CHAPTER 4

2235 Words
“ IDOL napakagwapo mo talaga sa personal ” bungad na bulas ng babaeng kasunod ni Carmela. “ Best friend tumabi ka na kay Idol ng makuhanan ko na kayo ng pictures. Tapos ako naman kunan mo ahh ” masayang sabi nito. “ ok tayo naman tatlo pwede ba idol? ” nakangiting sabi nito. I nod “ Idol pa signed naman oh! ” abot abot nito ang dalawang hawak na banners na pinasadya na naglalaman ng samot sari kong photos. Mukhang pinaghandaan nila ang event na to. Ngunit tanging kasama lang ni Carmela ang makulit na nagsasalita. Nanatili lang tahimik si Carmela. Lihim ko naman itong pinagmamasdan. Mas maganda pala ito sa personal compared sa photos na sinend nito. “ Idol salamat ah, ay Isa pa pwede? ” hirit pa nito. “ papirma rin kami sa shirts ” nakangiting sabi muli nito. “ oi, best friend antahimik mo. Dali lapit ka na, ng mapirmahan na yung Shirts mo. ” tulak tulak nito kay Carmela papunta sa tabi ko. Natuon ang mga mata ko sa mga shirts na suot nila. “ I love you Ismael Forever Fan ” Sa harap at likod nito ay may nakaprint out na pictures ko. It’s one of our customized Shirts na binebenta online. Lahat ng nalilikom na Pondo roon ay dinodonate sa mga charities na lihim na sinusuportahan ko. It’s so cute at bagay na bagay kay Carmela. Sambit ng mapangahas na isip ko. “ thanks idol we love you na talaga. ” makulit na sabi nito. “ super fan mo tong best friend ko, crush ka rin niya ” pabirong sabi nito. Kumindat pa muli at may inabot na isang box na maliit. “ ano yung inabot mo kay Ismael? ” takang tanong ko kay MauMau. Bigla kasi ito may iniabot kay Ismael bago kami umalis sa Fan Signing. “ ahh wala! ” maang maangan na sagot ni MauMau “ Wala pero ano yung box na yon? ” tinutukoy ko yung maliit na box na binigay nito kay Ismael “ hello guys! ” bati ng host ng magbalik ito sa stage. Naputol na pag uusap namin ni MauMau dahil sa paglabas ng host. “ we will announce kung sino ang maswerte nabunot na number ng ating minamahal na Idol na si Ismael. Excited na ba kayo? ” dumadagundong na boses na sabi nito. Malalakas na hiyawan at tilian ang sagot ng maraming fans. “ mukhang excited na nga ang lahat, iannounced na natin. Please come with me Mr. Roel Santos the Manager of Mr. Ismael Zion Montebar. He will announce the winner for our Dream Date with Ismael anniversary celebration. ” tawag sa pangalan ng Manager ni Ismael. Maya maya pa ay makikitang umakyat na ito sa stage upang iannounced ang winner sa nasabing Dream Date with Ismael. Pagkaakyat sa stage inabutan ito ng Microphone ng isang staff. “ hawak ko na ang maswerte nanalo. Be ready check your numbers at baka kayo na ang tatawagin ko. ” malakas na pahayag nito ng Manager ni Ismael. Until nag umpisa na ito magsalita muli. first number “ 5 ” tilian lahat ng my hawak na 5. Lahat ng nag uumpisa sa 50 at maging nag umpisa sa 500 pataas ay nagsitaasan ng kamay kasama si MauMau. Second number “ 0 ” grabe makatili ng may hawak na numero 50. Nagtatalon ito sa tuwa halos himatayin, naiinis at may natutuwa pero hindi nito iyon pinansin gang magsalita muli ang host at saka ito muli tumigil sa kanyang ginagawa. “ mukhang tuwang tuwa na ang may hawak na number 50 but sorry we have a remaining number will be announced. It’s not a number 50 will have one