Imperial Series III by Aya_hoshino -----Nickel's POV----- Bandang alas siyete ng umaga ay narating ko na ang dating Imperial palace. Sunog na at sira-sira ang mga pader. Parang dinaanan ng lindol yung lugar. Ilang poste na lang ang naiwang nakatayo. Habang paakyat sa third floor ay maingat ang bawat hakbang ko. Yung sahig kasi marupok na. Pagdating sa pinakatuktok ay nakita ko ang isang kwarto na di pa masyadong nasunog. Nandun pa at nakasabit sa pader ang kalahati ng portrait ng aking lola na si Tomoko Yamazaki-Imperial. Lumapit ako upang mahawakan ito. "Lola... sana magkita na tayo... sabik na sabik na kaming mga apo mo na makasama ka..." Nakita kong may mga anino sa aking paligid, mukhang marami silang nakatayo sa aking likuran. Nakarinig din ako ng kasa ng baril kaya naalarma