"Mami-miss ka namin, Maria! Sana pag may oras ka ay bisitahin mo kami ha?" ani ni Rowena sa kaniya.
"Oo nga! Goodluck pala sa magiging kasal niyo ni Dominic! Sana magkaroon kayo ng malusog na anak!" masayang ani ni Lyn.
Ngiti na lang ang tanging naitugon niya sa mga ito. She bid goodbye to everyone and especially to Manong Kaloy. Gamit ang pinahiram na sasakyan kay Lucifer ay hinatid siya nito gaya ng napag-usapan nila.
Habang nasa daan ay tahimik lang siya dahil sobrang bilis ng kabog ng dibdib niya.
She's having a mix emotion right now and she don't know the reason.
Maybe, this is the last time that she will see Lucifer?
Kakasabi lang niya sa sarili niya na crush niya ito. At dahil nga siguro may gusto siya rito kaya nagiging mabigat ang pakiramdam niya.
"Let's stop somewhere."
She faced him. Nakatutok ang mata nito sa daan at seryosong nag mamaneho lang.
"Saan?"
"Let's eat somewhere. Ihahatid kita pag gabi na. If that is okay with you."
Parang biglang may nag talunan sa dibdib niya at nabuhayan siya.
"Oo naman! Hindi rin naman ako nakakagala masiyado kaya okay na okay!" she said happily.
She's getting excited so she calm herself. Baka sabihin nito ay sabik na sabik siyang makagala.
She really did enjoy their amusement park date. Yes, for her its a date. Wala lang, gusto niya lang na date ang itawag doon dahil para sa mga naging ka-trabaho nila sa farm ay magkasintahan naman sila.
Hindi na nawala ang ngiti sa labi niya habang nakatingin sa daan. Nagpatugtog pa nga siya ng music para lang magkaroon ng ingay sa loob ng sasakyan. Nahihiya rin kasi siya na makipag usap dito dahil focus lang ito sa pagda-drive.
She's introvert that's why it's a bit hard for her to open up a conversation.
Napunta sila sa Zambales at hindi niya inaakalang sa beach restaurant pala sila kakain. Kaya pala ay may kalayuan din ang byahe nila ay sa Zambales pala siya dadalhin ng binata.
She gasped when she saw a beautiful scenery. Parang ang sarap mag tampisaw sa dagat.
"Let's go there. I already book the restaurant."
"You reserved it?" gulat na tanong niya.
"I mean, I message them in their social media account."
Napatango na lang siya bilang tugon dito. Pumasok sila sa restaurant na may view ng dagat. Maganda ang pwesto nila dahil kaharap nila ang dagat at makikita nila pag palubog na ang araw.
Malapit lapit na rin lumubog ang araw dahil alas kwatro na ng hapon.
Ang binata ang nag order pagkatapos niya ituro ang nais niya kainin.
"Let me pay," ani niya rito.
"No."
"Do you have extra money for this? Pwede naman natin gastusin ang pera na sinahod ko sa farm dahil may trabaho naman talaga ako sa manila," ani niya rito. Hindi naman mauubos ang pera niya kung gagastusin iyon.
Tinitigan siya ng binata at mayamaya ay napabuga na lang ng hangin. Hindi niya alam kung ano ang iniisip nito pero sa huli ay sumang-ayon din ito.
"Okay. Thank you for the treat."
"Walang anuman," she smiled.
Mabilis lang din ang naging service at naihain na agad ang mga pagkain sa table nila. Habang kumakain ay walang nagsasalita kaya naman ay naglakas loob na siyang magtanong.
"Hanggang kailan ka magta-trabaho sa farm?" tanong niya rito. "Wala ka bang ibang plano, katulad na lang na magtrabaho sa city?"
"I can't work at the city now. Maraming opportunities doon pero alam mo naman na may humahabol sa akin 'di ba?"
Gusto niyang mapa-face palm dahil nakalimutan niya ang tungkol doon.
"Oo nga pala..."
"You? What are your plans when you get home?"
"Hmm... I will check some condo's nearby workplace. Gusto ko na maging independent at umalis sa puder ng magulang ko baka iyon ang makatulong sa akin para mas ma-discover ko pa ang mga gusto ko sa buhay."
"That's a good step."
Napangiti siya nang nilagyan ng binata ang plato niya ng laman ng baboy. Hiniwalay na nito ang laman sa buto. He might look so intimidating but he's a gentleman and has a kind heart.
"Can I ask your age?" she's really curious.
"30... I'm old."
"No, you are not that old."
"I am..."
"Hindi kaya! Apat na taon nga lang ang agwat natin," ani niya pa. "Tiyaka sa itsura mo parang mas bata ka pa tingnan."
"Is that a compliment or not? I don't like the idea that I look like a kid."
"Hindi ko naman sinabing kid talaga! I mean, mas bata ka pang tingnan sa edad mo talaga!" natatawang ani niya rito.
Natulala siya saglit nang ngumiti ito dahil sa mga sinabi niya. "You should smile often..." she almost whispered
"I always smile."
"A genuine smile. Hindi iyong parang kailangan mo lang ngumiti kaya ginagawa mo." Napansin niya kasi iyon. Alam niya ang pinagkaiba sa totoong ngiti sa nagpapakita lang.
"You noticed that?"
"Oo naman, sa unang mga araw na kasama kita ay hindi ka nga ngumingiti sa akin at seryoso lang pero pag sa mga katrabaho natin ay madali kang ngumiti."
"Because that's a fake one. As you said you can see the difference, right?"
Hindi na siya sumagot pa. Natapos ang pagkain nila at naglakad sila papuntang tabing dagat. Unti-unti nang lumulubog ang araw at napakaganda ng nakikita niya.
She took a picture of sunset.
"Do you want me to take a picture of you?" he asked. Nagtanong ito pero hindi man lang hinintay ang sagot niya dahil kinuha na nito ang cellphone niya. Nahihiya siyang ngumiti rito at nag pose.
"H-hindi ako marunong mag pose. Hindi naman ako photogenic."
"Liar."
"Huh?" tanong niya dahil hindi naman niya talaga narinig ang sinabi nito.
Tinalikuran niya ito at ninamnam ang magandang tanawin na nakikita niya ngayon. Mayamaya ay inagaw niya na ang cellphone niya rito dahil hindi na nito tinigilan kuhaan siya ng litrato.
"Beautiful..." he whispered.
"Huh?"
"The scenery... I didn't know that this simple view can be this beautiful."
Nakagat niya ang labi niya dahil parang kanina pa siya nabibingi sa sobrang lapit ni Lucifer sa kaniya.
Matanda na siya pero ngayon niya lang naranasan ang mga nangyayari sa kaniya na ganito.
Lahat ng nararamdaman niya sa binata ay bago lang sa kaniya.
Kaya minsan ay naiinggit din siya sa kaibigan dahil marami na itong karanasan sa buhay at panigurado siya ay naranasan na rin ng kaibigan ang ganitong pakiramdam.
She sighed.
"That's loud," puna ng binata sa pag buntong hining niya. "May problema ba? o gusto mo ng umuwi? let's go home—"
"H-hindi iyon!" putol niya agad dito.
Gusto niyang umuwi pero pag iniisip niyang hindi niya na makikita ang binata ay parang ayaw niya na.
Naramdaman niya na nakatitig lang ang binata sa kaniya kaya naman hindi niya na ito nilingon pa. Ang malamig na simoy ng hangin at ang tunog ng dagat ay tila nagpapakalma ng kaniyang kalooban.
It's peaceful and relaxing, that's what she feel.
"Maria?" Napalingon siya nang may tumawag sa pangalan niya at sa tono ng boses nito ay kilalang kilala niya iyon.
"Camille?!" she almost shouted. Napatayo siya at napatakbo dito para yakapin dahil na-miss niya ito.
Hinawakan siya nito sa siko at pinanlakihan ng mata at parang may sinesenyas pa ito dahil naglilikot ang mata nito.
"Sino 'yan? Nakipagtanan ka talaga?!" bulyaw nito pero pabulong.
"H-hindi! B-bakit ka nandito?" kunot noong tanong niya.
"Work! May shoot kanina dito at dahil make up artist ang beshy mo ay siyempre nandito ako dahil may client ako."
Nakagat niya ang ibabang labi dahil halatang halata ang kaibigan niya sa pagsulyap sa binata.
"A-ano ba 'yan, 'wag kang sumulyap, nakakahiya!" bulong niya rito.
"Marami kang ike-kwento talaga sa akin! Well, anyways, pwede ka ng sumabay sa akin. Pauwi ka na ba? O hindi pa?" pinaningkitan siya nito ng mata.
"She's going home." Pareho sila ni Camille na naibaling ang tingin kay Lucifer. "You can take her home now. Kukunin ko lang ang gamit niya sa sasakyan."
Hindi nito hinintay ang sasabihin niya at naglakad na lang papalayo sa kanila para pumunta sa sasakyan.
Napatingin siya sa baba dahil parang may kumurot sa puso niya. Talagang uuwi na siya at hindi na niya makikita ang binata.
"Huy! What's with your expression? Don't tell me... Do you like him already?" kunot noong tanong ni Camille sa kaniya. Hindi ito nagbibiro dahil seryoso itong nagtatanong sa kaniya ngayon.
"Crush... lang."
"You're not a kid anymore, Maria. It's not even a crush! Kung makikita mo lang ang sarili mo sa salamin ngayon ay magugulat ka. Oh my gosh! Can't believe my friend is in love now!" ani nito at tinakpan pa ang bibig.
Iniwas niya ang tingin dito. "Crush lang 'no! It's impossible that this is love-"
"Dahil isang buwan mo pa lang siya nakikilala? You know that it's possible, Maria. Hindi mo lang matukoy dahil wala ka pang karanasan pero ako alam ko na 'yan. I've been in love, at sa sariling experience ko nalaman na totoo ang love at first sight!"
She pressed her lips. Naalala niya ang first love ni Camille na ikinwento nito sa kaniya.
"Go na! Puntahan mo na siya, kunin mo ang number at siguraduhin mong makikita mo pa siya! Kung nagkagusto ka sa lalaking 'yon ibig sabihin ay mabait siyang tao dahil kilala naman kita! Hindi ka nga basta basta nahuhulog sa mga magaling lumandi at guwapo rin. Iyon pala fafa ang type mo," bungisngis nito nang mag joke pa sa bandang huli.
Napanguso na lang siya. Tinulak na siya nito kaya wala na siyang nagawa kun'di sundin ito.
"I'll wait you at the entrance, okay? Keri lang sa akin kahit matagal. Kiss mo na rin ha!" she shouted.
Mabuti na lang walang ibang tao doon dahil kung mayroon ay hiyang hiya na siya sa mga pinagsisigaw ng kaibigan niya.
Lakad takbo ang ginawa niya para lang maabutan ang binata. Nakita niya ito na bitbit na ang gamit niya kaya mabilis niya itong nilapitan.
"P-pasensya na sa kaibigan ko. Hindi ko alam na nandito pala siya," ani niya rito at kinuha ang gamit niya na hawak ng binata.
"It's fine. Mabuti na rin na nandiyan siya para makauwi ka ng maayos."
Ilang segundo siyang hindi nakapagsalita dahil hindi niya alam kung paano hihingin ang number nito.
"You can go now-"
"Pwede ko bang mahingi ang number mo?" lakas loob na putol niya rito. Nakatungo lang siya sa sahig dahil hindi niya na kaya tingnan ang mukha nito.
"No."
Nanigas ang kaniyang katawan dahil sa sagot nito. Nakaramdam siya ng pagkapahiya at kirot sa puso. Pero dahil ngayon lang siya nag lakas loob ay susulitin niya na ang oras na 'yon.
"W-why? I-I want to see you again... Magkikita pa rin naman tayo diba?" she slowly asked and faced him. Dahil mas matangkad ito sa kaniya ay nakatingala na siya ngayon.
Wala siyang makitang ekspresyon sa mukha nito kaya mas lalo siyang nanliit sa sarili. Bigla siyang nanibago dahil ngayon lang niya nakita ang malamig na titig nito.
"You can't see me again, Maria. There's no reason for you to see me again."
"B-bakit naman? Gusto pa kitang makilala-"
"You can go home now. Your friend is waiting for you-"
"Bakit? H-hindi ba pwedeng makilala ka?" She almost choked. Pinipigilan niya ang namumuong luha sa mata niya.
She's hurt. Hindi niya alam kung bakit ganito kasakit.
"Once you find out about the real me, you might run away from me, Maria. If you are growing feelings for me then stop it because I don't even like you as woman. Can't see? I just used you to get my job done."
Otomatikong napayuko siya para maitago ang mukha niya dahil tuluyan nang tumulo ang luha niya.
"Go home now." She bit her lips to stop herself from sobbing. Tumalikod ito sa kaniya at walang lingon lingon na pumasok sa loob ng sasakyan. Mabilis nitong pinaandar ang sasakyan at sa isang iglap ay malayo na ito sa kaniya.