RAPIDO 16 (" BULGAR")

1176 Words
RAPIDO? YES,, PLEASE,,,! WRITTEN BY; MHAYIE CHAPTER 16 ****(“Bulgar”)****** Napuna ni Lindsay ang Panay linga ni Prim na para bang may hinahanap ito na presensya . “Prim kanina pa kita napapansin sino ba ang hinihintay mo?” Untag ni Lindsay. “W-ala naman!” Malungkot na tugon ni Prim “Sure kang wala ? Eh mula mag umpisa panay ang tingin mo sa relo mo at panay lingon mo ,friend kita kaya alam ko kung nagsisinungaling ka o hindi!” Hindi nakaimik si Prim sa sinabi ng kaibigan. “Si Atty. Ba ang hinih—?” “Hindi no!” Pagputol niya kay Lindsay. “Ok ! Ok! Sabi mo eh! Huwag pahalata masyado!” Pang aalaska pa nito. Hanggang sa matapos ang graduation walang Atty.Sirius ang dumating ni kahit text ay walang paramdam ,parang dinurog ang puso ni Prim sa kaisipang hindi ito mahalaga sa binata. Kaya sa labis na inis ni Prim sumama ito kay Lindsay at Miguel upang mag Bar. Hindi ugali ni Prim ang mag inom pero eto ang unang beses niya tumikim ng alak at maglasing . “Hey bhie ! Tama na baka malasing ka niyan!?” Awat ni Miguel pero di ito pinansin ng dalaga at nagpatuloy lang sa paglaklak ng tequila. “Miguel pigilan mo yan at baka malasing yan! Hindi yan sanay mag inom at first time niyan baka ano pa magawa niyan dito!” Saway ni Lindsay. “Oo pati ikaw tigilan mo rin ang paglaklak ! Dahil pag pareho kayo nalasing hindi ko alam pano ko kayo iuuwi!” Saway ni Miguel sa kaibigan ni Prim na si Lindsay. “I can handle myself thanks to concern Migz!”lango sa alak na sabi ni Lindsay. Kahit gumuguhit ang sakit sa kanyang lalamunan ay nagawa parin laklakin ni prim ang mga tequila na inorder niya. “I said Stop!” Inis na inagaw ni Miguel ang iniinom niya kaya naman tinignan ito ni Prim ng masama. “A-no ba problema mo!?” “Ako dapat ang magtanong sa iyo niyan? Ano ang problema mo Prim huh? Mula kanina wala ka nang ginawa kung di manahimik at lumaklak!” Galit na sita ni Miguel kay Prim. “Nothing!” “Really?” Nang uuyam na tinig ni Miguel. Hindi ito pinansin ni Prim at akmang kukunin muli ang isang baso na tequila ng malakas na sinagi ito ni Miguel kaya napatayo si Prim ng tumapon ang Tequila sa kanyang damit. “What the Hell?” Inis na turan ni Prim dala narin ng kalasingan kaya nag iiba ang ugali nito . “I said Stop! Pagsinabi ko tama na tama na! “ Galit na galit na turan ni Miguel pati si Lindsay ay natigilan sa pagtatalo ng dalawa. “Ok fine kung ayaw niyo nakikita ako pwes lilipat ako—!” “At san ka pupunta?” Madilim ang awra ni Miguel na hinablot nito ang kamay ni Prim. “Bitawan mo ako!” Usal ni Prim. “No! Sa ayaw sa gusto mo iuuwi na kita!” Giit ni Miguel. “T-eka san mo dadalhin kaibigan ko?” Usal ni Lindsay.pero tinitigan lang ito ng masama ni Miguel,akmang susundan ito ni Lindsay ng bantaan ito ni Miguel. “Huwag kang magtatangkang sumunod sa Amin Lindsay!” Malamig na turan ni Miguel kaya wala nagawa si Lindsay kundi panoorin ang papaalis na rebulto ng dalawang kaibigan. “Let me go Migz! Ano ba!” Pwersahang binawi ni Prim ang kamay mula kay Miguel. “D**n Prim what's wrong with you?” “Wala nga sabi!” “Huwag mo akong gawing tanga Prim ! kanino at bakit ka nagkakaganyan?” “Stop Miguel!” Akmang iiwas na si Prim ng biglang magsalita muli si Miguel. “Dahil ba Kay Atty.Sirius kung kaya nagkakaganyan ka?” Hindi inaasan ni Prim ang sasabihin ni Miguel,kaya kahit siya ay di nakaimik . “Bakit Prim magaling ba siya Humalik kesa sa Ak—?”naudlot ang sasabihin ni Miguel ng malakas na dumapo ang kamay ni prim sa mukha nito. “How dare you to insulting me!?” galit na turan ni Prim pero nginisihan lang siya ni Miguel. “At ano ang gusto mong isipin ko na naglalaro lang kayo sa iisang bubong?” Nanlaki ang mata ni Prim sa isinuwalat ni Miguel . “P-ano?” “Hindi ako tanga Prim !akala mo ba hindi ko alam na nagpakasal ka sa lalaking iyon ? At talagang pinagsabay mo pa kame? Hindi mo man tinapos ang relasyon natin bago ka nakipaglandian sa iba?” “Ano ba Miguel nasasaktan ako!” “tssk! Bakit Prim san kaba nasarap?” “W-hat do you mean?” Takang tanong ni Prim habang si Miguel ay isinandig siya sa sasakyan,bahagya pa nasaktan si Prim pero hindi iyon ininda ng dalaga dahil mas kinakabahan ito sa kinikilos ng binata. “A-no g-agawin mo?” “Tutal ayaw mo ng lalaking nirerespeto ka mas gusto mo pala ang niroromansa ka bakit hindi natin subukan at ng malaman mo kung sino ang mas magaling samin ni Atty. Sa—----!?” Muling sinampal ito ni Prim na naging dahilan para mas lalong maging agresibo ang binata. Hinapit nito si Prim palapit sa kanya,kahit pa mag umiyak sa pagmamakaawa ang dalaga ay hindi nito pinsan ,akmang susugurin ng halik ni Miguel si Prim ng bigla nalang may sumapak dito ng malakas kasunod non ang pagbagsak ni Miguel sa sahig. “W-hat the—-!?” Hindi na natapos pa ang sasabihin ni Miguel ng pinagsusuntok ito. “S-top A-ttorney!?” Awat ni Prim ng mahimasmasan,pero hindi nakikinig si Atty.lalo pa't binalot na ito ng galit sa binatang si Miguel. Bago pa matuluyan ito ni Atty.ay pumagitna na si Prim upang awatin na hindi nagustuhan ni Atty. “Bakit mo pa pinagtatanggol ang gago na iyan?” Sita ni Atty.kay Prim. “K-asi hindi tama !” Usal ni Prim hindi makapaniwala si Atty.sa ginagawa ni Prim. Bumuntong hininga si Atty.upang alpasan ang galit na namumuo sa kanyang isipan. “Ok umuwi na tayo Prim!?” Hahawakan na sana ni Atty.ang kamay ng dalaga ng umiwas ito. “Hindi ko pwede iwan si Miguel ng ganito!” “Pero tinangka ka niya gawan ng masama tapos nais mo pa samahan siya?” Giit ni Atty.Sirius. “K-asalanan ko naman ang lahat! Kung hindi ako nagpakasal sayo hindi sana siya nagkakaganito !” “So pinagsisihan mo na ikinasal ka sa akin? Ganun ba Prim?” May sakit sa tono na pananalita ni Atty.pero pilit na di pinahahalata ng binata. Hindi umimik si Prim at dinaluhan si Miguel,masama ang loob niya dahil hindi man lang nagawa ni Atty.na dumalo sa graduation niya kahit sumilip o magtext man lang kaya labis ang galit niya sa lalaki. “Ok fine kung siya ang gusto mo samahan hindi kita pipilitin !” Sabi ni Atty.at iniwan na si Prim ,nakaramdam si Prim ng kirot ng talikuran siya ng binata at hayaan .
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD