Imperial Series III by Aya_hoshino -----Akira's POV------ "Akira?" Naiiyak ang mga mata niya habang nakatingin sa akin at naghihintay sa isasagot ko. Di ko siya matiis kaya inabot ko sa kanya ang aking kamay sabay ngiti. "Tayo na Norice, umuwi na tayo." Biglang nagliwanag ang mukha niya. "Talaga? Ibig-sabihin di mo na hihilingin kina mamalabs na mabuhay ako?" Umiling ako. "Hindi na. Ayokong ibigay ka kay Arnold. Gusto ko nasa tabi lang kita lagi. Kaya halika na Norice umuwi na tayo." I extended my hand para maabot niya. "Yan din ang gusto ko. Salamat Akira!" Matamis ang naging ngiti niya at imbis na tanggapin ang aking kamay ay tumakbo siya upang yakapin ako ngunit- Lumusot siya at nilagpasan lang ako. Ilang sandali din kaming natulala sa nangyari. Bigla akong napaluhod sa sahig