Imperial Series III by Aya_hoshino -----Tamaki's POV----- "Maam pumunta po kayo sa Broken Avenue." Saad ng isang lalakeng namimigay ng flyers sa daan. Naglalakad kami nun ni Sidney sa side-walk. Maaga niya kasi akong sinundo sa dorm at inayang kumain sa labas. Tama nga si Kael, kakaibiganin ako ni Sidney upang malaman niya kung pano kami mapaghihiwalay. I guess may feelings pa talaga siya kay Kael. Kaya sumama na ako dahil pakiramdam ko pumapabor sa akin ang pagkakataon. "Nakapunta ka na dito?" Tukoy ni Sidney sa lugar na laman ng flyer. Ang plastik ng ngiti grabe. Gumanti din ako ng pekeng ngiti sa kaniya. "Hindi pa, ano ba yan?" "Isang pasyalan para sa mga broken-hearted. Hindi naman tayo broken di ba Maki? Kaya wag na tayong pumunta diyan." Sabay tapon nung flyer sa basurah