Chapter 63
February 1, 20XX
Okay.
First time ko gumawa nito. Hindi ko naman kailangan magsulat, pero pinilit ako ni Gagamba. Kailangan daw ito ng mental health ko, at para may journal ako tungkol sa trabaho.
So, kailangan ko raw ilabas ang nararamdaman ko.
Ano nga ba ang mararamdaman ng isang taong namatayan ng mahal sa buhay?
Malungkot ako.
Gusto ko’ng sundan si kuya.
Pero pinapangako n’ya ako na bantayan ko ang mga anak n’ya.
At pano ko naman magagawang suwayin ang utos ni kuya?
Well, noong 6 years old ako, sinuway ko s’ya nang bumalik ako sa lumang bahay namin. Kamamatay lang ng mga magulang namin noon, at ayokong tumira kina tito, kaya sumakay ako ng jeep at mag-isang umuwi. S’yempre, iba na nakatira sa apartment namin, at galit na galit si kuya nang sunduin n’ya ako roon.
Naaalala ko pa ang sabi n’ya sa `kin - “Si kuya ang kawawa dahil sa `yo.”
Kaya later that year, nang lumabas na isa pala s’yang omega, inisip ko kasalanan ko ang lahat, lalo na nang ibenta s’ya ni tito sa isang research facility.
Fuck.
Why am I pouring my heart out on a f*****g piece of paper.
I thought they said this would help? Eh, lalo lang ako’ng naiirita sa mundo, eh!
Pucha, kung ba’t kasi nangako pa `ko kay kuya. I should have kept my fingers crossed, pero pinataas n’ya mga kamay ko para siguraduhin na `di ako mandaraya.
I miss kuya Jonas.
I want to be with him right now.
Wala ako’ng nakikitang ibang dahilan para magpatuloy pa sa mundo’ng ito.
Kaya’t kung may makakita man nito, know that I am in a much better place.
And good riddance.
I turned the page once more.
February 6, 20XX
Okay.
I admit.
This f**k really does help a bit.
For the first time in eight months, hindi ko napanaginipan na umiiyak si kuya. Nakangiti na s’ya sa `kin, at ang dami n’yang ikinuwento, just like before, noong malakas pa s’ya. Pero pag-gising ko, ang naalala ko na lang ay `yung sinabi n’yang huli na `Okay na ako.’
Anyway, sinama ako ni Gagamba sa Tanay, Rizal, sa kalagitnaan ng kawalan. May research facility doon kung saan may pinag-aaralan silang omega. Pero kakaibang omega ito dahil sa sobrang tapang ng pheromones n’ya ay kaya n’yang ma-incapacitate ang mga alphas, even the dominant ones. In fact, they have called him `Dominant Omega’ or Dome.
Ayon kay Dr. Webb , kinuha daw n’ya `ko dahil alam n’ya kung gaano ako’ng kagaling sa omega genome studies.
If I know, kinuha n’ya lang ako, ang nag-iisang beta sa team, dahil ako lang ang `di tinatablan ng pheromones ng kanilang guinea pig.
Ayon sa report, muntikan na raw ma-r**e ang DOME subject, pero nagpakawala raw ito ng napaka tapang na amoy, na nagawang patulugin ang mga alpha na umatake rito. In fact, the alpha attackers were put in a comma for 3 days.
It was interesting, lalo na ang fact na kaya nitong palabasin ang omega pheromones niya kahit hindi s’ya in heat, at kaya rin kalabanin ang epekto ng alpha pheromones.
Next month, isasama raw ako ni doc sa facility n’ya para makita in person ang naturang omega.
For now, puro background check at physical check-up ako, panigurado raw na hindi ako magdadala ng sakit o maglalabas ng impormasyon tungkol sa lugar na `yun.
As if naman may pagsasabihan ako.
Bahala na.
March 1, 20XX
I finally met DOME.
Isa s’yang DOME at ang tawag sa kan’ya ay Dome, dahil `yun na ang official name n’ya nang pumasok s’ya sa facility. Ako naman ay naging si Prof. V for Volant.
Isa itong joke ni Dr. Webb dahil mahilig daw ako’ng bumulong-bulong `pag may pinag-iisipan ako, like a buzzing fly.
Bawal daw magbigay ng mga tunay na pangalan. Bawal maging masyadong close. Bawal maging personal. We needed to treat him as a dangerous weapon, and not as a human being, for that is exactly what he is.
For alphas anyway.
Well f**k that. Isa ako’ng beta, at alam mo ba, journal? Isang diese-sais na batang uhugin ang balak nilang pag-eksperimentuhan?!
Putang-ina! Nakita ko bigla si kuya, all those years ago, nang kaladkarin s’ya ni tito palabas ng kuwarto namin at iwan sa research facility na nag-co-conduct ng illegal research about early omega pregnancy!
Nanginig talaga kalamnan ko noon!
”DOME, this is my student, Prof. V,” pakilala ni Gagamba sa `kin. “He will take care of you starting today.”
Tapos noon ay iniwan na nila kami sa loob ng glass room kung saan nakalibot ang mga laboratories ni doc. Lahat nakasentro sa kulungan ng kawawang DOME.
Pinilit ko s’yang kausapin noon, pero tinitigan n’ya lang ako ng masama habang nakahukot at nanginginig sa takot sa isang tabi. No amount of coaxing could make him trust me. Kahit naman ako, I wouldn’t trust me if I was in his possition.
Wala naman ako’ng nakitang kakaiba sa kan’ya, except, of course, for the obvious. Mukha lang siyang kawawang bata na puno ng takot.
Pero paglabas ko sa silid na `yun, after about 6 hours ng pagbabantay, pinatawag ako ni Gagamba at pinakita na may abnormal amount of omega pheromone levels sa loob ng iniwan ko’ng silid.
Pati ako nagulat.
Well, I’m a beta after all, at mukhang natuwa si Gagamba dahil immune ako sa lason sa kanila. Matalino pa kamo at gwapo to boot.
Pucha.
`Di ko akalain makakapag-joke ako ng ganito, ni wala pang isang taon mula nang mamatay si kuya.
Anyway, mukhang may nakita ako’ng ibang pagbubuhusan ng pansin maliban sa `king mga pamangkin.
Which reminds me, kailangan ko’ng bumili ng formula ni bebe Meme mamaya at paubos na ang nasa bahay, `di naman maasahan ang tatay n’ya na nagkulong na nang tuluyan sa kuwarto n’ya at lumalabas lang pag kinakaladkad s’ya ni Florence at Franklin sa kusina para kumain.
Mukhang nadagdagan ng isa ang alaga ko, at tulad ng pangako ko kay kuya, sisiguraduhin ko’ng maayos at ligtas ang mga ito.
I continued to read through the journal. It was filled with all the different experiments the professor and his team did to the DOME. Some of which were so inhumane, that the professor’s writing was erratic and full of curses.
‘Sinubukan ng putanginang Gagamba na isabak ang bata sa silid na puno ng malilibog na alpha para makita ang magiging reaction nito and to recreate the same situation when they first saw him.’
Said one entry.
It was followed by plans on how he was going to poison all the people in the facility and escape with Dome and his niece Meme to another country.
‘Gustong i-anal probe ng putanginang mga hayop na alpha ang bata, without the spider’s permission! Mga m******s ang mga hayop! Pinaglalaruan ang alaga ko! Buti na lang at nahuli ko sila!’
This was followed by 2 pages of rants, naming the rest of the alpha researchers in the team and cursing them one by one.
‘Hindi ko masikmura ang ginagawa nilang pag-harvest ng sperm and pheromones sa alaga ko! Tinatrato nila siya na parang hayop! Palibhasa puro mga putang-inang mga alpha ang kasama kong mga researchers dito at `di sila makapaniwalang kayang-kaya silang patayin ng alaga ko! Kung pwede lang, ako na mismo ang papatay sa kanila!’
Yet another entry said, followed by ways in which he plans to scalp the whole team alive. There were several other rant entries in the journal, and I patiently read them all.