KHAELA RAE LOSIENTO (1)

1589 Words
Is life worth living? Palagi kong tanong sa sarili. Bakit ba ipinagbawal ang kitilin ang sariling buhay kung hindi na sila masaya rito? Sabi ng iba, bawat buhay may halaga. Paano ako, kami'ng mga wala ng gana pang mabuhay? Dapat pa bang ipagpatuloy kung wala ng saysay ito? Being alive only makes me suffer. Constantly emotionally hurt. Walang araw ata na di ako umiiyak dahil sa bigat ng nararamdaman ko. "Ma'am," tawag sakin ni Adelina. Ang aking katiwala dito sa bahay ko. I left my parents' home. Can that even be called a home? There was no love there, not for me anyway. "Ma'am! Buksan n'yo po ang pinto! Maawa ka sakin Ma'am! Ayaw ko pang makakita ng patay na nakabitin!" Histerikal nito at palakas ng palakas ang bawat katok sa pinto. Silly, does she think I'm going to kill myself? "Ma'am sinasabi ko na sa inyo! Buksan n'yo ang pinto! Parang awa mo na!" I took a heavy sigh. "What is it again, Adelina?" buryo kong tanong. Kita ko sa muka n'ya ang takot at pangamba. I gave her a warm smile to assure that I'm not going to kill myself, not yet. "Ma'am, tinakot n'yo na naman ako! Maari bang tumugon agad kayo pag nakatok at natawag ako. Mauuna pa ata akong mama–" she took a pause when she realized what she's about to say. "Basta Ma'am, wag n'yo na po ulitin 'yon. Ayaw kong mawala kayo. Kaya hangga't maari wag na wag n'yong tatapusin ang buhay n'yo, Ma'am. Hayaang n'yong Diyos ang magdesisyon kung kailan kayo nararapat mamayapa," Pangaral n'ya habang naluluha na s'ya. I just smiled at her. I believe in God. It's just that... Nahihirapan na ako, parang sasabog ang puso ko sa dami kong kinikimkim na sakit. Emotionally. "Sige na, Adelina. Magpahinga ka na," Alanganin s'yang tumango at tinitigan pa ako. "I promise. You won't see me hanging," Paninigurado ko pa sa kanya. "Rae," "What are you doing here, Khaliya?" I asked. Nagsalubong lang ang kilay n'ya at sinamaan pa ako ng tingin. "You're not answering my calls!" Maktol n'ya pa at mabilis na lumapit sakin para yakapin ako. I hugged her back. "Pinag-aalala mo ako,Rae." Bakas sa boses n'ya ang takot. "Didn't I promised you that I will never do that again?" "Siguraduhin mo lang dahil pag ginawa mo yun..." "Ano?" "Ah basta hindi ka pwedeng mamatay baka sundan ka namin ni Caleigh pag ginawa mo yun!" pananakot pa n'ya. "Wala na sa isip ko yun," lies Nginisian ko na lang s'ya na ikinasama lalo ng muka n'ya. "Magbihis ka at nag-iintay si Caliegh sa bahay-kubo n'ya. Sobrang nakaka-stress na s'ya!" Padabog pa itong umupo sa gilid ng kama ko. "O bakit naman?" "Nagtanong ka pa! Alam mo naman kung bakit!" inis n'yang bulyaw sa akin. "Bakit nga?" pangungulit ko. "She's asking us to go to her place. Yung pinatayo n'ya sa kagubatan at dadaan pa tayo ng tubigan!" gigil n'yang sagot. "E, bakit naman kasi kung kailan gabi?" "I don't know, Rae. Sira na ata ang tuktok ng pinsang kong iyon," Mabilis akong nagbihis at naririndi na ako sa pagrereklamo ni Khaliya na napakabagal kong kumilos. Nagpabango lamang ako ng kaunti at nag lip gloss na rin. Di ko naman kailangan mag ayos at gubat ang pupuntahan namin. Di naman sa malayo pero kumbaga lang eh bungad s'ya ng gubat lalakad lamang ng mga 10 minutes siguro? "Kanino?" Tanong n'ya. "Akin," Tumango lang ito at sumakay na sa kotse ko. Iniwan na n'ya ang kanyang kotse sa garahe ng bahay ko. Pinaandar ko na ang kotse. Tahimik ang byahe namin dahil siguro wala na sa mood magsalita si Khaliya. Maiigi naman. Kaya lagi silang nagtatalo ni Caleigh kasi walang tigil lagi magsalita si Khaliya, ayaw papatalo. Kaya lagi na lamang ako ang pumapagitna. "When is the start of school again?" She asked breaking the silence. Nagkibit-balikat lang ako dahil wala pa din naman update mula sa school. I wish it was longer, I don't want to socialize with others yet. Hay, Hindi naman sa ayaw ko makipagsalamuha sa iba, hindi lang ako sanay. Dahil ang palagi kong kasama ay ang magpinsan na Caleigh at Khaliya lang. Nasanay na ako sa kanila. "We're already here," Anunsyo ko kay Khaliya. Tinanggal n'ya na ang seatbelt n'ya at ganon din ang ginawa ko. Sobrang dilim. May makikita kang bahay pero ang lalaki ng agwat ng mga ito. "Do you have flashlight with you?" "Wala, Rae. Kapit ka lang sakin medyo malawak naman ang espasyo ng tubigan kaya hindi tayo mahuhulog," I nodded. Iniangkla ko sa kanya ang braso ko at nagsimula na kami maglakad. "Grabe talaga trippings ng pinsan ko, papagawa na lamang ng bahay ay dito pa sa liblib na lugar," Naiiling na lamang si Khaliya. Nakalampas na kami sa madilim at mapuno na parte kaya natanaw na namin ang iilang bahay malapit sa tubiga. Medyo may liwanag naman para makita ang dadaanan pero kung malabo ang mata mo ay, goodluck. Baka bigla kang maging kalabaw dahil tutubog ka sa putik. "The hell!" "s**t," Sabay kami napatalon sa gulat dahil biglang may dumaan na kung ano sa unahan namin. Agad kaming umatras. Di namin matukoy kung ano iyon. Mabuti na lamang at hindi na ito bumalik pa. "I think we should call Caleigh. Ang hirap ng daan, oh... Di na natin aninag baka mamaya malaglag pa tayo sa putik," She arched her eyebrow. " What? I'm just suggesting," Depensa ko. Ayaw kasi nito na hihingi ng tulong sa pinsan n'ya sa kahit anong bagay. Lalo na't mataas ang pride nitong isang 'to. "You don't trust me, Rae." Asar n'yang sabi at may kinapa s'ya sa bulsa ng fitted jeans n'ya. Nagbuhay s'ya ng flashlight. Oo nga naman, Ba't di ko ba naisip yun. Nabobobo na ata ako. "See, we don't need to call her. We just need to think, Rae. Tsk," Umirap pa ito sa akin. Binalewala ko na lang at iniangkla ko na ulit ang braso ko sa kanya para sabay kami makapaglalad. "Malapit na tayo," Untag n'ya at tumango na lamang ako. "May mga bahay pa pala dito kala ko nag -iisa lang talaga yung kay Caleigh eh. Papagiba ko sana hehe," I joked. Sinamaan pa ako ng tingin ni Khaliya'ng maldita. "Meron naman talaga. Kaya lang n'ya nagustuhan magpatayo ng bahay dito e, para hindi s'ya matunton nina Tita Alice." Tumango na lamang ako. Si Caleigh ay umalis na din sa kanya... Ay hindi pala linayasan n'ya ang magulang n'ya dahil gusto n'yang maranasan na manirahan mag-isa. I'm sure that they're already searching for her whereabouts. Samantalang ako kailanman hindi hinanap haha, ganoon sila kawalang pake pagdating sakin. All they do is bent their anger on me and make me feel worthless. Kasalanan ko bang hindi ako kasing-talino nila? Yun lang naman ang ikinagagalit nila pero ba't parang ang laki ng kasalanan ko. Di naman siguro kasalanan ang hindi pagiging matalino diba? But deep down I know, I have a hunch. na parang may iba pa silang dahilan kung bakit ganon ang pakikitungo nila sa akin Tumigil sa paglalakad si Khaliya kaya napatigil din ako. Hinarap n'ya ako, "Hey," Hinawakan ako sa magkabilang balikat ni Khaliya at nagsusumamong tumingin sa mga mata ko. "You're spacing out," Bakas ang pag-aalala n'ya mula sa mukha at sa boses. I gave her my warm smile to assure her that I'm okay, I'm trying to be okay. "We're here," Anunsyo n'ya. Tiningnang ko ang kaubuan ng bahay ni Caleigh at napamangha ako. Dalawang palapag ito, at napakalawak ng balkonahe sa itaas. Pinaghalong gawa sa semento at iba't-ibang kahoy. Ang baba ng bahay ay yari sa simento at hallow blocks ngunit sa itaas ay purong mga matitibay na kahoy at kawayan. Pakiramdam ko tuloy gusto ko na s'yang maging kapit-bahay. "Caleigh lumabas ka d'yan napapaligiran ka na ng mga t**i!" Nanlaki ang mata ko sa paghiyaw ni Khaliya. Napaka-gago talaga kahit kailan. Tuwang tuwa lagi galitin ang pinsan n'ya pero pag ginantihan naman iyak. Dumungaw sa balkonahe si Caleigh at nagmiddle finger kay Khaliya. "You are so f*****g annoying," Inis na sabi ni Caleigh dito. Dumila pa si Khaliya kaya tinapakan ko ang paa nito. "The hell with you, Rae!" Bulyaw nito sakin kaya napapikit ako. "Ba't kasi inaasar mo pa pinsan mo, pag pinatulan ka n'ya," Paalala ko pero inirapan n'ya lang ako. Pikon. Bumukas ang pinto at inakit na kami ni Caleigh pumasok. "Bakit mo kami pinatawag?" I asked. Nandito na kami sa balkonahe n'ya at natutuwa ako kasi ang payapa ng pakiramdam ko dito. "Nothing, namimiss lang kita." Ngiti nito sakin. "You can just call me," I said. "Nuh, sayang ang load." Tangina talagang magpinsan na'to. Di ko na ata kakayanin mga utak nito. "Godness! Nanghihinayang ka sa load e milyon ang laman ng atm mo!" Nakakainis! "Ang puso, Rae. Hindi mo ba ako namiss?" "Bakit ba kita mamimiss eh kakakita lang natin kahapon," Bahagyang nagsalubong ang kilay ko. "Napaka-init naman ng ulo ng bestfriend ko na'yan,"pang aalaska pa nito. "Oa kana kasi teh, alam mong oras na ng pahinga e, pinapunta mo pa kami." Sinamaan naman ng tingin ni Caleigh ang pinsan n'ya. "I'm not talking to you, Khaliya'ng malibag." "Aba't–" "Khaliya, enough," Suway ko pero tumayo s'ya at dinambahan pa ang pinsan n'ya. Napadapa sa sahig si Caleigh, buti na lamang ay naituon nito ang magkabilang bisig n'ya para di humalik sa sahig. "Tangina mo talaga Khaliya!" daing nito at pinipilit paalisin si Khaliya sa likod n'ya. nasapo ko ang noo ko. Here it goes again.

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD