FLAME MORJIANA LAVISTRE
Pag uwi sa bahay sumalubong agad sa'kin ang mga bata mas lalo ang anak ko. Mabuti at dumaan ako sa bilihan ng pasalubong bago tumuloy dito.
Nakita ko din si Brent na naka upo sa sala at busy itong manood ng teleserye.
"Hey, kanina ka pa nandito?" tanong ko dito. Tumingin muna ito sa'kin may hawak pala itong Ice Candy.
"Kararating ko lang. Anyway yung pinapagawa mo tapos na, pero hindi titigil ang isang yun. Alam mo yan," sagot nito.
Tumango ako at sumagot. "Handa ako d'yan." tinapik ko ang hita nito at tumayo na.
Saktong pasok naman nila kuya at si Wendy na dala niya ang baby niya. Mukhang galing sa check up ang mga ito.
"Yan na yung baby mo?" tanong ko dito. Lumapit ako agad dito.
" Oo ito. Gusto mo buhatin?" tanong nito.
Mabilis akong umiling at umatras. "Ayoko baka maihulog ko yan. " tanggi ko.
Narinig ko naman silang tumawa hanggang mag salita si Damon. "Okay lang yan gawa kayo bago ni Blake!-- Aish! Kailangan manapak?!" daing nito ng suntukin siya ni kuya Thunder sa braso.
Natawa naman ako at sinilip ang baby ni Wendy na himbing na natutulog. "Cute ang tangos ng ilong. Mas kamukha mo, ano name niya?" tanong ko dito.
Naupo naman ako katabi ni Cloud na busy kumain ng binalatan na guyabano. "Knives ang pangalan niya. Ito buhatin mo na ngangalay na ako tutal naka upo ka lang naman." sagot nito.
"What? Wait! Teka naman hindi pa ako nakaka buh-- Aish hi baby.." natataranta kong sagot. Nang nasa braso kona yung baby nakita ko ng buo yung mukha ng baby pati yung little finger niya.
"Nataranta na siya nakuha niya pang mag Hi!" natatawang wika ni Wendy. Naupo naman ito at minasahe ang braso niya.
"Bakit ba Knives ang pangalan niya?" tanong ko naman dito. Sila kuya naman ay umakyat sa taas siguro para mag bihis na.
"Eh kasi nung walong buwan na siya sa t'yan ko something like that. Muntik ko na matusok ng kutsilyo yung tyan ko. Eh wala pa akong pangalan sa kanya. And that's the beginning of the history!" kwento nito.
Natawa naman ako at pinag masdan ang anak nito. May hawig ito kay Cleon mas lalo ang mata nito. Nagulat ako ng kiniss ni Cloud ito sa ulo ng sobrang gaan lang, kung iisipin parang buhok lang ng bata ang hinalikan nito.
"Uy. Ano mag po-propose na ba si Blake sayo?" bulong ni Wendy sa'kin.
"Propose? Kasal? Nah, wala naman why?" takang tanong ko dito.
"Eh kung mag propose nga siya? Ano sasagutin mo patatagalin mo pa?" tanong nito.
Mag sasalita na sana ako ng mag salita ito. "For me ha? Huwag mo na patagalin para, you know you are both matured para sa ligawan na yan. Pwede ka naman niya ligawan kahit mag asawa na kayo," wika nito.
She's right. Ang ligawan naman ay hindi natatapos kapag kasal na kayo. Kung mahal ka talaga he always court you, Ngumiti ako at tiningnan siya. "I will say Yes kung gagawin niya." sagot ko.
Nakita kong kinilig ito. "Nakikita ko naman sa kanya na talagang seryoso siya. Siya ang tumayo sa position mo sa kumpanya kahit halos isang linggo siyang kinumbinse ng kuya mo dahil ayaw niyang. Isipin namin na pera mo lang ang dahilan bakit siya nandito pa.. he deserves it." naka ngiti nitong wika.
I know kahit malayo ako alam ko yun. "Saka kung mag loko siya madali sa'yo ang annulment. Mayaman ka Flame ma impluwensya at marami kang connection." maka hulugan nitong sagot.
Tahimik lang ako at hindi na sumagot pa. Sinabi ko naman sa kanya kung ayaw na niya sa'kin o sa amin ni Cloud sabihin niya sa'kin. Pinag masdan ko ang anak ko.
Ngunit sa kabilang banda masasaktan ang anak ko. Malapit si Cloud kay Blake umpisa pa lang..
Pero sabi ko nga ngayon pa ba ako kakabahan?
BLAKE SHIN DELA VEGA
"Kabado ako putang*na!" wika ko. Kanina pa ako palakad lakad sa kwarto kasi bukas na yung welcome party for Flame.
"Hahaha mas kabahan ka kapag hindi nag Yes!" pang aasar ni Hanz. Sa asar ko binato ko ng unan ito na hinihigaan ni Kurt.
"So paano ang sistema nito. Sa pamilya nila ang apelyido lang nilang Lavistre at Valencia umiikot ang pamilya. Kahit may mga asawa ang iilan sa kanila. Hindi siya magiging Dela Vega?" tanong ni Yj.
Tama siya sinabi na rin sa'kin ni Winter ang tungkol doon. Yun ang nakasanayan ng pamilya nila.
"But sa papel she will stay Dela Vega right?" tanong ni Hanz.
"Oo sa papel lang nila ginagamit ang apelyido ng asawa nila." sagot ni Kenneth.
"Pare hindi ba parang lugi ka?" tanong ni Hanz. Naisip ko din yan, na para wala akong karapatan sa magiging mag ina ko dahil sa tradisyon ng pamilya nila.
"Ayos lang ba sayo?" tanong ni Kurt sa'kin.
"Sa pamilya, si Flame ang makaka decide para sa sarili niya kung gusto niya dalhin ang apelyido mo gagawin niya. Wala na si Lolo para mandohan siya o kami." biglang singit ni Damon na ang sarap pa ng kain nito ng apple.
"Hindi ba masisira ang pangalan niyo o ang tradisyon ng pamilya niyo?" tanong dito ni Jun.
Nag lakad ito papasok at sinara ang pinto. Naupo ito sa maliit na table kung saan nanalamin si mom.
"Tingin niyo ba may pakialam si Flame sa pamilya? Kahit masira ang pamilya namin ayos lang yun sa kanya. Si Flame ang tanging apo ni Lolo na kayang sumira ng nakasanayan namin." kwento nito at nginitian kami.
"Paano? Ang mga katulad niyo na klase na pamilya kayo ay may iniingatan?" tanong ko naman dito
"Hindi yun magiging problema kay Flame. Don't worry kung ano man ang maging desisyon ni Flame lahat kami ay sasang-ayon why?" sagot nito. Ngumisi ito ng hindi kami sumagot.
"Ito lang.. kaya baliin ni Flame ang tradition ng pamilya mas lalo kung nakikita na mali na. Tandaan niyo si Flame ang umaayos ng pamilya namin kapag nalalagay kami sa alanganin na sitwasyon. Kaya niya ibuwis ang buhay niya sa ikaka-ayos ng lahat." nakangisi nitong sagot.
Nag lakad na ito palabas at nang isara niya ang pinto ay siyang pag hinga ko naman ng malalim
"Grabe ang presensya nila. Nakaka ubos ng hangin sa baga!" si Hanz habang pinag papawisan.
Natawa naman ako sa mukha ng pinsan ko. "Hahaha, sira masanay kana! Tagal na natin dito nag pupunta at halos dito na tayo tumira hindi ka parin masanay? " tanong ko dito.
"Paano ako masasanay eh halos araw araw iba iba ugali nila?" tanong nito na kina tawa namin.
Tama naman kasi siya minsan masayahin sila pala biro, mamaya seryoso na naman. Narinig ko ang pag bukas ng pinto at nang lumingon ako
Nakita ko si Cloud na pumasok may dalaga itong prutas na guyabano. "Pare paki abot yung wet wipes. Hitsura nito parang walang nag aalaga." puna ko sa anak ko. Mabilis itong lumapit sa'kin kaya naman inupo ko ito sa hita ko paharap sa'kin.
"Daddy si mama po, buhat si Baby Knives." sumbong nito sa'kin.
Natawa naman ako. "Okay lang yun baby pa si baby Knives kaya hindi pa siya naka upo." sagot ni Hanz dito.
Bigla itong lumingon kay Hanz at inabot nito ang hawak niyang pagkain. Halos kalahati ng guyabano ang kinakain nito. "No baby that's yours." tanggi ni Tito Hanz niya.
"Hindi ba sikmurain yan? Halos ubos na niya yung pagkain na yan maasim kaya yan!" tanong ni Kenneth sa'kin.
"Enough na yan! Baka mag LBM ka pa," suway ko dito at kinuha ko naman agad. "Hanz paki baba ito sa kitchen." nakikusuyo kong utos kay Hanz.
"Okay. Painumin mo ng tubig yang pogi na yan oh!" paalala ni Hanz. Natawa naman ako sa sinabi nito.
Nilisan ko muna ang anak ko at pinainom ito ng tubig. "Buti nga ano? Mabait itong si Cloud?" tanong ni Yj.
"Hindi naman kasi siya pinalaki ni Flame na basta basta lang. Mabilis itong makausap at mapag sabihan kaso kapag hindi talaga maganda araw nag wawala." sagot ko. Naramdaman ko ang hikab nito ng sipatin ko ang orasan sa pambisig ko.
Nakita kong quarter to two na pala ng hapon. Kaya napag desisyunan ko na patulugin na lang muna ito.
EARL LOYD LAVISTRE
Naka upo ako sa office chair habang nag ta-trabaho ng makita kong umilaw ang cellphone ko at walang basa basa ko itong sinagot.
Nag tungo ako sa opisina matapos ko mag tungo sa mansion kanina. "Boss Earl may problema po tayo.." rinig kong wika ni Onze.
"Okay papunta na kami. Tawagan niyo ang iba," utos ko at binaba na ang tawag sa'kin.
Kinuha ko ang suit ko at lumabas ng opisina ko. "Sheryl canceled all meetings today and moved to another day!" utos ko habang tuloy tuloy sa pag lalakad pasakay ng elevator.
Narinig ko pang sumagot ang secretary ko at ako naman ay pinindot ang G na button. Dahil nasa ground parking ang kotse ko.
Hindi naman nag tagal nakarating ako agad. Kinuha ko ang susi ng Mercedes Benz ko at agad sumakay sa kotse ko patungo sa Underground.
Mabilis kong tinahak ang papunta sa Underground. Hindi naman nag tagal nakarating ako sakto naman na nandito na rin ang lahat kasama si Flame.
Nandito din ang mga Dela Vega. "Anong problema?" bungad ko at tumabi ako kay Flame na naka tayo ngayon.
"Nag banta po sila na pasasabugin po ang isang estasyon ng LTR sa maynila." sagot ni Mika at pinakita sa'min ang kung saan ang pasasabugin.
"Si Jonathan ba ang may gawa nito?" tanong ni Flame.
"Opo boss." sagot ni Mika.
Nakita kong kinuha ni ang susi ng sasakyan niya at jacket. "Ako na bahala sa kanya. Dito na lang kayo sa akin may galit ang gago na yan!" utos nito.
"Teka bakit ba siya galit sa'yo?" tanong ni Ezekiel.
Nag lakad naman ito ng hindi kami sinasagot. Pero ng marinig namin ang engine ng sasakyan doon lang ito sumagot.
"Pinatay ko girlfriend niya. " malamig na sagot na kina nganga namin lahat.
Ibang klase talaga kahit sino tatapusin niya. Napa iling ako nang mag salita si Mika. "Yung dating model? Fiancé na niya ito diba? Bakit mo siya pinatay boss?" sunod sunod na tanong ni Mika.
Ako naman ay nanahimik na lang at si Damon naman parang walang pakialam sa mundo. Ano pa bang bago d'yan? Pag may kinakain yan daig pa lumilipad isip niyan.
"Hindi ko nagustuhan paano niya tratuhin ang estudyanteng server ng isang bar. Isang taon na lumipas nang patayin ko ang babae sa harap niya mismo," nanatili ang lamig sa boses nito.
Alam ko na umaandar na ang kotse nito paalis.
FLAME MORJIANA LAVISTRE
Matapos ko sila sagutin. Mas binilisan ko pa ang takbo ng sasakyan ko hanggang makarating ako sa nag iisang hideout ni Jonathan.
Simple lang naman nag simula ang gulo na ito. Nadugtungan lang ng patayin ko ang Fiancé kuno niya.
Wala naman akong pakialam kung tutuusin. Bumaba ako ng sasakyan ko at hinanda ko ang baril ko dahil hindi rin biro ang isang ito.
Siya ang personal na kumukuha ng mga magiging private army ng pamilya niya. Dahil siya ang panganay at sa kanya balak ipasa ang lahat ng meron ang pamilya Cervantes.
Hindi naman nakakapag tataka pa ang bagay na yun. Nakita ko ang mga tauhan niya na naka upo sa labas habang may hawak na matataas na kalibre ng baril.
Tulad ng Armalite at kung ano ano pa. Nilagay ko ang silencer ng baril ko at pinaputukan ang ulo ng dalawang ito at walang pakundangan akong pumasok sa loob.
Pag pasok ko bumungad sa'kin ang mga tauhan nito kanya kanyang hithit sa ilong mga ilegal na dr*ga. Isa na rin sa pinag papasalamat ko sa tao ko na walang nag balak gumawa nito.
"Oh wow! The queen of the mafia is here! Anong atin Miss Lavistre?" tanong ni Jonathan sa'kin.
Tiningnan ko ito ng malamig bago sumagot. "I'm not a queen and never be.." sagot ko dito.
Para sa'kin hindi trono ang pagiging Mafia kundi isa lang itong posisyon. Position kung saan mag lalaban ang mga taong ganib sa pera at kapang yarihan.
Para sa'kin blessing in disguise ito dahil ito ang ginagamit ko para kumilos base sa musika ng mga kaaway ko. Isa na rin ang mga katulad ko.
Sabi nga nila ang kriminal galit sa kapwa kriminal. "Oh please Flame, lahat ng taong kilala ko lagi nila sinasabi na isa kang reyna." pag pupumilit nito.
Napa lingon ako ng maramdaman ko ang pag tayo ng mga tauhan nito. "Flame! Kaya mo ba silang lahat?" pag aalalang tanong ni kuya Thunder.
Hindi ako kumibo at pina-kiramdaman ang mga tauhan ni Jonathan. "What exactly do you want Jonathan? My position? Well, sorry hindi ko ibibigay sa'yo ito. " pag tatanong ko dito.
Nakita kong sumilaw ang matamis nitong ngiti. "Boss Jonathan, pwede na yan mukhang fresh pang tahong yan!" wika ng skinny and shiny head na lalaki.
"You give me a great idea. So, Miss Lavistre? Are you ready for my condition?" tanong nito sa'kin.
Narinig kong nag mura si Kuya Thunder at si Earl. Narinig ko din nag salita si Blake.
Ngumiti ako bago sumagot. "Alam mo na hindi mo pwede gawin yan sa isang Mafia Lord diba?" tanong ko at tinutok ko ang 45 caliber kong baril sa ulo nito.
Nanlaki ang mata nito nang makita nito kung gaano kalapit ang nguso ng silencer ng baril ko. "Itigil mo ang tangkang pag papasabog o ako mismo mag papasabog ng bungo mo?" malamig kong tanong.
Ngumisi ito kahit nanginginig na ang labi nito. "Tingin mo ba natatakot ako? Kapag binawian ako ng buhay dito, pasasabugin nila ang riles ng tren at sigurado akong maraming mamatay at walang ibang sisihin kundi ik----"
Binaril ko ang kanan nitong teinga na dinaplisan naman ang hikaw nito. Tumama naman ang bala ko sa Ulo ng tauhan ni Jonathan.
"AAARGH!! You little witch! K*ll her!" sigaw na utos nito. Mabilis kong tinaas pa ang baril ko at pinaputukan ang iba nitong kasama.
Hindi ko inaalis ang baril ko sa sentido ng gagong Jonathan na 'to. "Uulitin ko! Aalisin mo o pasasabugin ko ito?!" tanong ko ulit.
Tumawa lang ito hanggang binaril ko ang tauhan nito deretso sa ulo na kinawalan nito ng buhay. Bonus na ang tilamsik ng pulang likido nito sa mukha niya.
"Mag isip ka meron kang sampung segundo. Mabait na ako sa lagay na yan," malamig kong sabi dito.
Nanlaki ang mata nito at mabilis pinunasan ang mukha niya na may bahid ng dugo ng tauhan niya.
"Hay*p ka matapos ang pamilya ko? Ako naman? Sino ang susunod?!" sigaw nito ha ang panay parin ang pag punas.
Napa irap ako sa hangin bago sumagot. "Kung sino gusto sumunod." sagot ko at nang marinig ko ang sinabi ni Brent.
"Flame tapos na nakuha na namin ang lahat ng bomba pinaalis na rin muna ang mga tao!" wika nito.
Narinig kong nag salita si Mika ng "How?" yun ang narinig ko at binalingan si Jonathan.
"Hindi pa kita tatapusin ngayon dahil may papel ka pa o pwede din sabihin na," putol ko at tiningnan ko ito ng malamig.
"May tamang oras para maningil ng buhay. Now, you can decide what you want. Kung mag babago ka gawin mo. Kung hindi babawiin ko ang buhay mo!" paalala ko dito at umalis na ako sa lugar na yun.
Darating ang oras na kailangan ko bawiin ang buhay niya..
-
A woman can Rule..