additional number to complete the winner. Mr. Roel pleased announced the remaining number. ” pahayag na pakiusap nito sa Manager. Binalingan naman ito ng manager and he nodded Nag umpisa na ulit magsalita ang manager “ sorry everyone mukhang nabitin kayo for my announcement. It’s not 2 numbers. It’s just 3 numbers ang maswerte winner natin. Ay—? ” putol na sabi nito na sinabayan ng maingay na tugtog na bumalot sa buong lugar. Sobrang ingay na sinabayan pa ng tilian at hiyawan ng mga naroroon at nag iintay sa susunod na numero na sasabihin nito. “ best friend may pag asa pa tayo ” excited na sambit ni MauMau Nanginginig ang mga kamay habang magkahawak kamay kaming dalawa. “ best friend ” kinakabahan sabi muli nito. Tantaran tantan “ number— ” pambibitin lahat ay nag aabang, ilan ay kinakabahan ang iba ay excited na kung sino ang maswerte mananalo. “ number zero ” malakas na sigaw nito sa microphone. Sumaboy ang malakas na ingay sa buong kapaligiran kasabay ng ingay ng maraming fans. Hindi ako makapaniwa but it’s a miracle na biglang tawagin ang hawak hawak kong numero. MauMau is super excited. How about me? Hindi ko alam kung anong feeling ang biglang naramdaman ko. Bigla kasi bumilis ng todo ang t***k ng puso ko. Supposed to be hindi rapat, dahil hindi ito normal na pakiramdam ng isang excited na fans. “ kamusta Dream Dates niyo ni Ismael? ” palagian tanong na naririnig sa mga ka officemate’s ko. Asually I smiled, yon naman palagian ko sagot sa mga ito. May isang linggo na, mula noong mangyari ang 10th year Anniversary Celebrations ni Ismael Zion Montebar. Super thankful ako dahil ako lang naman ang laman ng balita sa buong Mundo. “ Nakakaloka diba ” Ayaw ako tantanan ng mga kontrabida at mga chismosa nakapaligid dito sa buong building ng aming opisina. Halos lahat naiinggit, naiinis kung bakit ako at hindi sila, may ilan naman natutuwa. “ oh diba, sikat na rin ako ” I smirked. Para na rin akong isang artista na hinahangaan, kinaiingitan at kinaiinisan ng maraming fans ni Ismael. Marami rin akong natatanggap na bushers mula sa libo libong fans nito. Sa lahat ng pictures na lumabas nung Dream Dates with Ismael libo libong, hindi daan libong fans ang mga nagcomments. May magaganda, natutuwa, kinikilig at naiinis specially yung mga kabaklaaan at loyal fans nito ang mga madalas mang bush. “ ayy! antaray ni ate oh, masyado nagmaganda. Ikaw na panalo. Bluh—bluhhhhhhh ” comment ng isang fans. “ Ang swerte ni ate Carmela bagay sila. Nakakakilig. Ang sweet ni Papa Ismael with her. Haba talaga ng Hair ni Ate. ” kinikilig kilig na comment ng ilang fans. “ Correct! Ang swerte niya if ever maging sila. ” tudyo pa ng ilan. “ ambisyosang palaka. Pano naging bagay sila mukha naman palaka si Ate. Kita niyo nga??? ” birit ng Isa na hindi nagustuhan ang sinasabi ng ilan na kinikilig sa mga photos namin ni Ismael. “ Don’t Harsh naman kayo guys. Eh ano kung ang sweet ni Papa Ismael kay Ate Carmela. Bagay naman sila. Ate Carmela is blessed dahil siya ang napili manalo but don’t blame her. Masyado kayo masakit magsalita hindi naman kasalanan ng tao na siya ang mapili sa Dream Dates with Ismael. Please stop blushing her. ” comment ng isang loyal fan na inayunan ng marami ngunit may ilan na kontra rito binush ang sinabi ng iba pang fans. Hindi lang iyan. Napakarami pang busher’s at comments mahihilo ka nalang sa kakabasa at maiinis ka sa mga batuhan ng masasakit na salita ng iba. Hindi ko na nga lang pinapansin, sasakit lang ulo ko sa kanila. “ haist ” isang buntong hininga ang aking naramdaman habang nagbabasa ng ilan mga comments ng mga bushers. Napalingon ako bandang likod kung saan nagmula ang buntong hininga. “ hanggang ngayon ba! Hindi ka pa rin makarecover sa dami ng mga fans na nambabush sayo? ” concerned na tanong ni Marielle Isa sa mga kaibigan at kaofficemate ko “ Ngumiti muna ako at nagkipit balikat. “ Hindi naman gusto ko lang balikan pero wala naman sakin yon. Hehehe ” tawa ko sagot. “ oh siya tama na Yan! Halika kumain na tayo. Ilan minuto na lumipas gang ngayon andiyan ka pa sa harap ng computer mo. Tumayo ka na at duon tayo sa kabilang kanto kumain. Balita ko masarap raw yung pagkain roon sa bagong bukas na restaurant sa kabilang kanto. Halika at subukan natin. ” excited na sabi nito. Basta pagkain talaga game itong si Marielle. Kung saan may masarap makakain duon mag aaya kumain. “ ok sige! Ililigpit ko lang Ito. Tapos umalis na tayo ” nakangiting sagot ko. Gutom na rin naman ako. Gusto ko rin makalanghap ng sariwang hangin. Masyado na marumi rito dahil sa mga walang ginawa kundi pagchismisan ako. Wow ang ganda ng lugar very nice. Simple but my twist parang ang sarap kumain rito. Sa itsura at mga design nito napakasimple ng pagkakagawa pero malakas ang dating sa mga customer gaya ko. Pagpasok na pagpasok pa lang namin kapansin pansin na agad ang ganda ng kabuuan ng Restaurant. Walang gaano borloloy or propaganda. Maliban sa mga pictures na nakadikit sa mga ding ding and it was Ismael. Bongga ang galing ng interior designer na nakaisip nuon. Malakas kasi humatak ng customer kung kaaya aya ang makikita rito. Dahil isang sikat at kilalang artista ang endorser nila talagang dudumugin sila. Sa dami ng mga fans nito but syempre dapat isama mo yung menu dapat kasing sarap at yummy ng endorser mo. Hahaha – Sabi ng lukaret kong isip. “ mukhang masarap kumain rito Marielle ” baling na tanong ko nasa kabilang bahagi ko ito. “ ou sabi ng ibang mga kaofficemate natin masarap nga raw kumain rito. ” “ halika na! Umorder na tayo. Gutom na rin talaga ako ” nangununang sabi ko. Halos takbuhin namin ang counter dahil sa mahabang pila nito. “ Marami pala talaga kumakain rito ” baling ko muli kay Marielle. Marielle nod. “ sinabi mo pa! Lalo at ang endorser nila ay si Ismael ” ngiti ngiting sagot nito. Gulat ako roon. “ mukha atang mutual fan ka na rin ni Ismael ahh Marielle? ” pabirong sabi ko. “ gulat ka ba? Hehehe. Kasi naman simula ng mag viral yang pictures mo palagian na ko nakasubaybay sa mga Bushers mo. ” gagad na sagot nito. “ langya! Isa ka na rin palang chismosa ngayon Marielle. ” pambubuska ko. Sabay tawanan kaming dalawa. Natigil lang iyon ng may biglang lumapit na isang staff. Akala ko talaga ay sasawayin kaming dalawa dahil sa maingay namin biruan namin. Kasalukuyan ako nasa Restaurant na pagmamay ari ng aking pamilya. Nang pukawin ako at mapansin sa CCTV Camera ang dalawang babae na papasok sa Restaurant. I smiled Napaka mapaglaro talaga ng tadhana sa ikalawang pagkakataon, pinagtagpo muli kami nito. Ang tinutukoy ko ay si Carmela. Ang babaeng nakilala ko sa isang Dating Apps. Biruin mo ilang buwan ko rin, itong iniwasan dahil sa namumuong damdamin para rito. Ngunit napakaliit ng Mundo. Sino magsasabing mag krus ang landas namin dalawa sa hindi sinasadya pagkakataon. At hindi lang iyon. Napakaswerte naman nito na siya ang mapili sa Dream Dates na binigay namin sa mga fans bilang Celebrations ng 10th year ko sa industry. “ Ano bang meron si Carmela at pinaglalandas ang mga buhay namin dalawa. ” Ngayon dito naman sa Restaurant na tinayo namin ng Pamilya ko pinagtagpo muli kaming dalawa. Maganda naman talaga ito. Una pa lang magaan na loob ko rito, kaya nga inabot rin ng ilang buwan na magkachat kaming dalawa. Lahat ng yon, mga pinakita at sinabi sa kanya ay pawang walang arte lahat yon ay totoo. Binigyan ako nito ng purpose sa buhay para magmahal. Masaya ako nakilala ito but suddenly natapos rin iyon dahil sa pag aakala na may mahal na ito at ayoko naman makasira sa kanilang dalawa. “ paano ko nalaman wala pa itong Mahal na iba? At Mali ang pag aakala ko na yon? ” just because of his best friend. She gave me a small box in the Fan Signing bago umalis ang mga ito iniabot sakin iyon ng best friend ni Carmela. I’m curious kung ano ang laman nuon. After I open it. Nakita ko ang isang customized key chain na may pictures na sinend ko sa kanya nuon sa Dating Apps. It was good. Nagustuhan ko. Sa kabilang side nito ay may litrato nito. I smiled until pukawin ako ng isang maliit na papel. Masyado mabuti ang pagkakatiklop noon. Kinuha ko iyon at binuksan. “ it’s a give Idol. Sayo nalang ahh. Total wala na rin naman yung pagbibigyan ng bff ko. Bigla kasi naglaho. Para hindi na muli nito maalala sayo nalang ito, para hindi ko na muli makitang umiyak ito dahil nakikita niya ito na dapat ibibigay niya bilang regalo sa taong yon. Mahal nito. Total Mahal ka rin naman namin sayo nalang ito Idol. Happy 10th year Anniversary Idol we love you. Thanks Your fanatic Fan. Carmela & MauMau. Ako pala yung inaakala kong iba. Natawa ako sa isiping pinag isipan at pinagselosan ko ang aking sarili siya rin naging dahilan ng pag iwas ko rito. “ s**t ” maling mali ako roon. I called to the lobby ng Restaurant. Kinausap ko ang isang Staff na lapitan ang dalawang babae. I gave her the details kung ano ang mga suot na damit ng mga ito. Sinabi ko paaakyatin rito sa taas at sinabi ko magready ng mga foods at iakyat rito. Alam kong he nod. Dahil nakikita ko ito sa CCTV Camera nakikita ko bawat tango nito sa lahat ng pinag utos ko. Yan ang maganda sa mga staff namin rito madali silang utusan at mapakiusapan. Actually hindi sila ordinaryong employee mga part time students sila na gusto makapag aral at lihim ko sinusuportahan. Nakilala ko sila sa tuwing nag iikot ako sa mga iba't ibang lugar inaalok ko sila ng trabaho kapalit ng pag aaral nila. But syempre kanila ang sahod nila. Gusto ko lang matutunan nila lahat para hindi naman sila umasa lang sa pangako kong pag aaralin sila. San naman sila kukuha ng panggastos kung sakali man makapag aral nga mga ito kaya inaalok ko sila ng trabaho para may mapagkunan sila para sa mga personal belongings nila. “ Tama naman ako diba ”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD