Part 2 - FLAME MORJIANA LAVISTRE Nang makarating kami saktong dating din ng foods. Kaya mabilis kong binigay ito hindi na ako nag pakilala dahil ayoko na maipit pa sila sa mangyayari at sa pagkatao na meron ako. "Marami pong salamat ma'am, sir!" pasasalamat nila sa'min. Ngumiti ako at nag pasalamat din. "Wala pong anuman. Mauna na ho kami ha? " naka ngiti kong paalam. Dahil ayoko mag tagal sa lugar na yun dahil pakiramdam ko malalagay sila sa panganib nag madali kaming umalis. Habang nag lalakad palabas ng Dumpsite dumikit kami ni Blake kila Kuya. "Guys. Mag deploy kayo ng tao dito. Pakiramdam ko gagamitin sila ng kalaban." bulong ko na kina lingon nila sa'kin. "Flame, dito talaga ano bang balak nila?" tanong ni Damon. Nag kibit balikat ako at muling humiwalay sa kanila. "Okay ka