C H A P T E R 1 6: T H E L E T T E R Muling napakuyom ng kamay si Natalie, napasandal patalikod sa sink ng kusina. She had tried so many times to forget what Bradley had said last night, but unfortunately, it was haunting her. Mas idiniin pa niya ang ice pack sa magang kamao. Napaimpit siya sa sakit. "N-Nabalian pa y-yata ako ng b-buto," lukot ang mukha ay sabi niya sa sarili, sinusuri nang maigi ang nananakit na kamay. "You've given him a hard punch last night, haven't you?" biglang wika ni Daine na nakatayo sa entrance ng kusina. Nilingon niya ang bodyguard, binigyan ito ng matamis na ngiti. Kanina lamang niya ito nakilala paglabas niya ng kuwarto. Nakapalagayan niya agad ito ng loob. Palangiti kasi at palabiro. Sa katunayan ay inakala niyang estatwa ito noong una. Hindi kasi