Chapter 12 Emerald Nakarating kami sa disco bar agad kaming nag-order ng alak at naghanap ng mapi-pwestuhan. Tuwang-tuwa ako dahil para akong nakawala sa isang kulungan. Kapag pumapasok ako sa paaralan o hindi kaya pupunta ng mall hindi pwede na wala akong bodyguard. Sorry na lang sa bodyguard ko. Alam kong mapapagalitan siya ni Daniel, subalit gusto ko mag-celebrate ngayon. Kahit paano masaya ako dahil nakapagtapos na si Enrico ng pag-aaral. Subalit sa kabila ng saya na nararamdaman ko ay hindi pa rin maiiwasan ang pag-aalala sa aking puso. Sabay kami nangako sa isa't isa na pagkatapos ng pag-aaral niya mamamasyal kami at pareho namin i-celebrate ang tagumpay niya. Subalit nagbago ang kapalaran namin sa isang iglap. "Cheers!" Sabi ng mga kaibigan ko at itanaas nila ang kopita