Continuation... FLAME MORJIANA LAVISTRE "Habang nag kaka gulo kayo sa nangyari. Ginamit ko ang pagkakataon na yun na umalis at hindi na mag pakita pa. Iniwan ko din ang motor at gamit ko para hindi kayo mag hanap. Ginamit ko ang pagkakataon para magawa ang sunod na plano.." kwento ko. Pumasok na kami sa loob ako naman ay nanatiling naka tayo habang ang dalawang braso ko ay nasa pam-bisig ko. "Anong plano?" sabay na tanong ni Vlad at Kuya Thunder. Kaya muli akong mag salita. "Kunin ang katawan ni Azi sa loob ng morgue, palitan ng ibang katawan.." wika ko. "Bumili kami ng katawan na hindi na kinuha ng pamilya. Ito ang pinalit namin sa katawan ng pinsan niyo. Ngunit para maging tagumpay ang plano," putol ni Drake. Kararating lang nito nasa likod ko siya habang nagsasalita. "Kailangan