ng lalaking kahalikan niya hanggang sa na alarma siya at natauhan ng ipasok nito ang kamay sa blouse niya at akmang hahawakan ang s*so niya kaya marahas na naitulak niya ito. “D*mn!” Mura nito ng muntik na matumba dahil sa hindi inaasahan na pagtulak ko. “Bas—-!” Natigilan siya ng makita ang napakagwapo nitong mukha,ngayon lang siya nakakita ng ganitong kagwapo na lalaki at talgang natameme siya sa kaharap niya lalo pa ng makita niya ang mata nito na kulay dagat. Katulad niya para itong natigilan ng makita ang mukha niya. Dahil sa sobrang kahihiyan ay umalis nalang siya hindi niya akalain na magagawa niyang makipaghalikan sa taong hindi niya kilala ang masaklap pa hindi lang halikan dahil Laplapan na talaga. Hindi na niya kinaya pa ang mga nangyayari ngayon sa kanya dahil sari saring kahihiyan na ang nagawa niya ngayong gabi.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD