Chapter Ten

1778 Words
“How ARE you feeling, sis? Bakit ngayon mo lang ako tinawagan, eh, kahapon ka pa pala rito,” naninising sabi ni Margaux nang puntahan siya sa ospital. Noong isang gabi pa masama ang pakiramdam ni Simone. Mabuti na lamang at nairaos niya ang kanyang hosting stint kahit sinisipon at nilalagnat siya. Madaling araw na nang makauwi siya at nang magising kinahapunan ay lalong sumama ang kanyang pakiramdam. Nanlalambot na pinilit niyang bumangon upang kumain at makainom ng gamot ngunit pagtayo ay nakaramdam siya ng pagkahilo at nagdalim na sa kanya ang lahat. Gabi na nang magising siya at nasa private room ng isang ospital. Namulatan niyang nakatunghay sa kanya si Chad habang hawak ang isang kamay niya. “Nakarinig ako ng ingay sa bahay mo. Nag-alala ako na baka may nangyaring masama sa ‘yo kaya pumasok na ako. Unconscious ka nang makita kita sa room mo kaya dinala na kita rito,” paliwanag nito kung paano siya napunta roon sa ospital. Hindi nakuha ni Simone na magalit kay Chad sa pagpasok sa kanyang bahay nang walang permiso. He was actually saved her life. Paano na lang kung hindi ito dumating? Baka may mas masama pang nangyari sa kanya. She had the flu and was dehydrated, according to her doctor. Nang sabihin ni Chad na tatawagan nito ang kanyang pamilya ay tumanggi si Simone. Nasa out-of-town show si Adam at isinama pa nito ang hipag niya. At ang daddy niya naman ay siguradong pagod na sa maghapong pagtatrabaho sa restaurant. Siguradong papagalitan din siya ng ama sa oras na malaman nito ang nangyari sa kanya. Saka na lang niya sasabihin sa ama at kapatid ang nangyari kapag nakalabas na siya ng ospital. Sinabi niyang si Margaux na lang ang tawagan pero si Chad naman ang tumanggi. “Baka nagpapahinga na sila ni Will. Let’s call them tomorrow morning, Nandito naman ako para magbantay sa ‘yo,” sabi nito habang hawak ang kanyang kamay. “Pero may game ka pa bukas.” “It’s okay. I can rest in the morning. Gabi pa naman ang game namin.”  “Thank you,” nasabi na lang niya. Magdamag siyang binantayan ni Chad. Ni hindi yata ito umidlip man lang dahil tuwing magigising siya kapag nagra-rounds ang mga nurse ay gising ang binata. She loved his presence. She let him hold her hand as he wanted. Na-realize niyang na-miss niya ang pakiramdam ng inaalagaan. Pagkatapos ng halos beinte-kuwatro oras na pananatili sa ospital ay nawala na ang lagnat ni Simone at bumuti na ang kanyang pakiramdam. “Okay na ako. Sabi ng doktor, idi-discharge n’ya na rin ako mamaya. Kasama ko naman si Chad kaya hindi na kita tinawagan,” tugon niya kay Margaux habang nakasandal sa headboard ng hospital bed at kumakain ng dala nitong prutas. Sandaling napakunot-noo si Margaux, pagkatapos ay nanunukso ang ngiting tinitigan siya. “Hmm… so kayo na ni Chad?” Natawa si Simone. “We’re just friends.” “Friends? Eh, bakit parang iba yata ‘yong concern na ipinakita n’ya sa ‘yo. Tingnan mo nga buong magdamag ka niyang binantayan. Hindi ba siya nanliligaw sa ‘yo?” Chad was courting her. Bukod sa pagbibigay ng bulaklak at pagkain sa kanya araw-araw ay mas naging attentive ito sa kanya. Gumagawa rin ito ng paraan upang maihatid at masundo siya sa trabaho. Ngunit sa halip na sabihin iyon kay Margaux ay ngumiti lang si Simone. “Ang daya naman, ayaw talagang magkuwento.” Muli ay ngumiti lang si Simone. Sabay silang magkaibigan na napatingin sa pinto nang may kumatok doon kasunod niyon ay ang pagsungaw ng mukha ni Chad. “Aalis ka na?” tanong niya habang pumapasok ang binata. Lumabas ito kanina dahil may tinawagan. “Oo,” nakangiting tugon nito. “Thank you uli sa pagbabantay mo sa kaibigan ko, Chad," sabi ni Margaux. “Good luck sa game n’yo mamaya.” “Thank you.” Lumapit si Chad sa kabilang gilid ng hospital bed at hinawakan ang isang kamay ni Simone na tila nakasanayan na nitong gawin. “Text me kapag na-discharge ka na, ha? Pupuntahan na lang kita sa bahay mo after ng game namin.” “Okay. Thank you uli, Chad. Good luck sa game." Tumango ito. Sa pagkagilalas ni Simone at sa mismong harap ni Margaux, biglang yumuko si Chad at dinampian ng halik ang bahagyang nakaawang niyang mga labi. Nang mag-angat si Chad ng ulo ay ngumiti lang ito at tuluyan nang lumabas ng silid. Ramdam pa ni Simone ang pamumula ng mga pisngi nang tumingin siya kay Margaux. “So?” kinikilig na tanong nito. Napabuntong-hininga siya at nagsimulang magkuwento sa kaibigan. BAHAGYA lang na nagulat si Simone nang mababaan si Chad na nagluluto sa kanyang kusina. He wore his usual getup whenever he was home – a T-shirt and basketball shorts na pinatungan nito ngayon ng kanyang apron.            Napatingin si Chad sa kanya nang maramdaman ang presensya niya at kaagad na ngumiti. “Hi, you’re finally awake. Good morning!” masiglang bati nito. Awtomatikong ngumiti si Simone. “Good morning.” “Pasensya ka na. Pumasok na naman ako sa bahay mo nang walang paalam at pinakialaman ko na ang kusina mo. Naubusan kasi ako ng gas kaya dito na ako nagluto,” paliwanag nito habang abala sa kung anong hinahalo sa kaldero. Tatlong araw na ang nakalilipas mula nang makalabas ng ospital si Simone. Sa pagkagulat nila ni Margaux, binayaran na pala ni Chad ang bill niya sa ospital bago ito umalis. Tinangka niyang bayaran si Chad ngunit tinanggihan nito iyon at tulad nang dati ay umakto na naman itong nagtatampo kaya hindi na siya nagpumilit pa para magbayad. Mula noon, habang tulog pa siya ay pumapasok ang binata sa bahay niya at nag-iiwan ng kung anu-anong pagkain sa refrigerator. Hindi naman niya magawang magalit sa pagpasok nito sa bahay niya nang walang paalam; actually, she found the gesture  sweet. Isa pa, buong-buo ang tiwala niya na hindi mananamantala ang binata. Nagte-text na lang siya rito upang magpasalamat. “It’s okay. Ano ba ‘yang niluluto mo?” tanong niya at humakbang palapit kay Chad. “Ang paborito mong laksa.” “Wow!” bulalas ni Simone. Kaagad kumalam ang kanyang sikmura sa narinig. “Luto na ‘to. Maupo ka na, kakain na tayo,” sabi nito at pinatay na ang stove. Tumalima si Simone. Kaagad namang naghain si Chad. Habang ginagawa nito iyon at pinagsisilbihan siya ay hindi niya mapigilang kiligin. Kung tratuhin kasi siya ng binata ay para siyang reyna. Kaswal silang nag-uusap habang kumakain. “Wala ka bang practice ngayon?” tanong ni Simone. Umiling si Chad. “Binigyan kami ng one-day rest ni Coach Ryan, tutal sa makalawa ang game namin. “Ikaw, saan ang lakad mo today?” “Magsisimba ako at pupunta sa supermarket ngayong umaga. I’ll cook and will prepare special dinner tonight. Kung wala kang gagawin mamayang gabi, punta ka uli dito.” “It’s because today is your birthday, right? I thought you’d never ask me to come,” tila nagtatampong sabi ni Chad. Nagulat si Simone. “Alam mo?” “Oo naman. Friends tayo sa sss, ‘di ba? At nabanggit din sa akin ni Will kahapon na pupunta sila ni Margaux ngayong gabi dito. Happy birthday!” nakangiting bati nito. “Thank you. So, makakapunta ka?” “Of course. Marami ka bang bisita?” “Just may intimate friends and my family.” Taon-taon, tuwing birthday niya ay nakaugalian na ni Simone na magluto at mag-celebrate kasama ang mga taong malalapit sa kanya. “Sasamahan na kita sa pupuntahan mo para may makatulong ka sa pagbubuhat at hindi ka na rin mahirapang mag-commute. Tutulungan din kitang magluto,” pagboboluntaryo ni Chad. Natuwa si Simone. “Okay.”  Pagkatapos nilang kumain ay pinauwi na niya si Chad upang makapaghanda na sa pag-alis nila. Pagkatapos maglinis ng kusina at maghugas ng mga plato ay naligo at nagbihis na rin si Simone. Naghihintay na si Chad sa loob ng kotse nito nang lumabas siya ng gate. Kaagad nitong pinaandar ang kotse nang makasakay siya. Nagsimba muna sila bago nagtungo sa supermarket. Nag-late lunch muna sila sa isang restaurant bago umuwi. Sa bahay ni Chad nila idiniretso ang mga pinamili. Mas kumpleto raw kasi ang binata sa mga gamit sa pagluluto kaya sa bahay nito na lang sila magluluto. Umuwi muna si Simone upang sandaling magpahinga at maglinis ng bahay. Mag-a-alas-kuwatro ng hapon at patungo na si Simone sa bahay ni Chad upang masimulan na nila ang pagluluto nang biglang may mag-buzzer sa labas ng gate. Isang delivery boy ang dumating, may dalang malaking bouquet ng iba't ibang bulaklak. Pagkatapos pumirma ni Simone sa papel na dala ng delivery boy ay ibinigay na nito sa kanya ang isang bouquet at umalis. Nang basahin ni Simone ang card na kalakip ng bouquet ay ganoon na lamang ang pagkasorpresa niya. Nakangiting pumunta na siya sa bahay ni Chad. Nag-umpisa na pala itong magluto. “Grabe ka. Gumastos ka pa para dito, eh, ang dami mo namang tanim diyan na maari mong ibigay sa akin,” aniya habang hawak pa rin ang bouquet.           “Para mas special. Nagustuhan mo ba?”            “Of course. Thank you.”            “May regalo pa ako sa ‘yo,” sabi ng binata at sandaling nagtungo sa sala. Nang magbalik ay isang maliit na box na may ribbon sa ibabaw ang iniabot nito sa kanya. “Thank you.”  Akmang bubuksan ni Simone ang regalo nang pigilan siya ni Chad. “Mamaya mo na lang buksan. Nahihiya ako, eh,” sabi nito habang nakahawak sa batok. “Wear it kapag… alam mo na…” Napapantastikuhang napabungisngis si Simone. “Okay. Thank you ulit.”         “Thank you lang? Kiss ko,” ungot nito.          Muli ay napabungisngis si Simone. Nahihiya raw pero malakas ang loob na humingi ng kiss. Mabilis na hinalikan niya si Chad sa pisngi. Natawa ito sa ginawa niya. Walang babalang bigla siyang nitong hinapit at marubdob na hinalikan sa mga labi. Sandali lang na nagulat si Simone at kaagad tinugon ang halik ni Chad. Matagal sila sa ganoong tagpo. Reluctant pa itong kumalas sa kanya nang mag-ingay ang takip ng kaldero na nakasalang sa stove. Ilang sandali pa ay sumabak na sila sa pagluluto.          Eksaktong alas-siyete ng gabi nang halos sunod-sunod na nagdatingan ang pamilya ni Simone at ilang malalapit na mga kaibigan. They had a long dinner and drank wine. Iyon na yata at ang pinakamasayang birthday ni Simone dahil naroon ang lahat ng tao na mahalaga sa kanya.  Malalim na ang gabi nang isa-isang magpaalam ang bisita niya maliban kay Chad. Tinulungan pa siya nitong maghugas at maglinis ng mga kalat. Inihatid niya ang binata sa back door nang magpaalam sa kanya para umuwi. “Thanks for everything,” nakangiting sabi niya. Ngumiti si Chad. “Happy birthday again,” sabi nito at yumuko. She was thought he was going to kiss her again, ngunit sa halip na sa mga labi ay sa noo niya dumapo ang mga labi ng binata. Pagkatapos ay tumalikod na ito at tuluyang umalis.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD