“ Dahan dahan nga, ang aga pa. Wag ka masyado magmadali. ” singhal ni MauMau na masakit na raw ang mga binti at paa katatakbo. Hinihingal hingal na rin kasi ito. Pagdating talaga sa takbuhan mapag iiwanan ito.
Hila hila ko kasi si MauMau patungo sa SM Megamall. Mahirap na malate at baka hindi na kami makakuha ng magandang numero. By numbers kasi ang signing sa Fan Signing ni Ismael. Ginawa ng management iyon para hindi magkagulo o mag unahan ang libo libong posibleng dumating na Fan Signing ni Ismael.
“ Sa daan libong fans nito hindi imposible mangyari yon ”
Hinihingal na nakarating sila kung saan pagdadausan ng Fan Signing ni Fan Idol Ismael.
“ hohahoha… ” hingal ni MauMau.
“ Ang bagal mo naman, yan tuloy andami nang nakapila. ” inis na inis siya ng makarating sila na may mahaba ng pila.
“ talaga pang ako ang sinisi mo? ”
“ Ang bagal mo kasi, lakad takbo lang ginawa natin eh! ” inis na sagot dito.
“ Sino ba nag iinarte at hindi makamove. Halos patayin na nga ang sarili.! diba ikaw??? ” habol hininga na gagad nito.
Binalik niya ang tingin kay MauMau at inalis sa mga nag uumpukan na kababaihan at kabekehan na walang ginawa kundi magkumihaw.
“ excited Lang ”
“ kailangan bang ulit ulitin pa? Lalo ako hindi makakamove on niyan eh! On process na nga diba? Nag momove on na po!. ” inis na sabi ko kay MauMau. saka naman humagalpak ng tawa si MauMau na siyang kinainis niya.
“ Tama bang pagtawanan ako? ” galit na inis na sabi niya rito. Napairap pa siya ng muli ay tumawa ito.
“ Sorry best friend ang cute mo kasi ” tumatawa pa rin ito ngunit hawak hawak na nito ang tiyan. Belat nga “ karma ” pabulong niya. Saka tumawa ng malakas
“ Best friend naiihi ako ”
“ ano? Kung kelan andito na tayo eh! ” inis na gilalas niya. Kung kelan malapit na sila makakuha ng numiro saka pa ito naiihi. “ pwede ba tiisin mo muna gang makakuha tayo ng number best friend? ” pakiusap niya kay MauMau. Ngunit namimilipit na ito.
Hindi na niya alam ang gagawin. Lima nalang kasi at siya na ang susunod na mabibigyan ng numero. Paano ba ito. Bumuntong hininga siya. Hindi naman niya kayang tiisin ito, lalo kung maihi nalang rito ito. Ayaw naman niya mangyari yon. At mapahiya si MauMau sa maraming naroroon.
“ ok sige, tara na best friend ” aya ko sa kanya. Akmang tatalikod na sana kami ng biglang tinawag ako ng sinusundan ko sa pila.
“ Ate kayo na po. ” pasigaw na tawag nito. napalingon muli ako roon sa pilang sinusundan sundan ko. Nilingon ko muna si MauMau upang magpaalam muli na saglit lang ako, ako na rin kukuha ng kanya. Namimilipit na kasi talaga ito at baka kung patakbuhin ko pa, hindi na kayanin nito.
“ ok sige na best friend, bilisan mo lang ah! ” mangiyak ngiyak na sabi nito.
Binilisan ko. Patakbong tinungo ang nagbibigay ng numero. I was shocked. 500 ang numero ko at 501 naman kay MauMau. Hindi ko expect na ganun karami na pala ang pumila roon. I just hoping na mga nasa 100+ pa lang ang nabibigyan noon pero mali pala ako. Talaga palang dinagsa ito ng maraming fans.
Sa labas pa lang ng Mall kita ang napakahabang pila papasok sa kung saan gaganapin ang 10th year Anniversary Celebrations ni Ismael. Talagang marami ito taga supporters na gusto makisaya at makilahok sa kanyang Celebrations.
Nakarating kami sa third floor kung saan wala naman gaanong tao. Halos lahat kasi naroroon sa fan signing ni Ismael. Parang buong ground floor ay inupahan at sinakop para sa signing nito at sa gaganapin events celebration.
“ Saan kaya banda rito ang taping ni Ismael? ” sabi niya sa isip. Ngunit wala naman siyang makita na may taping nga roon, nagaganap sa mga oras na yon. Habang nag aantay kay MauMau lumakad lakad siya patungo sa may pasilyo at sumilip roon.
Tanaw na tanaw niya ang napakaraming tao sa baba. Hindi magkandamayaw lahat ng event coordinator sa rami ng dumagsang tao.
Nagkakagulo na roon. Makikita ang ilang fans sa mga fans ang pagkadismaya, ilan nainis at may nagagalit rin. Siguro natapos na ang limit na binigay nilang numero para sa mga fans. First 1000 lang kasi ang binigay nila, para sa mga fans na mabibigyan ng freebies at may change na makalapit saka makapagpapictures kay Ismael. Sa isang libo na yon, may surprise announcement raw mamaya. Anniversary kasi ni Ismael. Maliban sa freebies mayroon rin surprised announcement para sa 1000 na may hawak ng numbers. Ngayon ang araw kasi ginaganap ang pagkadiskubre nito sa showbiz Industry. Sa madaling sabi, ngayong araw pinagdiriwang ang araw ng pagpasok sa industriya na kinalalagyan nito.
Biruin mo. May sampung taon na pala ito. Sabagay college pa lang ako matunog na ang pangalan nito. Kaya nga ng minsan mainvite ito mag guest sa school namin tuwang tuwa kami ni MauMau. Sobrang gwapo kasi.
Dinig ko pa nga, magkakaroon ng raffle at ang mabubunot ay magkakaroon ng change for a Dream Date with Ismael.
“ oh diba! Anlakas rin ng antena ko. Narinig ko pa iyon ” I smirked
Sa 1000 girls isa ang mapipili at may change na manalo sa Dream Date with Ismael. Ang ilan na hindi mabubunot! may special price bukod sa freebies na ipamimigay sa isang libong babae na may hawak hawak na numero. Kaya nga sabi pagkaingatan namin ang mga numero dahil once mawala iyon wala nang chance, kung sakaling matawag ang numero at wala kami maipakita sa kanila hindi na iyon accepted. Dahil tanging yung numbers na hawak namin ang siyang proof oras na tinawag ang numero.
No numbers
No price and chances of winning
For the Dream Date with Ismael
Bongga may paganung kulo pa sila. Napakatalino ng nakaisip. Oras walang mag claim tatawag muli sila ng iba. Until may mag claimed.
“ Naiinip na ako. Antagal naman ni MauMau. ” Sabi naghihimahos kong isip.
Habang nag iintay, may bigla nalang humablot sa kay Carmela. Mabilis naglapat ang mag labi nito sa mga labi niya. Hindi na siya nakapalag pa! Lalo ng gumalaw ang mga halik na yon.
Akala niya kiss mac lang iyon. Ngunit naging mapusok iyon. Marahan, ngunit tiyak na pinag aralan ang bawat galaw ng mga labi nito sa mga labi niya.
Kay sarap ng mga halik nito lalo ang mamalambot na mga labi nararamdaman niya na dumadampi sa mga labi niya. Pakiramdam ko tuloy, dinadala ako noon palipad sa mga ulap patungo sa langit dahil sa sarap ng mga halik na pinagkakaloob nito.
This is may first time. My first kiss. Ngayon lang may lalakeng nangahas at naglakas ng loob na halikan ako in my entire life.
For how many years na naging boyfriend niya si Mike ni minsan hindi niya ito hinayaan mahalikan siya. She said. She gave her first kiss to the Only Man na mamahalin niya at masisigurado niya na ito na ang lalakeng makakasama niya habang buhay.
“ His Future Husband ”
But this time may isang lalakeng bumali ng SALITA niya na matagal niya nang pinanghahawakan. “ THE ONLY MAN ” who broke his words.
Ngunit hindi niya maunawaan kung bakit hindi niya ito nagawang itaboy o itulak man lang. Sadyang napakalakas ng hatid na karisma ng mga halik nito upang maging isip at puso niya ay tumututol na gawin niya iyon.
kay bilis ng pulp ng puso niya. Dumadagundong kasabay ng maiingay na musika pumapaibabaw sa buong lugar na yon.
DUG, DUG ,DUG
Banggit ng puso nito.
Gaya ng mga halik ng lalakeng ito bumibilis rin ang t***k ng puso ko. Parang sumasabay sa bawat galaw ng labi nito sa labi ko.
“ Soft kiss to Passionate kiss ”
Hindi rin napansin ni Carmela ang pagpulupot ng dalawang kamay niya sa leeg ng lalakeng kahalikan. Masarap kasi iyon. Kulang nalang ipaakiusap rito na wag na silang magbitiw pa.
Makaraan pa ilang sandali may naririnig na siya sumisigaw ng
“ CUT “
Pumapalakpak pa ito.
“ It’s totally perpect ”
Nang muli ay magsalita ito.
Tuloy lang ito sa pagpalakpak na masayang masaya sa seen na kung saan ay hinahalikan ako ng lalakeng ito.
Mabilis pa sa alas kwarto bumitiw na ang lalake sa paghalik sa kanya. Ganoon nalang ang gulat nila sa bawat isa. Lalo kung mapagsino ang lalakeng nangahas na hinalikan siya.
“ Ismael ”
“ Carmela ”
Sabayang sambit nila sa mahinang boses na tanging isip lang ng bawat isa ang nakaririnig.
“ what! Who is she Ismael? ” maarteng gulat pasigaw na sabi ng baklang Director.
Nagkatinginan silang tatlo habang sinisino si Carmela ng Director. “ where is Carla? ” sigaw sigaw nito na hinahanap si Carla ang malditang leading lady ni Ismael.
“ Derect what’s happening? Why are you screaming? ” gilas na sabi ni Carla ang leading lady ni Ismael.
“ and what happened to you Carla? Saan ka naman nagpunta at umalis ka sa pwesto mo? Without our permission! ” galit na usal ni Derect kay Carla.
“ I’m sorry Derect. I’m just using the toilet because I was pee. ”
“ what? Your going somewhere without excuses? I can’t believe you Carla your always— Haist s**t. Pinasasakit mo lagi ang ulo ko. ” histerical na sabi ni Derect. “ we need to pack up! Hindi ko na matatagalan ito. ” derect screaming.
“ but Derect we’re not finished. How about the shoot of our kissing seen ni Ismael? ”
Galit na bumaling muli ang Director kay Carla “ Naiisip mo pa yan? Sana kangina naisip mona yan bago ka umalis sa pwesto mo without my permission! ” galit na turan saka tumalikod ngunit nagbawi ito at nagsalita muli “ for your information we are done. The kissing seen was totally brilliant and perfect no nid to shoot again. ” nakangisi sabi nito. Tuluyan na tong tumalikod naglakad palayo.
Naiwan luhaan si Carla. Sobra kasi ang pagkapahiya nito sa nangyaring eksena with her and the director. Siguro nagtataka ito kung bakit sinabi ng Director na tapos na mashoot ang kissing seen nila ni Ismael sakali hindi naman ito natuloy.
Nakaramdam ako ng awa rito ngunit kasalanan naman nito. Pero paano natapos yon ng hindi naman nila nagawang mashoot dahil umalis ito.
Isang palaisipan ngunit ang Director ang tanging nakakaalam.
I can’t expect
“ Because of that Kissed ” my life will be changed.
Paano nga ba babaguhin nito ang buhay ko ng dahil sa isang halik.
Hindi ko rin alam ang sagot! Hahahaha. Isyumera…
“ Tanging si Derect ang nakakaalam ”
“ jusmiyo best friend! Saan ka ba nagpupunta? Nahilo ako kakahanap sayo. Iniwan kita rito sa labas ng restroom, paglabas ko wala ka na. Pinakaba mo naman ako ng sobra. ” mangiyak ngiyak na sabi ni Maumau. Hindi ko rin alam ang sasabihin, Kung paano ko sasabihin sa kanya ang mga nangyari ng mawala ako habang nag pee siya sa toilet room.
I apologize to her “ sorry best friend naglakad lakad lang ako. ” sagot ko. Sasabihin ko ba rito ang nangyari o hindi na muna pero alam ko magagalit ito kung hindi ko sasabihin sa kanya. Impossible hindi nito malaman. Si MauMau pa ba! Lahat nasasarap ng lokaret kong best friend.
Habol hinga “ naglakad lakad? Inabot ng halos isang oras best friend! ” gulantang na sabi ni MauMau. Paano nga naman ito maniniwala na naglakad lakad ako, inabot ako ng ganun katagal, hindi naisip na may kasama nag aantay. Tawa tawa napakamot ulo ako. Nahiya tuloy ako sa sinabi nito.
Nakangiti nakatingin ako kay best friend MauMau. “ sorry na best friend. ” pang aamo ko. “ Hindi na mauulit promise ” nagpacute pa lalo ako rito para tuluyan sabay kami napatawa.
“ Ang pangit mo ” biro ni MauMau
“ may pangit bang kasing ganda ko? ” balik na biro ko
“ che, San mo naman napulot yan? ”
“ dun sa kalsada, usap usapan ng mga kanto boys ” tawa tawang sagot ko.
“ pati ba kanto boys Carmela? ” gilas nito
“ bakit masama sa kanto boys? At least nagsabi sila ng totoo. Maganda ako! Tapos ” pabarang sagot ko. Saka inirapan ako.
“ sila lang nagsabi best friend, pero the truth is— pangit ka! ” humagalpak pa ng tawa habang turo turo ako ng isang daliri nito.
Humanda naman ako para makaganti “ ahh ganun ahh!! Pangit pala ako, ano naman tingin mo sa sarili mo a—ahh! Ano kaya??? ” isip sip pa ako ng maganda ganda. “ Manang MauMau, hahahaha tama. Manang matandang dalaga, pangit pala ahh! Ikaw Manang. ” pang aasar ko saka humagalpak rin ng tawa. Manang! Kaloka sabagay totoo naman. Sa itsura at edad mukha na itong Manang kasi naman ni ayaw mag ayos ng sarili.
Hala nagblangko ang mukha nito. Mukhang napikon. Yari. “ pssst.. ” nagbigay ako ng psst sign. Sabi ko na nga mapipikon. Kahit kelan talaga ito ang mabilis mapikon sa aming dalawa. Kahit naman ganun Mahal na Mahal namin isa’t isa.