Chapter 38 Emerald Ang ganda ng tulog ko sa silid na ipinahanda ni Enrico para sa akin. Nagising ako Alas-tries ng hapon. ang tumunog ang cellphone ko idinilat ko ang isa kong mata. Nakita ko sa screen na si Tita ang tumatawag. Dinampot ko ang cellphone at itinapat ito sa aking tainga habang nakapikit ang aking mga mata. "Hello, Tita?" tinatamad kong sagot sa kaniya. "Oh, nasaan ka na? Dumating ka na ba sa inyo? Nariyan ba si Daniel? Anong sabi niya?" Napapakibot na lamang ako ng aking labi sa sunod-sunod na tanong na iyon ni Tita sa akin. "Dito po ako sa mansyon ni Enrico. Huwag po kayong maingay. Ayaw ko ng bumalik sa piling ni Daniel. Baka mamaya papatayin pa ako no'n" sabi ko pa kay Tita. Nagngingitngit na naman sa galit si Tita sa akin. "Ay, nako, Emerald! Ang tigas ng ulo