Chapter 99 - Nabawasan tuloy ang alipin – este, alalay ko
Lecheng Pillar na `to, mag-re-resign, tapos ngangawa-ngawa sa harap ko. Ang panget pa’ng umiyak!
“I’m so sorry, professor...” ngawa nito na tumutulolo pa ang uhog, “there’s nothing I could do... I had no choice...”
“Oo na nga, bakit ba ang pangit mo’ng ngumawa?!” pilit ko’ng tinanggal ang kamay n’ya sa braso ko. “Ba’t ka ba nag-resign, tapos ngayon, `di ka makabitaw sa `kin?!”
“Kasi po... si Joward... si Joward...”
“Oo na, gusto ka nang patigilin ng asawa mo dahil buntis ka na. Naiintindihan ko naman! Sige na, bumitaw ka na sa `kin at nanglalagkit na braso ko sa uhog mo!”
“Pilar, please let go of the professor,” sabi ni Aahmes na masama na ang tingin sa kan’ya.
“P’wede ka naman bumalik after mo manganak, eh.” sabi ni Pedro na awang-awa sa itsura ni Pilar. “Kahit si Dona ko, pinayagan ko na rin magtrabaho uli after ma-wean ang bunso namin!”
“E-eh, pano naman kasi, may sariling r-restaurant na k-kayo!” bulyaw sa kan’ya ni Pilar.
“Eh, di sabihin mo sa asawa mo na ayaw mo’ng mapirme sa bahay!” naiirita ko’ng sabi kay Pilar matapos s’yang maihiwalay ni Aahmes sa braso ko.
“Pero... ayaw n’ya... professor... gusto po n’ya sa bahay na lang ako...”
“Hay, ganyan talaga mga alpha, masyadong controlling!”
Napatingin ako kay Pedro na nakaturo sa sarili n’ya.
“Hindi ka kasama, ikaw naman ay isang malaking push-over!”
Natawa lang ito sa akin.
”Don’t worry, Pilar, pwede ka naman dumalaw dito anytime,” sabi nito sa katrabaho n’ya, ”at saka, may mga bago naman tayong nakuha na researchers, eh, although tatlo na lang ang natira sa dating isang dosena...” dagdag nito, pabulong.
”I’m so sorry talaga, professor...” muli nanaman ito’ng ngumawa.
“Oo na, sige na! Mami-miss ka rin namin, sige na, tumahan ka na!”
Sa wakas, natahimik din si Pilar, and since effective immediately ang resignation n’ya, ay nagpa-pizza ito at iniwan na kaming kulang ng isang tauhan habang busy ang lahat sa pag-assess ng mga test results na dumating mula sa aming mga batang subjects para sa araw na iyon.
“Ay salamat, natahimik din ang paligid!” napabuntong hininga ako pag-upo sa likod ng aking mesa. “Talagang ang mga alpha na `yan, masyadong demanding! Nabawasan tuloy ang alipin – este, alalay ko rito sa lab.”
“Perhaps her husband just wants her to relax while she is going through her pregnancy?” sabi ni Habibi na tanging natira sa loob ng work station ko. “I heard that she almost had a miscarriage due to some sort of road accident.”
“Oo, nag-swerve daw ang sasakyan nila sa highway ng isang araw,” kwento ko. “Sabi ni Pilar may iniwasan daw silang pusa sa kalsada. As if naman may kaugnayan `yun sa trabaho.”
“Never the less, we cannot blame her husband for wanting to take care of her.”
“Hmph. S’ya nagmamaneho nang time na `yun, kaya s’ya ang dapat sisihin! Kung ako may nakitang pusa sa gitna ng daan habang mabilis ang takbo ko sa high-way at may kasamang buntis, bye-bye muning na `yun! Mas importante ang buhay ng asawa at anak ko!”
Napatingin ako kay Aahmes na nananatiling nakatayo sa tapat ng mesa ko at nakatingin sa akin with his usual blank expression.
“O, bakit? May kailangan ka pa ba?” tanong ko sa kan’ya.
“I would like you to look into something, Eric.” sabi nito. “I made an inventory of our specimens in your personal cold storage. I remember placing some pheromone samples there from your ‘private collection’, and labeling it `volatile pheromones’, but when I checked, it was no longer there.”
Private collection?
Kung gayon, sample ito ng pheromones ni Dome.
“Professor, did you use it, by any chance?”
“Hmm... wala naman ako’ng maalala na pinaggamitan nito, since sa bahay ako gumawa ng Terminus batch ko... baka naman `di mo lang maalala na ginamit mo ito?”
“I am positive that I left some inside your storage. There was approcimately 1.3 ounces still left in the vial when I left it,” sabi nito. “I always take note of the amount I use and the amount that is left. Besides, I cannot seem to find the whole vial.”
Hmm...” napaisip ako. “Sino naman ang kukuha noon, eh, tayo-tayo lang naman ang nakakapagbukas ng ref ko...?”
“Tayo-tayo?” kumunot ang noo ni Aahmes.
“Oo, `pag tinatamad kasi ako’ng pumanik dito, nagpapakuha na lang ako ng samples kina Pedro at Pilar.”
“You have an extra key?” nanlaki ang mga mata nito.
“Binigyan ko si Pedro dati, eh, nainggit si Pilar at mukhang nagtampo, kaya binigyan ko na rin s’ya ng isa.”
“You mean to say, they had access to your storage which contains...” tinigilan ni Aahmes ang sarili n’ya.
“Oo naman, matagal na natin kasama ang dalawang `yun, tingin ko naman, mapagkakatiwalaan ko na sila.”
Napatingin ako kay Aahmes na tuluyang nakatitig sa akin. Blanko pa rin ang mukha n’ya.
”We are also missing a raw sample of the SGT kit,” patuloy nito. “and a sample of the new suppressant you were working on.”
“Ha?” napatayo ako sa upuan ko at pumunta sa ref sa aking kwarto. ”Baka naman di mo lang napansin...” kinuha ko kay Aahmes ang susi ko at tinignan ang loob nito. “Ay, teka, naalala ko, may mali sa sample ng suppressant na yun, at yung sa test kit naman... hmm... `di ko maalala kung nagamit ko s’ya dati noong pinaiiksi ko ang waiting time for results... baka nga nagamit ko na s’ya.”
“Are you sure, professor?” tanong pa sa akin ni Aahmes.
“Oo, mukhang nagamit ko na nga s’ya.”
“Okay, then.” nagsulat s’ya sa dala n’yang clipboard. “That means, only my volatile pheromones went missing.”
“Hmm... di kaya nagkamali ka lang ng lista?”
Tinitigan ako ni Aahmes ng masama.
Sa bagay, kilala ko ang Habibi ko, he is very particular about his stuff, metikuloso s’ya sa lahat ng bagay, maayos na nakalista ang lahat at naka-catalogue sa kanyang record.
“Okay, I’ll ask Pedro about it, at the mean time, makabili ng bagong lock para sa ref ko, panigurado.”
Dumaan ang weekend na walang kakaibang nangyayari.
Dumating ang Lunes na wala nang Pilar, at patuloy ang aming trabaho. Wala naman halos nagbago, although nakaka-miss din ang pangungulit niya lalo na pag may cute na intern sa lab.
“Pedro, pwedeng magpabili ng ulam sa `yo?” tawag ko sa natitira ko’ng assistant. “Busy kami pareho ng Habibi ko, `di kami makababa!”
“Okay, ano po’ng gusto n’yong ulam?” naglabas s’ya ng phone at nag text sa baba.
“Ano daw meron?”
“May pakbet, cordon bleu, mechado, lechon paksiw...”
“Paksiw!” agad ko’ng sagot.
“Poultry for me, please.” sagot ni Aahmes na `di maalis ang mata sa electron microscope na sinisilip n’ya.
“Okay, I’ll be right back!”
“`Di ko akalain na alas-tres na pala...” bumalik ako sa binabasa ko’ng report mula sa isa naming natitirang researcher.
“Ayos to’ng si Sadako, malinis gumawa ng report. Buti `di pa s’ya nagre-reign.” sabi ko kay Aahmes.
“I feel the same,” sang-ayon ni Aahmes, “I believe she was part of the first team of interns I was able to work with when I first got here. She can work under pressure and with minimum supervision. I think she would make a good replacement for Pilar.”
“Aba, oo nga, ano?” said the professor as he checked her name again, “Mukhang sineryoso niya ang sinabi n’yang babalik s’ya dito...”
Tumayo ako at sumilip sa labas ng office ko kung saan kasalukuyang naka-break ang mga minions.
“Sadako, halika rito sandali,” tawag ko sa babaeng nakalugay ang mahaba at diretsong itim na buhok.
“Villar po, professor,” sabi nito sa pagpasok ng kuwarto ko.
“Good work on this report,” bati ko rito, na bihirang-bihira ko’ng gawin sa aking mga probational minions, “p’wede mo ba ako’ng igawa ng analysis para sa iba pang mga darating na test results ng ating subjects?”
“You mean to say, sir, take over Dr. Hilario’s old work?” nanlaki lalo ang malalaking mata ni Sadako na halos matakpan ng mahaba n’yang buhok.
“Oo, balak ko sanang ipasa sa `yo ang trabaho n’ya, kakayanin mo ba `to?”
“Sir, of course! I’ll do my best, sir!” tumango ang ulo nito nang walang tagil.
“Good. Kaya mo ba’ng manatili dito ng matagal?”
“Sir, opo, sir! Wala na po ako’ng balak umalis pa!” sabi uli nito na patuloy pa rin ang pag-tango.
“Then I suggest you finish your probationary status for the next four months,” sabi ko rito. “`pag nakatagal ka, pwede ka nang ma-regular.” Tinitigan ko s’ya ng diretso. “`Pag nakatagal ka.” Ulit ko.
“Opo sir! Kahit matulog na po ako rito! Magdadala na ko ng damit ko!”
“`Wag ka naman mag squat sa lab, baka masita tayo sa taas,” sabi ko habang inaayos ang report na pinasa nya. “May ilang points ako’ng binilugan d’yan, paki-ayos at double check, then give me a new report before you leave.”
“Okay po, sir!” inabot n’ya mula sa `kin ang papel nang dahan-dahan at lumabas na sa silid.
Napatingin ako noon kay Aahmes na nakatitig sa akin.
”O, bakit?”
”She seems to hold you in high regard.”
“Ha? Hindi naman, marespeto lang s’ya,” sagot ko. “`Di mo ba napansin, nang inabot ko sa kan’ya yung report, sinigurado n’ya na `di kakapit sa `kin yung mga daliri nya.”
“She seems to be an antisocial germophobe. Look,” ngumuso si Ahmes sa labas, “she’s disinecting the report you just gave her.”
Nakita ko nga si Sadako na inii-sprayan ang kanyang report habang nakatayo sa isang sulok, malayo sa ibang mga interns na nagme-merienda.
”Ano ba `yan, ba’t ba puro mga wirdo lang ang nakakatagal sa `kin?” naiirita ko’ng tanong.
”At least I know that she will keep her hands away from you,” sabi ni Habibi na bumilik sa kan’yang microscope. “Even if she does look up to you.”
Napangisi ako sa sinabi ni Aahmes.
“Aba, nagseselos na pala ang mahal ko, `di ko pa napansin!” kantyaw ko rito.
”I am not.” Hindi man lang tumingin sa `kin si Aahmes sa pagsabi nito. ”I know that she has no appeal to you.”
Lalong lumaki ang ngisi ko. Balak ko pa sanang kulitin ang mahal ko, nang bumalik na si Pedro na dala ang pinabili naming pagkain.
Sinabi ko sa kan’ya ang balak ko na gawing regular si Sadako. Natuwa naman ito at nangako’ng gagabayan n’ya ang bata.
Nag-uusap pa kami nang tumunog ang cell ni Aahmes.
”Habibi, hindi mo ba sasagutin `yan?” tanong ko nang tuluyan s’yang nakatitig sa microscope.
”Can you check it for me, please, professor?”
Kinuha ko ang kanyang cell at tinignan ang message dito.
“Galing kay Mrs. Chu. Sino to?” tanong ko kay Aahmes.
“That’s Rome’s mother.”
“Ah, si Bansot?” binuksan ko ang message at binasa ito.
‘Please come to our home as soon as you are able. Rome fell unconscious while in school, I’m afraid he’s getting worst.’
“Hmph. Ayaw makinig sa mga eksperto, tapos ngayon, pilit kang papupuntahin sa bahay nila!” naiirita ko’ng sabi.
“I hope she finally realizes that her son is more important than her pride.” sabi ni Habibi. “I’m almost done here. Do you mind accompanying me later, professor?” tanong n’ya sa `kin.
“Hay, sige, masermonan na rin `yang nanay ni Bansot.”
“I don’t suggest it. She is the type who would sic the dog on us if we get on her bad side.”
“Ganon? Sino ba `yan? Si Evil Queen, si Wicked Step Mother, o si Cruella Deville?”
“No. Rome is her biological child,” seryosong sagot ni Aahmes.
Natawa ako at kinapitan sa balikat ang Habibi ko.
“O s’ya, sige, tapusin mo na `yan at nang makakain na tayo, tapos dalawin na natin si Bansot.”