Hindi niya inaasahan na magiging tahimik at seryoso muli ang binata habang kasama niya ito sa iisang bubong.
Tatlong araw na at napansin niyang naging mailap na naman ito sa kaniya. He still smile but not the usual one. Hindi ito malawak ngumiti at parang may kung ano sa emosyon nito na hindi niya mabasa.
"I'm just going in our office. I need to check some files," ani nito sa kaniya at hinalikan siya noo.
Bakasyon naman nito pero napansin niyang tumututok na naman sa trabaho.
"May problema ba?" marahan na tanong niya rito.
"Nothing... I'll be back."
Sinundan na lang niya ito ng tingin nang makalabas ng unit. Napaupo siya sa sofa at sinandal ang likuran niya. Hindi pa rin mawala sa isipan niya ang mga narinig niya sa mall noong gabing 'yon.
Nag-ayos na siya ng sarili dahil dadaan muna siya sa school. May kukunin siyang mga gamit dahil nakapag-pasa na rin siya ng resignation letter. Sa makalawa ay interview na niya sa company na pinasukan niya na english tutor para sa mga korean, japanese and chinese students. Maganda iyon dahil work from home lang at tuwing gabi pa ang trabaho niya.
Nag-drive siya ng sasakyan niya dahil nga may mga gamit siyang kukunin, para hindi na rin siya mahirapan. Dumating siya sa school at binati ang mga nakasalubong niya na guards at janitors.
"Good morning, Ma'am Sarah," bati niya sa isang professor na naroroon sa office nila.
"Talagang aalis ka na? Biglaan ata 'yan. Mag-aasawa ka na ba?" natatawang ani nito at nakipagbeso sa kaniya.
"Ma'am naman! Asawa kaagad?"
"Oh bakit? Sa ganda mo na 'yan dapat hindi sinasayang ang lahi!" hirit pa nito.
"Ikaw talaga ma'am..."
"Kidding aside... I just want to goodluck you on your next journey. Hindi ko na aalamin ang dahilan pero kung ano ang nasa puso mong gawin ay gawin mo. We only live once, ika nga."
Ngumiti siya at tumango sa ginang. Tama nga ito, isa lang ang buhay niya at habang nabubuhay siya ay susulitin niya na ang mga bagay sa mundo lalo na't kung ano ang tinitibok ng puso niya.
Kaya masaya siyang sinunod niya ang puso niya. Ngayon ay masaya siya sa piling ni Lucifer.
Nang makuha niya na ang gamit niya ay nagpaalam na siya kay ma'am Sarah at sa iba pang guro na nakasalubong niya. Malapit na rin kasi mag umpisa ang klase ulit kaya 'yong ibang guro ay nag hahanda na.
Hindi niya alam kung paano sasabihin sa magulang niya na nag-resign na siya kaagad sa pagiging professor.
Napatingin siya sa cellphone niya nang makitang may tumatawag doon.
Si Angelo iyon kaya naman sinagot niya kaagad.
"Hello kuya Angelo?"
"Maria! Hindi kita ma-contact noong mga nakaraang araw. Wala ka rin sa condo mo kada papasyal ako. Napaaga ang uwi ko kaya bibisita sana kami at idadala ang pasalubong ko sa'yo. Nasaan ka ngayon? Magkita tayo at miss ka na ng ate Faye mo!"
Nagalak siya nang marinig iyon.
"Ah gano'n ba? Nasa school pa kasi ako kuya Angelo pero pauwi na rin. Saan ba tayo magkikita? Mag mall na lang kaya tayo para naman makapag-bonding kami ni ate Faye!"
"Sige. We'll just wait you there."
"Okay. See you kuya!"
Binaba niya na ang telepono at naglakad patungo sa parking lot ng school. Medyo dumidilim na rin kaya naman ay siya lang ang tao sa parking lot. Ang mga nakasalubong niya kasi na mga iilang guro ay halos kararating lang sa school. Madalas kasi sa kanila ay gabi talaga pumupunta sa eskwelahan.
Nilapag niya sa likod ng sasakyan ang mga gamit niya. Isasara na niya sana nang maramdaman na may tao sa likod niya. Agad siyang lumingon pero bago niya pa makita ang taong nasa likod niya ay biglang may humawak ng mahigpit sa kaniya at tinakpan nito ng panyo ang mukha niya.
Dahil hindi siya kaagad naka-react ay nalanghap niya na ang kakaibang amoy sa may panyo.
"Hmmp... W-who are you..."
Tuluyan na siyang nawalan ng malay at hindi nakapalag.
Nagising na lang siya nang maramdaman na malubak ang kanilang dinadaanan. Nasa likod siya ng sasakyan at nakahiga kaya naman ay umaalog ang katawan niya dahil sa klase ng takbo ng sasakyan.
Hindi siya makapagsalita dahil nilagyan ng tela ang bibig niya at mahigpit iyon na nakatali. Sinilip niya ang driver at hindi niya man lang maaninag ang mukha nito dahil nakasuot ng hoodie, sumbrero at mask na itim.
Pansin niya rin na madilim na ang paligid. Hindi niya alam ang oras, gusto niya man makita ang dinadaanan na lugar ay hindi niya magawa dahil nakatali rin ang kamay at paa niya.
Marahan siyang gumagalaw at pilit na binabangon ang sarili nang biglang lumingon ang lalaki. Kahit anong pilit niyang titigan ito ay hindi niya makita ang mukha nito sa klase ng suot.
"Gising ka na pala mahal kong binibini," ani nito. He is using a voice changer so she can't identify his voice.
"Huwag kang malikot at baka mahulog ka pa. Ayaw kong magasgasan ang napakaputi mong balat."
Kinilabutan siya sa sinabi pa nito. Gusto niyang umiyak dahil sa takot pero nilalakasan niya lang ang loob niya.
"Hmmp..
"Gusto mo bang magsalita? Sandali lang-"
"Hmmp..." Nagawa niyang matanggal ang tela sa bibig niya pero hingal na hingal naman siya. "S-sino ka! ibaba mo ako ngayon din!" sigaw niya rito.
"Shh... Don't get mad at me my little kitten."
Huminto sila sa kung saan at agad na bumaba ang lalaki. Binuksan nito ang pinto sa likod kaya doon niya lang nakita na nasa isang bahay sila.
"A-anong kailangan mo? Pera ba? Magkano? Pakawalan mo lang ako, please lang," pagmamakaawa niya sa lalaki.
Umiling ito sa kaniya bago magsalita, "Hindi ko kailangan ng pera dahil marami ako no'n. Ang kailangan ko lang ay ikaw Maria. Matagal na kitang gustong solohin. Pero nang may malaman ako... nang malaman ko na may lalaking umaaligid sa'yo ay halos mabaliw na ako. Hindi ko plano sanang dukutin ka pero hindi na ako makapag pigil. Ma-tiyempuhan ko lang 'yong lalaki mo ay papatayin ko 'yon."
Nanginig siya sa takot nang mas mag-iba ang boses nito. Napadaing pa siya nang hinawakan siya nito ng mahigpit sa braso at nanggigigil na hinawakan siya.
She can feel his anger.
Hinatak siya nito papasok sa may loob ng bahay kaya naman nagsisigaw siya pero hindi man lang natinag ang lalaki.
"You can shout all day. Wala namang makakarinig sa'yong iba rito dahil wala pa akong mga kapitbahay." Hindi siya nito nilingon at hinatak lang hanggang sa kwarto. Mas umusbong ang takot na nararamdaman niya dahil marami na siyang naisip na kung ano ano.
Ni-lock siya ng lalaki sa loob ng kwarto kaya mas lalo siyang walang magawa. Hindi niya mapigilang hindi mapahagulgol sa nangyayari. Her hands are still tied. Pilit niyang kinakalma ang sarili para makapag-isip kung paano siya makakatakas. Wala siyang cellphone sa bulsa niya at kahit anong gadget man lang na magagamit para matawagan si Lucifer.
Si Lucifer lang ang tanging nasa isip niya ngayon.
If only she can contact Lucifer.
She breath in and out to make her calm. Nilingon niya ang kaniyang mata sa kwarto. Malinis ang gamit at nakahanda pa talaga ang tulugan. May mga bottled water din doon at snacks.
It's like the kidnapper already prepared this for a long time.
Hindi niya alam kung ilang oras ang lumipas dahil wala man lang siyang orasan sa loob ng kwarto. Tanging bintana lang ang nakikita niya roon pero dahil nasa 2nd floor siya ay hindi niya alam kung kaya niya bang makatakas gamit iyon.
Bumaba ang tingin niya sa nakataling kamay. Masiyadong mahigpit iyon kaya hindi niya magawang matanggal man lang.
Lumunok siya bago napagdesisyonan na tumayo at gawin ang nasa isip niya. Pero bago iyon ay sinilip niya muna ang bintana at kung gaano kataas iyon.
Nakita niya ang malapit na puno na siguradong maabot niya.
Agad nanlaki ang mata niya nang makitang may isang malaking lalaki ang nakabantay doon.
Mabilis siyang umalis malapit sa bintana bago pa siya makita nito dahil lumilinga ito sa paligit at taas.
Napaupo siya saglit dahil agad siyang nawalan ng pag-asa. She's too scared and doesn't have energy.
Sa tingin niya ay mas lalo siyang mapapahamak pag nagpadalos dalos siya.
Naibagsak niya ang likod sa malambot na kama.
Oh god, please help me...