Unti-unti niyang inangat ang tingin niya at ang una niyang napansin ang nameplate nitong iba ang pangalan. 'John.' "There's no problem here," ani ng lalaking hindi niya pa rin alam ang pangalan. Nagtama ang paningin nila ng binata at wala na naman siyang mabasa sa mga mata nito. Hindi ito kumibo at nakatitig lang sa kaniya ang binata na parang hinihintay na siya mismo ang sumagot. "W-walang problema rito," halos pabulong na sambit at iniwas na ang tingin dito. "Did you order drink?" baling sa kaniya ng katabi niya. "N-no..." Kumamot ito sa ilong at nakasalubong na rin ang kilay, "Did I call you? Am I drunk? Nag-order ba ako ulit ng drink?" he asked. "I think you are drunk sir. Let me call someone to assist you," mariin na ani ng binata at mabilis na lumapit sa kanila. Inuna nit