FLAME MORJIANA LAVISTRE Napa hilot ako sa sentido ko ng tumawag si Mika habang kumakain kami ng agahan. May pumasok na balita kanina na ako ang itinuturo ng mga Wilson sa pagkamatay ni Jordan. Hindi ko naman itatanggi atsaka hindi ko ugali mag deny kung totoo naman. Kaya ito ako ngayon kaharap ang officer o pulis na dumayo pa dito. "Ma'am inimbitahan ka po namin sa presinto para sa ilang katanungan. Tungkol sa pagkamatay ni Mr. Jordan Wilson, kayo ho ma'am ang tinutukoy ng pamilya." mahabang wika nito. "Ako ang pumatay. Kailangan pa rin ba akong pumunta?" pabalang at diretso kong sagot Nanlaki ang mga mata nito at agad bumunot ng b*ril ang mga kasama nito. Ngumisi ako at nag salita. "Kung ako sa inyo? Hindi ko itutuloy yan, marami na akong napatay sa mansion na ito na nag punta. Baka