Chapter Twelve

2244 Words
NAPABUNTONG–HININGA si Chad sa matinding frustration na nararamdaman habang nakahinga sa sofa sa sala at nanonood ng TV. Isang dosena na ang lamang ng kalaban sa team niya at wala siyang maitulong. And worse, he did not even make it to the Arena to at least support the team. Two–one na ang standing ng finals, in favor of Lightnings dahil nanalo sila sa game three. Mabuti na lamang at maganda ang nilaro ng kanyang mga teammate. Parang alam din ni Coach Ryan na wala siyang gagawing mabuti sa loob ng court kaya limitadong playing time lang ang ibinigay sa kanya kaya nabawasan ang errors ng team.  Ngunit sa tinatakbo ng laro ngayon, posibleng tumabla na naman ang standing.  Nang mag-half time break ay inabot niya ang kanyang cell phone na nasa ibabaw ng center table. Kanina pa kasi tumutunog ang message alert tone. Binasa niya ang mga text ng ilang kaibigan at ilang malalapit na supporters na noon lang nalaman ang nangyari sa kanya pagkatapos i-report ng courtside reporter na si Erika ang nangyari sa kanya.  Frustrated na muling napabuntong-hininga si Chad nang wala man lang siyang natanggap na text message mula kay Simone. He was actually waiting and hoping for a call or text from her.Alam kaya nito na may injury siya? Hindi pa siguro. Siguro naman ay hindi siya matitiis ng dalaga na kumustahin kapag nalaman nito ang nangyari sa kanya.  Halos hindi niya matanggap ang hiniling ni Simone noong huli silang magkita. Hiniling ng dalaga na layuan niya ito. Gusto na raw nitong bumalik sa dating routine ang buhay nito. Ang ibig sabihin lang niyon, hindi talaga siya gusto ni Simone. Sana lang ay hindi nito pinag-iisipang lumipat ng bahay. Totoong nagbago ang takbo ng kanyang buhay mula nang dumating si Simone. Madalas ay napupuyat siya sa paghihintay na matapos ang event nito pero gusto niya ang ginagawa. Hindi naman naapektuhan ang laro niya, bagkus ay inspirado pa nga siya. What she was asking from him was like death to him. Nasanay na siya nang husto sa presensya ng dalaga at natural na hindi siya basta susuko. Ngunit nagdesisyon siyang bigyan si Simone ng space at patapusin muna ang championship series upang makapag-focus din siya sa laro niya. Subalit hindi na yata siya makakatagal. Mas sumasama ang laro niya dahil hindi man lang nakikita si Simone. Ni hindi rin nag-a-update ang dalaga sa social media accounts nito.  Ilang sandaling nakatitig lang si Chad sa hawak na cell phone. Nang hindi na makatiis ay tinawagan na niya si Simone. Kaagad naman nitong tinanggap ang tawag niya. “Hello, Chad?” “Simone?” Napakunot-noo siya nang marinig ang tinig nito na tila hinihingal. “Where are you?” tanong pa niya. “You just have to open your gate for you to know where I am.” “W-what?” Bigla siyang napatayo sa narinig. “Ouch!” hiyaw niya nang muling maramdaman ang pananakit ng likod. “Easy,” sabi ni Simone. Napangiti siya nang mahimigan ang pag-aalala sa tinig nito. Hindi na niya inalintana ang masakit na likod at lumabas ng bahay. Nag-aalalang Simone ang nakita niyang nakatayo sa labas ng gate. Pinindot na niya ang End button ng cell phone at kaagad na pinagbuksan ng gate ang dalaga. Sa pagkagulat niya ay kaagad siyang niyakap ni Simone nang makapasok. “Why you didn’t call me? Kung hindi ako nanood ng game, hindi ko pa malalaman ang nangyari sa ’yo. Ano na ang nararamdaman mo?” mangiyak-ngiyak na sabi nito. “I feel much better now that you’re here. I thought you were mad at me.” “I’m so sorry sa nasabi ko,” sabi nito at tuluyan nang napaiyak. “It’s okay. Huwag ka nang umiyak.” Niyakap niya si Simone nang mas mahigpit. “I love you,” hindi na napigilan ang sarili na pahayag niya. Naramdaman ni Chad ang biglang paninigas ni Simone. Bahagya siyang kumalas sa dalaga, pinunasan muna ang luha sa mga mata nito bago ito hinawakan sa magkabilang balikat.  Naghinanag ang kanilang mga mata. “I love you,” ulit niya. “Each day with you makes me fall even more in love with you. Mahal na mahal na talaga kita, Simone. Please don’t ask me to stay away from you.” Ngumiti na ito. “Hindi ko na gagawin ‘yon. I love you, too, Chad. Mahal na mahal din kita." Ilang sandaling natulala siya bago yumuko at sabik na hinalikan ang mga labi ni Simone. Kaagad naman itong tumugon sa halik niya. Matagal sila sa ganoong tagpo bago muling nagyakap nang mahigpit. Nagbitiw lang sila at pumasok na sa loob nang marinig sa TV na magsisimula na ang third quarter ng laro. ALAS-NUEVE ng umaga nang magising si Simone. Bahagya siyang na-dissorient nang makamulatan na nasa ibang silid siya pero kaagad ding napangiti nang makita ang katabi  sa kama. Chad was still sleeping beside her. He looked so peaceful in his sleep. Ilang sandaling pinagsawa niya ang sarili sa pagtitig sa binata hanggang sa hindi na niya napigilan ang sarili, she carefully traced her fingers along his nose down to his lips. Hinawi niya ang buhok na nakatakip sa noo nito at buong pagmamahal na hinalikan ito doon. Pagkatapos ay maingat siyang kumalas sa pagkakayakap ng binata upang hindi ito magising at bumaba na sa kama. Kagabi, dalawang oras pagkatapos ang live telecast ng PBA ay dumating si Will. Ineksamin at binigyan nito ng treatment ang injury ni Chad. Pagkaalis ni Will ay binalikan ni Simone si Chad sa silid nito. Nagkuwentuhan sila hanggang sa antukin ito. “Sleep with me here please,” hiling nito.            Mabilis na tumango si Simone. Hindi rin naman niya magagawang basta na lang iwan si Chad. She wanted to take care of him like just like what he did with her when she got sick. Suot pa rin ang T-shirt at boxer shorts na pinantulog, bumaba na si Simone at dumeretso sa banyo. Hindi na siya pinauwi ni Chad at baka magbago pa raw ang isip niya at hindi na bumalik. Pagkatapos mag-ayos ay nagtungo na siya sa kusina at naghanda ng almusal. Naghihiwa na siya ng gulay sa kitchen counter nang bumungad sa kusina si Chad. Kaagad itong ngumiti at lumapit sa kanya. “Hey.” Niyakap siya nito mula sa likuran at hinalikan siya sa sentido. “Hey,” tugon ni Simone. Binitiwan niya ang hawak na kutsilyo at humarap kay Chad. “Masakit pa rin ba ang likod mo?” “Hindi na. Sa tingin ko, puwede na akong maglaro sa next game namin.” Dalawang araw pa bago ang susunod na laro ng Lightnings. Hinapit siya nito sa baywang. “Thank you for being here, for taking care of me,” sabi nito at kinintalan siya ng halik sa mga labi. “You’re welcome,” tugon ni Simone at hinalikan din si Chad. Mabilis na pinailalim nito ang halik at niyakap siya nang mahigpit. Matagal bago sila kumalas sa isa’t-isa. Tutulong pa sana ito sa pagluluto ngunit tumanggi siya. Hindi naman ito nagpumilit. Dala ang mug ng warm milk ay nagtungo ito sa likod-bahay upang gawin ang ilang stretching na itinuro ni Will na gawin nito. Mabilis na lumipas ang mga oras. Nakakain na sila at nagkukuwentuhan sa ilalam ng puno ng mangga sa backyard nang tumunog ang buzzer sa labas ng gate nito kasunod ng sunod-sunod na busina ng mga sasakyan.  “May bisita ka,” sabi ni Simone. “Oo. Tingin ko mga teammate ko na naman.” “Kukumustahin ka siguro nila. Sige na, puntahan mo na sila. Uuwi na ako.” “Anong oras ka pupunta sa resto?” tanong ni Chad. Katatawag lang ng daddy niya at pinapapunta siya nito sa restaurant dahil may gusto itong ipatikim na bagong recipe sa kanya na gusto nitong isama sa breakfast menu. “Around three.” “Sama ako.” “May bisita ka kaya.” “It’s okay. Aalis din ang mga 'yan  kapag sinabi kong may date tayo.” Napangiti si Simone. “Kaya mo na ba? Ang sabi ni Will, huwag mong puwersahin ang sarili mo.” “Okay na ako,” giit ni Chad. “Hindi naman nakakapagod pumunta sa restaurant. Gusto ko na kasing ipakilala mo ako sa family mo bilang boyfriend mo.” Napangiti si Simone. “Sige,” pagsang-ayon niya. Mula kagabi, pagkatapos niyang aminin ang tunay na nararamdaman ay naging opisyal na ang kanilang relasyon. Nangako rin sila na magiging tapat at hindi maglilihim sa isa’t-isa. Dahil doon ay ikinuwento niya kay Chad ang narinig na pamba-bash sa kanya noong game one ng finals. “Promise, kahit na ano pa ang mangyayari,ipaglalaban at ipagtatanggol kita kahit kanino,” pangako pa ni Chad. Ilang sandaling muling naglapat ang kanilang mga labi at nagkanya-kanya nang uwi sa kanya-kanyang bahay. Two months later…           Nasa Davao City si Simone para mag-host ng ilang events sa loob ng isang linggo. Pero sa pagkakataong iyon ay kasama na niya si Chad. Halos dalawang buwan na ang nakalilipas nang muling mag-champion ang Energy Lightnings at mapanalunan ang championship trophy sa Governor’s Cup. Kasalukuyan nang nakabakasyon ang binata pagkapos na tapusin ang ilang commitments at mga celebrations kasama ng fans. Simone never thought that Energy Lightnings had an amazing fandom. Nakakamangha ang ipinamalas na suporta ng fans sa team sa nakaraang finals dahil umabot pa ng game seven ang championship series. Nahirapan nang husto ang buong team nang halos sunod-sunod na na-injure ang mga top players kabilang na si Chad nang muli itong magkaroon ng back spasm. Pero dahil sa dasal ng fans at teamwork ng team ay muling nag-champion ang mga ito. May official fans club din si Chad, ang Chadnatics at hindi niya akalain na madali niyang makakasundo ang mga miyembro niyon. Pormal siyang ipinakilala ni Chad sa fans nito bilang girlfriend nang magdaos ng maliit na get-together party ang binata. Magiliw ang fans ni Chad sa kanya at pulos papuri ang mga natanggap niya. “Miss, Simone, bagay na bagay talaga kayo ni Kuya Chad,” kinikilig na sabi ng sekretarya ng Chadnatics. “Lagi mong aalagaan si Kuya Chad, ha?” sabi naman ng isa pang miyembro. “I always will,” pangako niya. Simone hosted the parlor games. Kumanta rin siya at nag-duet din sila ni Chad sa isang kanta. Napagtanto niya na wala naman palang basehan ang takot niya na maulit ang pinagdaanan sa pakikipagrelasyon noon kay James. Chad was better lover than a friend. Walang araw na hindi siya naging masaya mula nang magkaroon sila ng relasyon. Naipakilala na rin siya ni Chad sa pamilya nito. Mainit din ang pagtanggap ng bawat miyembro ng pamilya ng binata sa kanya. Nang hapong iyon ay magkasama silang nagtungo ni Chad sa reception ng isang kasal. Wedding singer siya at bisita naman ang binata dahil naging kaklase pala nito sa kolehiyo ang groom na si Jerome Santos at ang bride na si Monette Robles. Napangiti si Simone nang malamang whirwind romance pala ang nangyari sa bagong kasal na matagal nang magkakakilala at kumakailan lang napansin ang isa’t-isa. Pagkatapos ng reception ay magkasama na silang nagpaalam ni Chad sa mga bagong kasal. “Don’t forget to send us an invitation kapag kayo naman ang ikakasal, ha?” nakangiting sabi pa ni Monette sa kanila. “We will,” tugon naman ni Chad.         Pagkatapos ay lumabas na sila ng ballroom hall. Sa pagtataka ni Simone, imbes na magtungo sila sa parking lot ay hinila siya ng nobyo sa hardin ng hotel. “What are we doing here?” tanong niya habang inaalalayan siya nitong maupo sa isang bench sa harap ng fountain. “Let’s stay here for awhile. Ang romantic ng ambiance, ‘di ba?” nakangiting sabi nito at naupo na sa tabi niya. “Yes,” nakangiti ring pagsang-ayon ni Simone at humilig siya sa balikat ni Chad. Nagkuwentuhan sila habang parehong pinapanood ang pagbagsak ng tubig sa fountain. May mangilan-ngilan ding pareha ang naroon sa hardin pero malayo sila sa mga ito. “Totoo ba na naging girlfriend mo ang bride?” mayamaya ay naalalang itanong ni Simone. “Paano mo nalaman?” “Narinig ko lang na pinag-uusapan ng ilang bisita kanina.” “Yes, it’s true.” Pahapyaw na ikinuwento ni Chad ang nakaraan nito at ni Monette Robles. Puno ng simpatyang hinaplos ni Simone ang pisngi ng binata pagkatapos nitong magkuwento. “Paano ka nila nagawang saktan ka? You’re a good man, almost perfect. Basta ako, hindi ko yon gagawin sa ‘yo,” pangako niya. “Talaga? Hindi mo ako sasaktan?” “Promise. Eh, ikaw?” “I would rather hurt myself first,” sabi ni Chad at niyakap siya nang mahigpit.  “Since we made a promise, bakit hindi pa tayo magpakasal?” nakangiting sabi nito nang magbitiw sila. Nakakunot ang noong natigilan si SIimone.Hindi niya malaman kung seryoso si Chad dahil pabiro ang pagkakasabi nito niyon. Subalit nang biglang lumuhod ang binata sa harap niya at naglabas ng isang kahita mula sa suot na slacks ay nalaman niyang seryoso ito. Napasinghap si Simone nang buksan ni Chad ang kahita at makita ang engagement ring na simple ang pagkakadisenyo pero halatang mamahalin. “Will you marry me, Simone?” halatang kinakabahang tanong nito. “Yes,” mabilis at walang pagdadalawang isip na tugon niya. Ngumiti si Chad at mabilis na isinuot ang singsing sa kanyang palasingsingan. Pagkatapos ay kaagad na naghinang ang kanilang mga labi.                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                          PEACH SEVILLA                                                                                               ***WAKAS***

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD