Simula
Patibong
My life right now is like from a classic novel that you heard and read.
Almost perfect.
Except for my leading man...
He is getting on my nerves everytime we are together.
As I stared blankly at my office glass window as I remember the first time I saw him.
"Men are always men, they let their p***s decide for their fate", I heard Ava loud rant while we are eating our lunch in the pantry. Kunot noo niyang seryosong binabasa ang newspaper na hawak na para bang isa itong banal na kasulatan.
Ava is my bestfriend since I set foot and started working here in De Luca Group of Companies. O sadyang hindi lang ako nabigyan ng pagkakataon na makahananp ng iba dahil sa kadaldalan niya. Hobby niya ata talaga ang maging tsismosa.
“Kumain ka na lang muna wag puro daldal”, sabi ko habang umiiling na pinamamasdan siya.
“Ganito talaga siguro ang mga mayayaman, papalit palit ng girlfriend o boyfriend para lang namimili sa palengke. Magpapakasal tapos maghihiwalay din naman, sakit sa ulo. Basta ako magiging matandang dalaga nalang ako sigurado hahaba pa ang buhay ko”, sabi niya at seryoso akong tinitigan.
Muntik na akong maubo at maibuga ang pagkain ko dahil sa sinabi niya. Gustuhin ko mang tumawa baka batukan ako. Di ko alam kung seryoso ba siya sa sinasabi niya o ginu-goodtime lang ako.
At sinong lalaki ang papatol naman dito ang ingay!
“Kaya ikaw Lois Andromeda kung pipili ka ng lalaki yong matino na, di porket mayaman at gwapo okay na. Yong matalino at responsible. Higit sa lahat mahal ka at ikaw lang”, dagdag pa niya habang duniduro pa ako ng tinidor niya.
Nagtaas ako ng kilay bago sumagot sa kaniya ng seryoso pero kalaunan sumilay ang ngiti sa mga labi ko.
“Opo Ma, tatandan ko po”, nakangisi kong sagot.
Inirapan niya lang ako at matalim na tinitigan.Sa aming dalawa siya ang madaling maguyo ng mga lalaki. Pero kung makapag advice daig pa mga magulang ko.
“Pero bakit kaya hindi nagawi dito yong anak nila ni President no? Sabagay busy siya sa paglalakad ng sarili niyang kompanya at sa pambabae. Kahit saan ako tumingin siya nakikita ko na may kasamang babae o di kaya may kahalikan”, iwinagayway pa nito ang magazine na hawak.
Akala ko pa naman tapos ang bruha sa kadadada.
"Hayaan mo na sila, buhay na nila yan at wala na tayong pakialam. Ang importante sineswelduhan tayo ng tama at may pangkain ang pamilya natin”, sabi ko sa kanya ng seryoso at tinapos na ang pagkain.
“May tama ka dyan! Ba't ang talino mo ngayon?”, pilya niyang sabi at ngumisi na parang baliw!
"Dati na akong matalino, ikaw lang ang bobo!", asar ko papalik sa kanya.
"Aba't-!", sagot niya pero bago niya mayapos ang sasabihin tinalikuran ko na siya.
Ang pamilyang De Luca ay isa sa pinakamayamang pamilya dito sa Pilipinas, isa rin sila sa mga pribado. Yon nga lang isang sikat na certified playboy ang panganay na anak nilang lalaki. Habulin ng kontrobersya kahit saan pero isa sa magaling na businessman. Di ko pa man siya nakita sa personal alam ko naagad na matinik sa mga babae. Oo gwapo talaga siya at malakas ang dating kahit sa mga magazine o newspaper lang pero para sa akin hindi siya ideal na lalaki.
Kalaunan bumalik na kami sa trabaho at yon nga ang nangyari buong maghapon, sobrang busy ng lahat ng Department dahil sa tinatapos na malaking project. Kaya hanggang gabi nandito pa rin kami sa office. Nalipasan na rin ako ng gutom dahil sa mga ginagawa. Gusto ng sumuko ng mata ko pero nilalabanan ko lang ang antok.
Nakauwi na ako ng sobrang late at tulog na ang lahat ng nasa bahay. Sinilip ko muna si Mama at Papa sa kwarto nila bago pumunta sa kabilang kwarto ng kapatid ko, saka ako dumiretso sa sariling kwarto para magbihis. Kakain ako ng kaunti dahil tinirhan din naman nila ako ng ulam. Pag katapos ko magbihis ay nahiga lang ako saglit sa kama para mag isip at di ko namalayan na tuluyan na akong nakatulog doon.
“Ingat anak sa trabaho at wag kalimutan kumain sa tamang oras”, bilin ni Mama bago kami maghiwalay ng ruta.
“Grabe ang toxic ngayong week na to’ feeling ko namamayat na ako sa katatrabaho”, rinig kong reklamo ni Gabe sa katabing desk ko lang.
“Bakla payat ka na naman talaga, hindi ka rin naman nataba”, supalpal ni Ava sa kanya. At yon nagsagutan silang dalawa na parang aso at pusa.
"Tumigil na kayong dalawa nasa trabaho tayo", saway ko sa dalawang hayop.
“Balita ko bibisita sina President dito at si Sir Paris para sa isang closed meeting. Masisislayan na naman natin ang isang regalo ng Dyos!”, pumalakpak na sabi ni Gabe.
"Gusto ko siyang sambahin na parang santo talaga", segunda ni Ava na nagningning pa ang mga mata. Parang kinain lang ang mga sinabi kanina ah!
Kalaunan pumasok ang supervisor at nagbigay ng mga paalala sa amin.
“Si President at si Sir Paris ay bibisita mamaya dito sa kompanya. Baka mag inspeksyon siya sa bawat Department, alam niyo na rin naman ang gagawin diba? So be at your best behavior. Okay then, that’s all”, sabi nito at saka na umalis ng room.
After lunch time sinabihan kami na maghanda na dahil papunta na daw sa Department ang mag-amang De Luca. Tinignan ko muna ang sarili ko sa compact mirror at inayos ang damit. Saktong pagbukas ng pinto ay nag tayuan kami sa aming upuan at binati ang isang naunang matandang De Luca at ang kasunod nitong anak na De Luca.
Halos lahat ng mga mta ng kasamahan ko napunta sa likod ng matanda.
“Good afternoon Sir!”, sabay sabay naming bati sa kanilang dalawa.
“Good afternoon!”, sagot ng nakangiting matandang De Luca. Ang aura nito kahit na nakangiti ay parang laging galit.
Dumaan sila sa harap namin, umikot hanggang dulo sa room at tinignan ang mga desk at mga computer. Nang dumaan ulit sila sa harapan ko ay napatuwid ako ng tayo. Saktong tumigil din sila sa mismong harapan ko talaga, baka may nakita silang hindi maganda.
Shit!
“She’s Ms. Lois Andromeda Verlice, our best employee in Archetectual Department”, sabi ni Mr. Gomez na aming supervisor.
“It’s nice to meet you Ms. Verlice, the company is lucky to have you”, sabi niya ng malawak na nakangiti sa akin. At tinitigan niya ako ng mataman.
“Thank you Sir! It's my pleasure to be in your company, such a great experience and honor working with this bunch of great Archetecs too”, sagot ko at sinuklian ng ngiti at pagkamay ang kanyang bati.
Si Paris De Luca ay nanatili sa harapan ko nakatitig sa akin kaya napatitig din ako nasa kanya. Ngayon ko lang siya nakita ng personal at sa malapitan pa.
Gwapo nga siya, maganda at mapungay na mata, kulay abuhin at malalantik ang pilik mata. Matangos na ilong, makinis na kutis, mapupulang labi at umiigting na panga. Plus, sobrang tangkad niya pala na para akong naka harap sa isang higante. Napayuko nalang ako kalaunan dahil parang may kakaibang sa kanyang titig. Kinikilabutan ako!
Nakita kong napangisi siya ng kaunti bago sumunod sa matandang De Luca. Kinausap lang nila si Mr. Gomez saglit at saka umalis na rin. Nagsibalikang umupo na rin kami sa mga upuan namin.
“Hay ang gwapo talaga ni Sir Paris parang gusto ko na siyang ambahan ng yakap at halik kanina ng dumaan siya sa harap ko”, sabi ni Gabe na parang excited na excited sa pinagsasabi niya.
"Wala kang pag asa gurl, babae ang gusto niya", supalpal ni Ava dito at saka tumawa. Tinitigan lang siya ng masama ni Gabe.
Tinawanan lang siya ng mga kapwa naming empleyado.
Nagpasya akong mag overtime kasama si Ava ngayong araw para bukas medyo maluwag na at hanggang Friday ang schedule. Hindi ako mangangarag sa mga tatapusin na trabaho.
Habang papunta ako sa restroom at nadaanan ang isang fire exit na malapit sa conference room ay bigla akong kinabahan ng may marinig akong mahihinang ungol.
Shit! Wala pa naman akong narinig na may nagmumulto dito ah, binilisan ko nalang ang lakad. Dapat pala nagpasama ako kay Ava! Tatakbo nalang ulit ako pabalik.
“Ah”
Boses iyon ng babae.
“That was so great, you’re great babe”, rinig kong boses ng lalaki ngayon.
Pambihira! Ibang multo pala iyong makikita ko ata dtto. Sa kuryusidad ko dahan dahan akong lumapit sa kinarorounan ng mga boses.
“Ah, oh! Don't stop”
Malambing ulit na boses ng babae.
Medyo humina na rin ang boses at ang naririnig ko lang at ang kakaibang ingay na parang kumakalampag. Dahan dahan kong isinilip ang ulo ko at nanlaki ang mga mata ko ng makita kung ano nga talaga ang ginagawa nila!
Ang lalaki ay nakatalikod at nakababa ang slacks habang umatras abante ang katawan at nakatitig sa babae. Ang tambok ng pwet! Ang babae naman ay nakatingala sa taas na nkapikit at pumakapit sa lalaki ang mga hita at kamay.
Napatakip ako ng bibig para hindi ako mag ingay at mapasinghap ng malakas. Ito ata ang unang p**n live show na makikita ko! Patawarin sana ako nina Mama at Papa! Patawarin sana ako ni Lord.
Pero huli na ang lahat ng bigla silang tumigil at napalingon sa gawi ko dahil hindi ko alam na napalakas pala ang pag singhap ko. Mas lalo pang nanlaki ang mata ko ng nakita kung sino ang mga iyon!
Si Sir Paris at si Ma'am Natasha! Yong anak ng isang investor sa isang malaking project ng mga De Luca.
“I’m sorry Sir, Ma’am!”, mabilisan kong sagot sa kanila at umatras na pabalik sa Department. Nakakahiya naman!
Lakad takbo na ang ginawa ko para lang makarating pero muntik na akong sumigaw ng may biglang may humablot sa akin at sinandal sa pader ng pasilyo. Tinakpan ang bibig ko at naitulak ko siya ng kaunti.
“It’s me, don’t shout”, si Sir Paris na pabulong na sabi sa akin. Unti unti niyang tinangal ang kamay nakatakip sa mga labi ko at dito pa talaga kami sa dilim ha!
“Pasensya na po Sir, di ko po sinasadya na makita kayo ng girlfriend niyo sa ganoong eksena. Pangako po wala po akong sasabihan at wala po akong nakita”, sabi kong nanginginig at nagkabulol bulol sa pagsasalita.
Mas lalo niya pang nilapit ang mukha niya sa mukha ko at parang mas lalong nagalit sa sinabi ko. Napapikit ako sa matinding nerbyos at ng magmulat ako ng aking mga mata at nahuli ko siyang nakatitig sa mga labi ko. Nag iwas siya ng tingin at saka nag sabi ng mahinahon sa akin.
“Good then, I will trust your words Ms. Verlice. But I will not let pass tonight not to taste your lips”, sabi niya na nakapag patindig ng balahibo ko. Itutulak ko nasana siya pero mas mabilis ang mga kamay niya na ipinako ito sa gilid.
