Bahay At Lupa - Part 2: Seloso

1494 Words
Suicideking Kumagat na ang dilim nang aking marating ang lugar kung saan naroon ang ospital na pinapasukan ng aking maybahay. Marami ang nakatayo sa paligid, kahit medyo tumila na ang ulan ay marami pa rin ang nag-aantabay na humupa ang baha. Kinuha ko ang aking cellphone upang abisuhan na si misis na ako'y narito na. "Dito, dito ka tumapat babe sa may malapit sa puno" utos ng aking asawa. Sa dami ng mga nurse at iba pang kawani ng ospital na naroon ay umaasa pa rin akong naroon din si Alex. Nakakapang-hinayang din kasi kahit paano, hindi ko naman sinasabing putol na ang relasyong sekswal naming dalawa, ang totoo'y nakapagtalik pa kami ng ilang beses bago siya nagpasyang iwasan ako. Para na rin kaming si Bogs at Carina noon, parang mag-syota at hindi maiwasang magkaroon ng away o tampuhan sa isa't isa. Mabilis na lumukso si Angel, iniwasan hangga't maaari ang tubig baha. Sa kasamaang palad ay nabasa rin siya kaya't napilitang hubarin na ang kanyang sapatos pagkasakay niya sa aming sasakyan. Itinabi ko muna saglit ang aming kotse upang bigyang daan ang kanyang pag-aayos ng sarili. Sa tagal na naming mag-asawa, hindi ko malaman kung bakit ba tuwing maghuhubad siya ng kanyang sapatos at lalantad ang kanyang mga paa'y hindi ko maiwasang "Ganahan". Hindi mahilig si Angel sa nail polish, gawa na rin siguro ng hindi ito angkop sa kanyang trabaho bilang nurse. Kaya naman siguro doon na lang niya itinuon ang "Fashion" sa kanyang paanan. Ang maputing paa ng aking asawa ay sadyang nagpapalukso ng aking dugo, napapalunok ako tuwing makikita ko ang makinis niyang daliri na ang kuko'y may nakapintang kulay itim. Ang pagkahumaling kong iyon ay lalo pang nadagdagan nang bahagya pa niyang inililis ang kanyang puting pantalon at masilayan ko ang makinis at bilugan niyang binti. "Okay na...tara na babe..." wika ng aking asawa. "Uhm, may extra damit ako dyan babe, palitan mo muna yang suot mo at baka sipunin ka..." suhestyon ko naman. "Ano? okay ka lang? dito mo ako paghuhubarin?" medyo naiinis pang sagot ni Angel sa akin. "E hindi naman kita sa labas diba? kesa naman magkasakit ka babe..." paliwanag ko pa. Luminga-linga si Angel sa paligid, siniguro niyang hindi talaga kami kita ng mga tao sa labas sa loob ng aming sasakyan. Pagdaka'y inabot na rin niya ang aking bag sa likod upang kuhanin ang damit na aking tinutukoy kanina upang ipamalit. Hindi sa gusto kong "Silipan" si Angel, ang dumako sa isip ko noon ay ang pangyayari sa pagitan namin ni Alex. Maulan din noon, halos parehas ang tagpo sa amin ngayon dito rin sa loob ng aking kotse. "Baka mamaya nasa youtube na ko ha!" wika pa ng aking misis habang nagpapalit na ng damit. Sabi ko nga kanina, kahit pa matagal na kaming mag-asawa, kahit pa halos gabigabi kong nakikita ang kanyang katawan ay parang may udyok pa rin sa sulok ng aking isipan ang "Silipan" ko ang aking maybahay. Suot ang paborito niyang kulay itim na bra, bumungad sa akin ang kalahating bahagi ng kanyang malulusog na suso habang kami'y nasa gitna ng lansangan. "Kahit maghubad ka pa dyan babe, walang makakapansin...hehe! diba binlow-job mo na nga ako dito rin sa kotse natin?" gatong ko pa sa kanya. "Aba ikaw babe ha...hihi! gusto mo huwag na muna ko mag-damit?" pagyayabang pa ng aking asawa. Sa mga simpleng sitwasyon tulad nito ay napapanatili naming dalawa ang silakbo ng aming pagiging mag-asawa. Ganunpama'y nililimitahan din naman namin ang aming mga kilos ukol sa mga bagay na tulad nito. Simula nang magkaroon kami ng "Third wheel" na lalake sa katayuan ng maswerteng binata na kanyang nakilala noon ay tila kusang-loob kaming huminahon sa mga maka-mundong gawain. Ang huli siguro naming "Wild" na nagawa ay ang makipagtalik kasama ang kaibigan naming si Carina. "Nabanggit mo, may sumundo kamo kay Alex kanina?" biglang baling ko ng paksa. "Ah oo, hindi ko naman alam kung manliligaw nya o ano, basta nagpaalam e. nauna sa aking lumabas kanina...pero ang kutob ko manliligaw nga" paliwanag ni Angel. "Ah...buti naman, at least alam na natin na hindi pala babae ang gusto niya hehe" biro ko naman mula sa kawalan. Sa totoo lang e medyo may "Selos" akong naramdaman. Sa aking pagkaka-alala e may usapan kami, o siya na rin mismo ang nagsabi, na kung sakali mang may manligaw sa kanya e sisiyasatin ko muna. Ewan natin, dala na rin siguro ng tampo niya sa akin nitong mga nakaraang araw e nagawa na niyang magtago ng mga lihim sa akin. Bakit nga ba ganoon ang sistema ng tadhana, o may sistema nga ba? Minsan aking sinuri kung paano at bakit ba ako napadpad sa palda ni Alyssa, naisip ko na kung ito ba'y talagang laan para sa akin o di kaya nama'y sadyang dumaan lamang upang aking pansamantalang malimutan ang pait ng nakaraan. Dumating si Alex sa buhay ko ay hindi pa naman kami lubos na nagkaroon ng tampuhan ni Carina sa aking pagkaka-alala, dumating siya sa pamamagitan na rin ng aking asawa bilang kuneksyon sa kanya. Subalit kung aking lalaliman pa ang pag-iimbestiga, naging mas mabuti ang pagsasama namin ni Alex nang si Carina ay nawala na. "...hihi! sige sige, enjoy ka na lang dyan ha? at mag-iingat ka...okay bye!" wika ni misis sa kanyang kausap sa telepono. Hindi ko nasubaybayan ang pag-uusap nila, kung sino man yun, gawa nga ng matinding traffic at lalim ng aking mga iniisip. Halos isang oras na at wala pa sa kalahati ang distansya papunta sa bahay nila biyenan kung saan naroon ang aming anak. "Mukhang masaya naman si Alex...pero ayaw niya sabihin kung sino yung ka-date daw niya? hihi!" wika pa ng aking asawa. Doo'y naging malinaw na si Alex nga ang kanyang kausap kanina pa sa telepono, muli ako'y nakaramdam ng kaunting panghihinayang, parang ang bilis kasi, parang ilang buwan ko lang siya napakinabangan. Ngunit sa likod ng aking isipan ay may bumubulong, at nagtatanong kung bakit ayaw ipakilala sa asawa ko kung sino ang kanyang kasama noong gabing iyon. Siguro ito'y patakaran na rin ng mga kababaihan, di tulad ng karamihan sa mga lalake na nanliligaw pa lang ay halos alam ng ng social media kung sino ang babaeng kanyang tinitingalang-pugad. Marahil gusto siguro ni Alex na siguruhin ang kanilang estado, bago niya ito ipakilala sa amin. Halos alas-otso na ng gabi nang kami'y makarating sa bahay nila biyenan, baha halos lahat ng lansangan, buti na lamang at ang ibang shortcuts patungo doo'y hindi ganoon kalalim ang tubig ulan. "Oh kumain muna kayo Bogs..." bungad sa amin ng tatay ni Angel. "Ah hindi na po, sa condo na lang po siguro.." sagot ko naman. "Naku Bogs, malabo yan, makauwi man kayo e tiyak mga madaling araw na't baha din doon sa dadaanan ninyo" sagot muli ng biyenan kong "Ganun po ba?" naisagot ko na lang. Sa totoo lang e gusto ko na din talagang umuwi, gusto ko nang humigop ng malamig na beer at ilapat na ang aking likod sa malambot naming kama. Para kasi akong bumyahe noon galing sa malayong probinsya sa sobrang pagod sa kalsada. "...babe dito na nga lang muna tayo...teka at magbabanlaw na muna ako ng katawan" singit nitong asawa ko. "Saka isa pa Bogs, tulog na tulog na yang anak nyo...mabuti pa e magpahinga ka na muna at kumain na rin kayo ng hapunan.." sabay tawag ni biyenan sa kanilang kasambahay upang utusang ipaghain kami ng makakain. Ako'y naupo muna sa kanilang sofa matapos sumang-ayon sa kanilang hiling. Tama nga rin naman, lalo lang akong mapapagod kung susuungin ko ang baha at traffic pang muli sa lansangan. Isa pa'y baka madale pa kami ng malalim na baha at masira pa ang kotse kong medyo may kalumaan na rin. "Bogs, doon na kayo matulog sa kwarto nila Kat, wala naman si Mulong ngayon e" wika ng aking biyenang babae habang kami ay kumakain. "Ah opo, salamat po...si Kat nga po pala kumusta? si baby Mulong?" biro ko pa. Nakasanayan ko nang tawaging "Baby Mulong" ang anak nilang lalake, halos apat na linggo na rin mula nang siya ay iluwal ng normal ng aking hipag. Hindi mo rin naman maitatangging hindi ito kahawig ng kanyang tatay sapagka't parang kinuha talaga sa singit ni Mulong ang itsura ng bata. "Hi kuya! hihi!" masayang bati ni Kat nang siya ay nagising. Lumapit siya sa amin at bineso-beso rin kami. Hay, ang bango naman talaga nitong hipag ko. Mula noong nanganak siya ay ilang beses pa lang yata kaming nakabisita, isa sa dahilan ay ang pagiging abala ko sa mga proyektong dapat madaliin upang di gaanong abutan ng ulan sa langit. "Oh kumusta? si baby Mulong tulog na?" tanong ko pa. "Sira ka talaga hihi! oo kakatulog lang ulit, pinadede ko lang kanina..." paliwanag ni Kat sa akin. Nang maka-kuha ako ng tyempo, pinalapit ko si Kat sa aking pwesto saka ko siya binulungan ng pasimple. "Ako di makatulog e, pwede bang dumede rin sa iyo?" pilyo kong sabi. …..
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD