BLAKE SHIN DELA VEGA "Eh sa kanan mo din naman kasi lagi mong sinasampal!" reklamo naman ni Damon. Natawa naman ako sa reklamo din ni Damon. Pareho kasing pulang pula na ang pisngi ng dalawang ito. "Bakit kasi Ezekiel puro kanan niya daw ang sinasampal mo? Pantay daw dapat!" natatawang wika ni Storm. Si Hanz naman maiyak iyak na katatawa dahil sa dalawang mag pinsan. "Tang*na kasi yung kanan ko ang pang jack 'en poy eh. So ito na ang pang sampal ko din." paliwanag ni Ezekiel. Ang asawa ko naman ay umiling na lang din habang natatawa. "Edi ako din! Kala mo ha? Masakit na din kanan kong pisngi eh! Tinitiis ko na lang!" sagot ni Damon. Bakat na ang kamay ni Ezekiel sa pisngi niya. Natawa naman kami lalo. Nang si Damon na naman ang nanalo napa pikit na si Ezekiel dahil ramdam na namin a