Mabilis na lumapat ang kanyang mga labi sa labi ko na para bang balahibo lang. Hanggang sa naramdaman kong mas lalong dumiin pa ang labi niya sa labi at parang naghahanap pa. Masarap siya humalik ah! At doon bumalik ang uliratko ng bigla niyang kinagat ang pangibabang labi ko. Walang hiya at humalik pa talaga ako pabalik sa kanya ah!
First kiss ko yon!
Naitulak ko siya ng malakas at humiwalay siya sa akin. Nakita ko siyang ngumisi na parang nanalo sa lotto. Kumulo bigla ang dugo ko at sinampal ko ng malakas.
“Bakit mo ginawa yon?”, galit na bulyaw ko sa kanya. Wala akong pakialam kong boss ko siya!
“Gusto ko lang, mukhang masarap eh”, kaswal niyang sinabi na parang wala lang sa kanya.
“Asshole! Jerk!”, sigaw ko sa kanya bago umalis sa harap niya at nagsimulang magpatakan na ang mga luha ko.
Nababastos ang p********e ko sa ginawa niya. Akala niya siguro lahat ng babae nakukuha niya!
Bwiset na lalaki! Fisrt kiss ko yon eh! Tapos sa ganoon lang makukuha? Sana pala tinuhod ko din siya! Wala na akong pakialam kong sisantehin niya ako ngayon din!
“Anong nangyari sa’yo Lois? Bakit ka umiiyak?”, nag alalang salubong sa akin ni Ava.
Tumingin at umuling lang ako sa kanya. Gusto ko mang sabihin baka bukas na bukas din trending ako dito sa Department o di kaya sa boung kompanya. Di pa naman mapigil ang bibig nito!
“Ano bang nangyari? Nag alala ako sayo?”, sabi pa nito na puno ng pag alala ang mukha.
“Wala naman, ewan ko lang parang naging emosyonal lang ako. Siguro sa trabaho at masyadong maraming ginagawa”, pagsisinungaling at palusot ko sa kanya.
“Siguradio ka?”, tanong ni Ava ulit sa akin.
“Oo, pasensya ka na. Okay na ako, wag ka mag alala”, sagot ko sa kanya sabay pakitang ng ngiti.
“O sige magliglit na tayo at makauwi na tayo. Pagod na rin ako”, sabi na lang ni Ava habang pinapatay ang computer niya. Niligpit ko na rin ang mga gamit ko at sabay na kaming umalis ng Department.
Hindi ko na rin siya nakita hanggang sa palabas na kami ng building. Mabuti naman! Kapag nakita ko siya hindi ko alam kung ano ang gagawin ko.
Nang makauwi ay parang lutung ang buong isp ko sa mga nangyari. Naabutan ko sina Mama at Papa nag naguusap sa sala. Sa mga ganitong oras dapat ay tulog na sila.
“Magandang gabi Ma, Pa”, sabi ko at nagmano ako sa kanilang dalawa.
“Magandang gabi din anak, madalas ka ginagabi ng uwi ngayon. Marami bang projects?”, bati at tanong na pabalik sa akin ni Papa.
“Marami Pa, sobrang busy dahil sa tinatapos na Project. Toxic week lahat kami nangangarag na”, sagot ko at umupo na rin muna sa sofa katabi nila.
“Ba't nga pala kayo gising pa?”, tanong ko at bumaling ulit ako sa kanila.
“Yon nga anak, inantay ka talaga namin ng Papa mo para makausap ka naming ngayon”, seryosong sabi ni Mama at saka bumaling ng may tipid na ngiti kay Papa.
“Ang Tita Adi mo gustong makipagkita sa atin at mag dinner ngayong darating na Linggo at may importante tayong pag uusapan. Matagal na daw na huli ka niyang nakita, tayong lahat. Siguro hindi mo siya masyadong maalala ”, seryosong sabi ni Papa saka mataman akong tinitigan.
“Sige po, wala naman po problema sa akin”, sagot ko at ngumiti sa kanila.
“Salamat anak, sige na kumain ka na at mag pahinga. Ipaghahain ba kita?”, sabi ni Mama ng tumayo na ako.
“Okay lang po. Magpahinga na kayo ni Papa”, sabi ko at dumiretso na ng kusina.
Ngayon lang din naman ako nakaramdam ng gutom. Mabilis akong kumain at saka pumunta na sa kwarto para mag shower at magbihis. At sa wakas nakaviga na rin at makapagpahinga. Pinikit ko ang mga mata ko at sa hindi inaasahan nag flash back ang nangyari sa amin ni Sir Paris. Lintik na halik yan! Hanggang dito ba naman!
“AAhhhh!”
Sigaw ko habang tinatakpan ng unan ang mukha ko. Nakakainis! Ipinangako ko sa sarili ko na ibibigay ko yon sa unang maging boyfriend ko. Yong may pagmamahal tapos kinuha lang ng isang babaero!
Inumaga na ako natulog kaya naman sa opisina antok na antok ako. Sa lunch time binilisan ko na lang angpagkain at bumalik at sa desk para umidlip ng kaonti.
“Ano girl kaya today?”, pabirong sabi ni Ava ng dumaan sa desk ko.
Binato ko nalang siya ng binilog na papel.
“Naku nandito na naman si President, magbehave tayo. Napapadalas ang bisita niya ah”, rinig kong sabi ni Gabe.
Napatuwid ako ng upo sa silya ko ng marinig iyon. Baka andito rin ang bababero niyang anak. Mag kukrus na naman ang landas naming. Wag naman sana Lord. Nasampal ko pala siya kagabi baka ipatanggal niya ako sa Tatay niya ngayon! Kinakabahan akong nagtratabaho hanggang hapon. Nabunutan lang ako ng tinik ng nagsiuwian na ang lahat.
“Bye girls! Ingat sa pag uwi o sila nag mag ingat sa inyo”, pabirong sabi ni Gabe at umalis na rin.
Tahimik kaming naglalakad ni Ava sa pasilyo, nang may mahagip ang mga mata ko malapit kay Manong guard. Pamilyar ang pigura at hindi ako magkakamaling si Paris yon!
“Ah Ava, mag cr muna tayo naiihi ako”, sabi ko at hinila na siya papunta sa pinakamalapit na cr.
“Ha? Kaiihi lang natin sa taas ah!”, nagtatakang tanong niya sa akin.
“Eh naiihi ulit ako, samahan mo nalang ako”, sabi ko at diretso na ako sa loob ng cr. Nag lock agad at saka nag isip kung paano di kami magkasalubong ng landas.
“Hoy! Ano na? Ang tagal mo naman umihi dyan”, kalampag ni Ava sa pintuan ko.
“Eto na, lalabas na ko. Wag kang maingay”, sabi ko at binuksan na ang pinto.
“Halika ka na at makauwi na tayo. Ayoko ko gabihin na naman sa daan”, nagtatalak itong si Ava.
Sana wala na siya doon sa Entrance kay Manong guard. Pero sa kamalasan ay nandoon pa rin siya at kausap si Manong. Bigla akong napahinto at bumaling sa akin si Ava ng nakakunot ang noo.
“Ang weird mo ngayong araw Lois, nanuno ka ba?”, tanong nito sa akin.
Inirapan ko nalang siya.
Ang plano ko diretso lang ako ng lakad na parang walang nakita. Pero lintil na Ava to’ bumati pa at huminto.
“Good evening Sir Paris!”, matamis na ngiting iginawad niya dito.
“Good evening ladies”, sabi rin ni Sir Paris at saka lumingon sa akin ng seryoso. Napilitan tuloy akong batiin din siya.
“Uuwi na ba kayo?”, pahabol niyang tanong sa amin ng nakatalikod na kami.
“Opo Sir”, magalang na humarap ng sagot ni Ava saka pinisil ang braso ko. At nang tignan ko parang bulate na inasinan.
“Saan ang inyo? Kung malapit lang ihahatid ko kayo”, sabi niya sa amin. Habang nakatitig sa akin ng nakangiti.
“Talaga po? Malap –
Pinutol ko na ang sasabihin ng bruhang to. Ipapahamak na naman ako nito eh.
“Naku salamat na lang po Sir. Ayaw po naming makaabala sa inyo. Kaya na po naming umuwi”, sabi ko at hintak na si Ava palayo doon.
“Bakit mo naman sinabi yon? Pagkakataon na natin makasabay si Sir Paris sa isang kotse. Panira ka talaga”, sabi pa nito at inirapan ako.
“Mahiya ka nga, boss natin yon. At saka malapit lang naman mag papahatid ka pa. Baka mamaya ma chismis pa tayo na isa tayo sa mga babae niya”, paliwanag ko at pinandilatan siya. Sumimangot lang din naman siya sa akin.
Dumating ang weekends at wala akong ginawa kundi ang matulog. Nakakamiss ang kompletong tulog. At nang mag lingo at pinaalalahanan ako ni Papa tungkol sa dinner na dadaluhan.
Isang simpleng red bodycon dress ang sinuot ko at pinaresan ko ng pearl necklace at stiletto.
Nakarating kami sa restaurant at iginaya agad kai sa isang pribadong silid na nakareserve sa amin. Hindi ko alam pero iba ang nararamdaman ko sa pag apak ko palang sa restaurant. At nang makarating kami sa pinto kung saan binuksan ng waiter ay kakaibang kaba ang naramdaman ko. Lalo na ng makita ko ang pigura ng babaeng nakatalikod sa amin.
“Adi, magandang gabi”, masayang bati ni Mama at sa kanya. Dumiretso para yakapain. Ay ganoon nalang ang gulat ko ng tumayo ito at humarap na sa amin.
“Good evening!”, matamis na bati niya rin. Halos matulala ako sa kintatayuan ko ng makita siya.
Si Ma’am Adeline De Luca! Paano hindi ko alam na kilala pala ito nina Mama at Papa. Minsan ko lang siyang nakita noong nag anniversary ang kompanya pero hindi ko siya makakalimutan. Bihira lang din dumalaw si President doon. Ngayong panahon lang madalas siya magawi doon.
“Good evening po Ma’am”, bati ko na lang sa kanya. Hindi ko alam ang sasabihin.
“Tita nalang, ito na ba si Lois? Ang gandang dalaga na”, sabi niya sakin at inambahang yakapin ako kaya niyakap ko din siya pabalik.
“Sa De Luca po ako nagtatrabaho”, bigay alam ko sa kanya.
“Oh talaga? Hindi ko alam, well mabuti narin at doon ka”, sabi niya at bumaling kina Papa at Mama ng nakaupo na.
“Doon siya unang natanggap noong nag apply siya pag kagraduate hanggang sa ngayon mag aapat na taon na siya”, imporma ni Papa sa kanya.
“Good then, parating na rin si Lucas, mag order na muna tayo”, sabi nito at tinawag na ang nakastandby na waiter.
Makalipas ang ilang minute ay may narinig kaming bumukas ang pinto at bumungad sa amin si Paris kasunod si President.
“Good evening Lucas!”, bati ni Papa at kakipag kamay na rin. Bumati naman ako sa kanila at parang gusto ko ng magtago dahil nandito na rin naman ang iniiwasan ko.
“Ms. Verlice or can I call you just Lois?!, Tawagin mo na lang akong Tito. I knew it, ikaw yon”, sabi niya ng malapad na nakangiti sa akin.
“Ano yon Darling?”, tanong ni Tita Adi at bumalingb sa asawa.
“She is excellent in Architectual Department!”, malakas na sabi nito.
Binigyan ko nalang sila ng matipid na ngiti.
“Saint, ang Tito Job at Tita Dalia mo. Si Lois, their daughter I guees you knew her by name" ,sabi ni Tito Lucas sa kanya.
Saint! Hindi bagay sa kanya maging santo. Santuhin ko mukha nito eh!
“Good evening Tito, Tita and Lois. Kamusta po kayo?”, sabi niya sabay lahad ng kamay sa mga magulang ko. At ngumiti sa akin.
“Mabuti naman hijo”, sagot ni Papa.
“Kumain na muna tayo saka tayo mag usap ng importanteng bagay”, sabi ni President.
Habang kumakain nag uusap sila paminsan minsan sa negosyo at sa mga project sa kompanya. Minsan sumasagot ako kapag tinatanong lang. Na conscious tuloy akong kumain, napasulyap ako kay Paris natahimik at seryosong kumakain. Hanggang sa nag simula ng mag salita si Tito Lucas ng ibang topic.
“Tutal nandito na rin naman tayong lahat, nandito kami para ipaalam sa inyo Paris at Lois na dati pa may napagkasunduan kami na kung sino man ang maging panganay naming na babae at lalaki at ipagkakasundo naming na ipakasal kapag nasa tamang edad na”, seryosong sabi ni Tito Lucas sa amin.
Bumaling ako kina Mama at Papa para ikompirma ang mga sinasabi pero pinisil lang ni Mama ang aking mga palad. Tinignan ko si Paris sa harapan ko na seryosong nakatingin sa ama.
“Nasa tamang edad na rin naman kayo, you can date to know each other and eventually fall inlove”, sabi naman ni Tita Adi na parang nakikipag deal lang sa negosyo.
Nanlamig ang buong katawan ko sa mga narinig ko. Ako magpapakasal sa lalaking ito? Nawalang alam kundi mambabae. Okay, matalino, magaling na Architect at business man pero hindi pa rin -
At higit sa lahat hindi namin mahal ang isa’t isa.
“Hindi po ko gusto ang nangyayari ngayon, pasensya na po. Hindi ko po kaya kaya ang ipinapagawa niyo. Hindi ko po matutunang mahalin yang anak niyo”, sabi ko sabay tayo at aambang lalabas na. Matapang kong sinabi sa kanilang lahat.
"Hindi ko po gusto ang anak niyo, kahit kailan hindi ko po siya magugustuhan", mariin kong sabi.
“Lois Andromeda!”, mahigpit na bilin ni Papa sa akin.
“I don’t like it either!”, sabi ni Paris na tumayo na rin at mukhang galit na tumitig sa akin. Tinapon ang tissue sa gitna ng lamesa.
“Pareho naman po pala kami ng gusto, hindi na po ata kailangan iyon”, nanginig na sabi ko.
“No hija! I want an heir from your bloodline”, matigas na sabi ni Tito Lucas at galit ring tumitig sa anak.
“And that’s final!”, dumadagondong na sabi niya sa buong kwarto.
Nakita kong galit na nakayukom ang mga kamay ni Paris at umiigting ang panga na nakatitig sa baso sa harap. Pulang pula ang mukha sa galit. Gusto ko sumigaw pero hindi ko magawa.mabilis akong tumakbo palas ng restaurant habang umiiyak.
“Anak!”, rinig kong habol na sigaw ni Mama.
Ayoko! Ayokong magpakasal sa Paris de Luca na yon!
Mabilis akong naglakad at ng may nakitang bakanteng bench ay umupo ako. Nang biglang kumulog ang langit nagsimulang pumatak ang munting ulan. Pati langit nakikisimpatya sa pinagdaraanan ko ngayon, pinalis ko ang mga luha saka tumayo para maghanap ng masisilungan. Nang may biglang bumusina sa gilid ko, napapitlat ako sa gulat at ng makita ko kung sino iyon mas lalo akong nairita.
Pero alam kong hindi ako titigilan ng mga magulang ko na kumbinsihin sa gusto nila o ng mga De Luca. Kahit kailan hindo ko sila sinuway at binigyan ng sakit ng ulo. Mahal ko sila pero sobra naman ata tong gusto nila.
"C'mon, hop in. Lumalakas na ang ulan", malamig niyang sabi.
Nagpatuloy ako sa paglalakad at inignora siya pati ang ulan. Sana umalis nalang siya!
"f**k! Woman! Get in or I'll drag you inside", rinig kong galiit na niyang sigaw.
Bahala siya sa buhay niya! Gusto kong magisip isip muna. Ba't ba kasi sunod ng sunod ang isang to?
Nagulat nalang ako ng may biglang humablot sa akin at mabilis na pinangko. Nagpumiglas at tinulak ko ang dibdib ni Paris para makawala.
"Bitiwan mo nga ako! Gusto kong mapag isa muna!", ganting sigaw ko sa kanya.
"Stop wiggling! For God's sake you are making a scene!", mariin niyang sabi sa akin.
Pero wala na akong nagawa ng ipasok na niya ako sa kotse at tinitigan ng masama. Pareho na kaming medyo basa ang damit. Umiwas nalang ako ng tingin at bamaling sa bintana ng kotse.
"Your parents parents told me to follow you. They are worried", imporma niya bago nagpatuloy sa pagmamneho.
Siguro ay babalik kami sa restaurant at mag uuusap ulit. Napabuntong hininga nalang ako. Pero napakunot noo ako ng ibang ruta ang dinaanan namin.
"Teka, saan tayo pupunta? Hindi ito ang daaan pabalik sa restaurant", kinakabahan kong sabi sa kanya.
"Relax, I won't do anything with you unless you said so. I just wanna talk to you", mataman siyang bumaling sa akin.
"Anong pag uusapan natin? Pwede na rin naman dito", sagot ko sa kanya.
"Do you want me to drive around while we are talking?", medyo galit niyang tanong sa akin.
Hindi nalang ako umuimik at hinayaan nalang siya. Mag uusap kami para matapos na tong kabaliwan na ito. Kung ayaw kong gawin ang pinapagawa ng mga mgulang namin, alam kong mas ayaw niya!
Pinarada ang sasakyan sa isang maliit na cafe. Iilan lang ang mga kumakain at dahil medyo gabi na kaya kaunti lang ang pumapasok. Umupo kami sa pinkadulong at tagong mesa.
"What do you want?", tanong niya sa akin habang nag aantay ang waiter sa gilid ko.
"Magtatagal ba tayo dito?", mataray na balik tanong ko sa kanya.
"It depends", kaswal na sagot nito.
"I'll have Watermelon Lycee Granita", nakangiti kong baling sa waiter.
"Negroni", simpleing sabi niya.
Inaantay naming makaalis ang waiter bago magsalita.
"So, anong gusto mong pag usapan natin? Kung ang gusto ng mgamagulang natin ay alam mo na ang sagot diyan. Kung hindi ako papayag sa gusto nila mas lalo ka na dba?", seryoso kong tanong sa kanya.
"Ayoko rin sanang gawin to pero I don't have any choice. Papa had a mild heart attack month ago. Ayoko ko na rin dagdagan pa yon at baka kamuhian na ako ni Mama. I'll want you to cooperate with me, beside ayaw mo rin saktan ang damdamin ng mga magulang mo right? Hope you understand, I don't want to have his second heart attact cause by me and Mama can't stop talking about you when your parents send her a photo just days ago", mataman niyang sagot sa akin.
"Anong gusto mong palabasin?", balik tanong ko sa kanya.
Sasagot na sana siya ng biglang dumating ang waiter at nilapag ang mga order namin. Kalaunan umalis din.
"I'll offer you an agreement, gawin natin ang gusto nilang gawin natin. But we will just pretend, pag nandyan sila or we are with friends at may mga nkatingin we act like we are dating if not then we can do our own usual thing. Maybe we will tell them months later that we did not work out. We will try to convince them that me or you have fallen inlove with someone or what so ever", sabi niya habang tinitigan ako ng husto.
"How can we do that? Eh lingo lingo ka sa magazine at newspaper na laging may kahalikang babae at maliban pa doon sa nakita ko sa building. Kung sakali kawawa naman ako, pag pipyestahan ang pagkatao ko", taas kilay kong sagot sa kanya.
"I didn't know you are updated on me", nakangisi niyang sabi.
"It's my best friend who always talk to you not me", sabi ko sabay irap sa kanya.
"So what do you think? Do we have a deal?", seryosong tanong niya.
"Sure! Deal!", walang kasing lamig na sagot ko.
Para matapos na ang lahat.