VLADIMIR VALENCIA LAVISTRE "No! Hindi ako papayag na may maka alam pa na iba tungkol sa kung saan ako namalagi noon!" matigas na sagot ni Flame. Salubong pa ang kilay nito. Pinag uusapan kasi namin na kailangan ipaalam sa gobyerno ang lugar kung saan siya noon namalagi o tumira. "Para sana matulungan sila." pangungulit ni Thunder sa bunso niyang kapatid. "Tayo ang tutulong hindi pwede na sabihin mo sa gung-gong na gobyerno na yun o sino pa sila. Para lang maka tulong, tandaan mo maaaring mapahamak ang mga tao doon, mas lalo kapag kumalat sa ibang tao ang tungkol sa lugar na yun." mahabang paliwanag ni Flame sa'min. "Thunder may punto si Flame. Hindi natin alam kung tutulong ba ang gobyerno o baka pag hinalaan pa nga ata nila ang mga tao doon." pagsang-ayon ni Earl kay Flame Nilagay ko