Kabanata 2

1993 Words
"I'm going," tipid na ani ng dalaga at tumayo na sa hapag. "Isabelle, I'm telling you please stop it now," naiiyak na ani ng Ina niya. Sobra-sobra ang pag-aalala nito nang ibinalita kagabi ang pagkakahuli kay alyas Bebot na alam ng ina niya sila ng agency ang gumawa nang hakbang. Hindi man binanggit ang tungkol sa kanila ay alam ng pamilya nilang sila ang kumikilos. "Mom," she sighed and walked out. Mabilis na pumasok siya sa kotse niya at pinaandar ito papunta sa university. Nakokonsensiya siya sa nangyayari dahil higit na mas naaapektohan ang Mommy niya. Pinilit niyang iwaglit ang nasa isip niya at nag-drive. Ilang minuto lang ay nakarating naman agad siya sa parking area ng eskwelahan. Bagong eskwelahan niya to be exact. Graduating na siya sa kursong architecture. Ngayon ang ikatlong araw mula noong pasukan pero ngayon lang siya nakapasok dahil medyo napinsala ang balikat niya. Okay na rin naman ngayon ang pakiramdam niya. Sanay na rin naman siya. Dala ang maliit na bag pack niyang kulay black naglakad na siya papunta sa assigned room niya. Nakita niyang nakasirado na ito at medyo maingay sa loob. Sa tantiya niya'y nagsisimula nang mag-discuss ang professor sa loob. Pinihit niya ang doorknob at bumati sa guro. Nginitian siya nito at pinapasok. Medyo nagulat siya dahil kilala niya ito. It's Caddi, she rolled her eyes secretly. Guro nga pala ang pinsan niya. Umakto itong parang hindi sila magkakilala kahit na malalaman at malalaman din naman ng mga kaklase niya ang ugnayan nila dahil magkapareho sila ng apelyido. "Good morning Ms," bati niya at lihim na ngumiti. "Come in, everyone we have a new comer. Introduce yourself please," nakangiting ani ni Caddi at nagsitahimik naman ang mga estudyanteng napakaingay kanina. Lahat nakatuon ang pansin sa kaniya. "I'm, Isabelle Slavinski. Nice to meet you," bored na ani nito at naghanap nang mauupoan. "Pwede na po ba akong umupo?" tanong niya rito. "Oo naman, Mr. Watada tabi kayo ni Ms. Slavinski," malumanay na ani ng pinsan niya. Nanayo na yata lahat ng balahibo niya para kasing hindi ito makabasag ng plato. Napakahilig pa naman nito sa lahat ng klase ng mga explosive devices. Cool na lumakad siya papunta sa upuan nu'ng may paa na humarang sa daanan niya dahilan para madapa siya. She didn't expect it. Nagsitawanan naman agad ang mga kaklase niya. Caddi didn't even know what to react. She knows very well that Dadaria is temperamental. She gasped in awe nang tingnan lang ni Dadaria ang babaeng dahilan nang pagkadapa niya na ngayo'y napakalapad nang ngisi at nag-smirk pa sa kaniya. "What are you staring at dumb?" malaki ang ngising ani ng babae at tinaasan siya ng kilay. Imbis na mag-ubos ng lakas ay hinayaan na lamang niya ito. Tiningnan niya lang ito at nilampasan. Agad na umupo siya sa tabi 'nung Watada at napapikit nang maramdamang may dumikit sa palda ng uniform niya. Hindi siya nag-react at umakto na parang wala lang. Tinawanan siya ng katabi subalit itinuon niya lamang ang atensiyon sa leksiyon ni Caddi. She'll deal with it later. Parang kakapusin ng hangin ang katabi niya sa kakatawa. "Close your mouth, you're contaminating the air," matigas na aniya. Tinitigan niya ito nang walang reaksiyon sa mukha. Tumingin din ito sa kaniya at hindi matapos-tapos sa katatawa. "You must thank me for I am respectful dumbass. If I were you, tumahimik ka na at baka ito na ang huling araw mo na makatatawa ka," malalim na aniya at tiningnan nang maigi ang mukha nito. Tumigil naman agad ito sa katatawa. Asar na asar siya dahil dumikit talaga ang gum sa palda niya. Nagpaalam na si Caddi at napagpasiyahan niyang magpalit. Buti na lang at dito nagtuturo si Caddi. "Hey b***h!" Ani ng babaeng dahilan nang pagkadapa niya kanina. Tinignan niya lang ito at kalaunay umupo na sa armed chair niya. Tinaasan niya lang ito ng kilay at kinuha ang maliit na bag. "Aba't bastos to ah," ani ng kasama nito. She doesn't care. Nilaro-laro nito ang buhok niya't biglang hinila. She bit her lips and looked at them with an impassive expression. "Kapag kinakausap ka ni, Letty matuto kang tumingin ha 'wag bastos," ani ng isa pang alipores nito. Agad na nagtawanan ang mga kaklase niya nang mapaigik siya sa sakit nang pagkahila nito. Kawawa ang mga ito ‘pag pinatulan niya mas minabuti niyang 'wag na lamang bigyan ng pansin pero makulit talaga. Tinanggal pa nito ang suot niyang eyeglasses. Mabilis na tumayo siya at aagawin niya sana nang apakan ito nu'ng Letty. "Oh poor eyeglasses, Shiela, Patty tingnan niyo siya guys iiyak na yata," natatawang ani nu'ng Letty. Taas noong hinarap niya ito at tinanggap ang nanghahamong tingin. Napasinghap ito maging ang kaklase nila. "Wow!" "Ang ganda pala. Napaka-ganda ng eye color niya." Marami pa ang narinig niyang salita. Mas lalong tumapang ang mukha ni Letty nang masilayan nang buo ang mukha ng dalaga. Tiningnan niya ito nang matalim. "Aba't lalaban ka? Lalaban ka ba ha?" galit na anito sa kaniya at tinulak-tulak siya. Tatalikod na sana siya nang hawakan nito ang braso niya. Napaigik siya nang matamaan ang braso niyang papahilom pa lang ang sugat. Sa inis niya'y mabilis na pinaigkas ang kamay niya't nasampal niya ito. Nanlaki ang mga mata nito na parang 'di makapaniwala sa ginawa niya. Akmang susugod na rin sa kaniya ang dalawang alipores nito nang walang kahirap-hirap na sinipa niya ito at napa-dive sa sahig. "Aahhhhh!"  Malakas ang sigaw na tumatakbo si Letty sa kaniya at akmang susuntok nang tumagilid siya at sapol sa mukha ‘yung Watada. She smirked and looked at them. "What the!" galit na napatayo ang lalaki at hinarap si Letty. "Serves you right, I don't tolerate bullying," ani Dadaria at lumabas na ng room at hinanap ang faculty ni Caddi. Habang naglalakad ay marami ang napapatingin sa gawi niya. Kakaiba ang ganda niya dahil sa mata nilang bluish green na natural na nakukuha kapag Slavinski ka at sa buhok niya pang hanggang beywang ang taas at natural na kulay brown ito. May nakita siyang matandang professor kaya minabuti niyang dito na magtanong. "Good morning Ma'am, saan po rito ang faculty ni, Ms. Slavinski?" magalang na tanong niya. Kaagad naman nitong itinuro ang faculty ng pinsan niya. Agad siyang nagpasalamat at naglakad na. Naririndi na rin siya sa mga tingin at bulungan ng mga estudyante na tila'y ngayon pa nakakita ng taong naglalakad. Agad na napaangat nang tingin ang pinsan niya sa kaniya nang makitang na sa bukana siya ng pintuan at busangot ang mukha. "Daria, bakit parang hindi ma-drawing 'yang mukha mo?" nakangiting anito na kunwari ay walang alam she rolled her eyes at her. "May jeans ka ba riyan? Pahiram ako nabutas ang palda ko bwesit na mga hinayupak na 'yun may gum ang upuan ko at pagtayo ko kanina nabutas na lang nang basta-basta," asar na aniya at umupo sa swivel chair ng pinsan. Napangiti ang pinsan niya sa nakikitang inis sa mukha. Agad niya itong kinuha at isinuot. "Akala ko kasi nag-research ka muna kung ano'ng klaseng eskwelahan 'to, napakaraming bullies dito," nakangiting saad ni Caddi t'saka pumunta sa mini cabinet nito at kumuha ng black skinny jeans. Lumapit ito sa kaniya at inabot ang jeans. "Here, anyway you look very beautiful without your glasses, Daria," puri nito sa kaniya. Inirapan niya lamang ito. "Bakit ikaw hindi ba?" sagot niyang patanong. "Nga naman walang Slavinsking pangit," natatawang ani ni Caddi. Maganda naman talaga ang pinsan niya may Russian blood ito kaya kakaiba ang beauty. Tumayo siya at pumasok sa banyo. "Alis na ako thanks," paalam niya at lumabas na ng faculty. Pinagtitinginan siya ng mga estudyante who wouldn't be? She's a beauty. Naglakad ang dalaga at napunta siya sa likod ng gymnasium. May malaking field doon at umupo siya sa bench na nasa ilalim ng puno. Nakatunghay lang siya sa mga lalaking naglalaro ng football. She somehow felt amazed. Napaka-galing maglaro lalo na nu'ng lalaking may blonde hair at medyo kulot. Kinuha niya ang cellphone sa bag niya nang matamaan ang ulo niya. Agad siyang napahawak sa ulo niya at napahimas. Masakit 'yun ah. Dahil distracted siya kaya parang hindi gumana ang reflexes niya. "Sorry Miss,"  A baritone voice filled her ears. Napakasarap pakinggan ng boses nito, lalaking-lalaki. "Okay lang," aniya at tiningala. He looked so familiar. Parang nakita na niya ito dati. Nakangiting kinuha ng binata ang bola at napatigil sandali at parang kinakabisa ang mukha niya. Kumunot ang noo niya sa tingin nito. "Bakit?" naiilang na tanong niya. "You have a very beautiful set of eyes," buong paghangang anito. Agad na natawa ang dalaga sa sinabi nito. Slavinski's are known by their rare eye color. 'Pag natatamaan ng init nagiging bluish ito. 'Pag hindi naman ay green ito. "Thanks?" aniya at akmang magsasalita pa ang binata nang tawagin ito ng team mates nito. "Sarin, what's taking you so long?" sigaw nu'ng may hawak na pito. Siguro 'yun ang coach nila. Agad na napakamot ang binata sa batok nito. So cute, Dadaria smiled. "They're calling you already. You should go," kunot ang noong ani ng dalaga. Nakatayo lang kasi ito habang hawak ang bola at nakatitig sa kaniya. "Y-yeah see you," anito at tumalikod na. Nanatiling nakatingin ang dalaga sa likod nito at nakagat ang labi niya. Napakagwapo. Ito na yata ang pinaka-gwapong lalaki na nakita niya. She's not exaggerating or what napakagwapo talaga. Agad na sumikdo ang dibdib niya nang lumingon ito ulit sa kaniya at ngumiti. She enjoyed watching them playing the entire break. Nu'ng nag-bell na ay tumayo na siya at umalis. "Ba't ang tagal mong bumalik kanina bro?" tanong sa kaniya ni Miguel. "Nothing," iling niya at ngumiti nang lihim. "I saw you talking to a girl. Is she beautiful?" mausisang tanong ng kaibigan niyang si Maki. He shrugged his shoulders and looked at the bench. Wala na roon ang dalaga. He just can't simply forget those beautiful eyes. Napakaganda ng dalaga. Ngayon niya lang din ito nakita. Napakaganda ng asawa ng Kuya niyang si Marija nu'ng nag-aaral pa ito sa university pero iba ang beauty nu'ng nakita niya kanina. Parang human barbie doll. Halos kilala niya ang lahat ng magaganda sa buong university but not that woman. "Tulala ka brod, naengkanto ka siguro," natatawang ani Grandi. "Shut up!" nakangising aniya. Maybe naengkanto nga siya. Napakaganda talaga kasi eh. Or maybe if not, hindi naman siya mahihirapang mahagilap iyon sa loob ng campus. "Cafeteria tayo," aya ng kaibigan niyang si Miguel. Agad na nagsitanguan sila at naglakad na papuntang locker nila at nagbihis. "Have you dated Irina, X?" tanong sa kaniya ni Miguel. Tumango siya at uminom ng bottled water. "Is she good?" mapaglarong tanong ni Grandi. "Yea, if you want I can tell her to come in your place tonight. She'd love it," nakangising aniya. Agad na nag-high five ang kaibigan niya at nagpapa-cute na naman sa mga estudyanteng nadadaanan. "I wouldn't be surprised if one day, Grandi won't show up anymore. Magkaka STD ka bro I swear," asar sa kaniya ni Maki. He playfully punched his shoulders. "Ouch my biceps!" nakangiting ani  Grandi at kunyaring nasaktan talaga. "p***y!" tukso sa kaniya ni Maki. "I know safe s*x," nakangiting ani nito at napalingon sa gilid niya. "F-ck who's that girl?" saad ni Maki at nakangangang tiningnan ang dalagang nakaupo sa table na nag-iisa. "Ang ganda bro," dagdag pa ni Grandi habang nakatitig din. "s**t," Miguel cussed. Agad na napalingon si Xenon sa tinuturo ng mga kaibigan. He stunned and stared at her. 'Yun ang magandang babaeng nakita niya kanina sa field. "It's her," wala sa sariling iniwan niya ang mga kaibigan at nilapitan ang dalaga. "Damn bilis dumamoves ni X," nakangising ani ni Maki. " 'Ta mo 'tong lalaking 'to," reklamo ni Grandi. "Napaka-unfair eh. Bahala kayo riyan susunod ako. I won't miss this chance knowing a beautiful girl," nakangising ani ni Maki. "Me too," mabilis na ani Grandi at nauna nang maglakad. "F-ckers," iiling-iling na wika ni Miguel. Tbc zerenette
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD