FLAME MORJIANA LAVISTRE Nang matapos ang laban namin sa mga Yu-an clan na yun. Doon ko nalaman na ang isa sa mga tao ng Yu-an ang nakalaban ko ay anak pala. At ang malala dito isa itong rank number 5. Napa iling na lang ako pag na alala ko yun, akala ko kasi nag bibiro sila ng sabihin nila ang bagay na yun. Ngayon sa ginawa ko literal nga na nagdeklara ako ng giyera. Napa hilamos ako ng mukha ko at nag lakad ako papunta sa loob ng opisina ko dito sa Company. Saktong pasok ko naka upo ang fiancé ko sa upuan ko dito. "Hi, dinalhan kita ng lunch." pag kuha ko ng atensyon nito. "Yun, sakto gutom na ako." nakangiting sagot nito. Natawa naman ako at nilapag sa center table dito sa opisina ang paper bag. Naramdaman ko ang pag yakap nito sa likod ko. "Kumain kana?" tanong nito. Lumingon ako