Sinadya mo `to, ano?! Umamin ka!
”Baliw ba kayo?” bulalas ni Nathan, ”Tito, nahawa ka na ba sa partner mo’ng baliw?!” natawa s’ya na parang baliw. ”Paano naman ako mabubuntis, aber? Kailan pa ko nagkaroon ng matres?! Isa ako’ng alpha! At hindi nakakatuwa `yang kalokohan n’yo!”
”Nathan,” tawag sa kan’ya ni Louie. ”kumuha ka ba ng urine sample kay Jaydie? Don’t tell me may tinatago ka? Nag d-drugs ka ba?”
“Ano?” lalong nairita ang pagmumukha ng pamangkin ko. “Pati ba naman ikaw, Pa, nababaliw na rin?! Ba’t ko naman gagawin `yun?!”
“He is thinking that you are using drugs and had given us your friend’s urine sample so we may not detect it.”
“Yes, I know what he’s implying!” naiiritang hinarap ni Nathan si Aahmes. “And the answer is no! Ihi ko `yan! Kaya imposible ang sinasabi ninyo!”
“Nathan, kumalma ka muna. Kaya nga kita kukunan ng MRI, para masigurado kung anong nangyayari sa katawan mo.”
“T-teka...” singit ng kaibigan n’yang si Jaydie, “S-safe ba `yun? Pano kung buntis nga si Nathan? Safe ba sa baby ang MRI? `Di ba parang x-ray `yun?”
“For someone who’s thinking of abortion, you’re pretty reluctant now.” sabi rito ni Aahmes.
“S-s’yempre, baby ni Nathan `to! Hindi naman s’ya na r-r**e na tulad ko, at alam ko na mahal n’ya ang partner – “
“Hindi ko s’ya mahal!” bara sa kan’ya ni Nathan na ang sama ng tingin sa kaibigan n’ya. “At kung may laman man ang t’yan ko, eh, gusto ko’ng alisin n’yo agad ito sa akin!”
“Nathan!” agad nag-react ang tatay n’ya. “Don’t say that! If this is true, ibig sabihin ay may buhay sa sinapupunan mo!” sabi nito, “Buhay `yan, naiintindihan mo ba?!”
“Buhay nga, galing naman sa isang taong isinusuka ko!” sigaw ni Nathan, “Aanhin ko ang buhay na magpapaalala lang sa `kin ng hayop na `yun sa tuwing makikita ko s’ya!?”
“Nathan, think about it. This is the scientific breakthrough of the cen-“
“Ayan ka nanaman at ang experiments mo! Wala na ba’ng laman ang utak mo kung `di experiments?!” sigaw ni Nathan kay Aahmes. “Sinadya mo `to, ano?! Umamin ka! Ikaw ang may pakana nito, ano? Ano’ng ginawa mo sa katawan ko? Anong ginawa mo sa `kin?! Hindi ba man lang sumanggi sa isipan mo na buhay ang pinaglalaruan mo?!”
Tumayo ako sa pagitan nila. Kinapitan ko ang balikat ni Habibi at hinarap naman ang aking pamangkin.
”Walang ginawa sa `yo si Aahmes!” sabi ko kay Nathan. “Wala s’yang ginawa.” tinignan ko si Aahmes at sinimangutan s’ya. “`Yun lang ang kasalanan n’ya.”
“P’wede ba, ipaliwanag n’yo nga muna nang maayos kung ano’ng nangyayari?!”
Tumingin ako kay Louie at huminga ng malalim.
Ang dahilan kung ba’t napili ko’ng dito dalhin sila Nathan, ay dahil ang examination rooms sa floor na ito ay for private consultations. Alam ko na walang cameras dito, bugs, o kung ano pa mang devices na maaring gamitin para matiktikan kami. Gayon pa man ay nag-set na rin ako ng scrambler sa loob ng silid para panigurado.
Dahil tama ang sinabi ni Aahmes.
This really is the scientific breakthrough of the century.
“It was just a theory,” panimula ko. “Naisip ni Habibi na maari – may maliit na posibilidad, na magkaroon si Nathan ng miniature womb gaya ng sa mga omega, dahil sa partner niya.”
“Dahil lang doon?” kumunot ang noo ni Louie, “Teka, anak, sandali nga, does this mean you’re the bottom? Dominant sa `yo si Reubert?”
“Eh?” napatingin kami kay Jaydie na napakapit sa kanyang bibig. “Y-you mean... si sir Go ang partner mo?”
“Putang-ina!” napamura si Nathan. “Ba’t `di n’yo na lang kaya ako hubaran at pagmartsahin sa EDSA!”
“Aba! Malay ko ba’ng walang alam ang tatay mo!” sagot ko rito.
“Alam mo ba namang sabihin ko sa kan’ya na ako ang binabayo ni Sir Go!?” bulyaw sa `kin ni Nathan.
“S-so... si Sir Go nga ang partner mo?” eto nanaman si Jaydie na mukhang maiiyak na.
“Jaydie, can you shut up for a bit?” singasing sa kan’ya ni Nathan.
“Is that any way for you to talk to your friend?” sabi ni Louie na umakbay kay Jaydie.
“Why don’t we all just calm down for now?” sabi ni Aahmes na lalong kinainit ni Nathan.
“You shut up as well! Ikaw nag dahilan kung ba’t ako nagkaganito!”
“Oi! `Wag mo’ng sigawan ang Habibi ko, ha? Matuto ka’ng rumispeto sa tyuhin mo!”
“Bakit, kasal na ba kayo?!” sabay na tanong ng mag-ama, ang isa galit, ang isa gulat.
“Look, we are straying from the topic,” sabi uli ni Habibi, “we still need an MRI to make sure that you have developed a womb.” Humarap s’ya kay Jaydie, “And you don’t need to worry, MRI’s are safe for pregnant people. It makes use of magnetic fields, not X-rays.” muli s’yang humarap kay Nathan, “It is true that I knew about the posibility of you developing a womb, but I had nothing to do with how you aquired it.”
“Then... paano ako nabuntis?” tanong ni Nathan na mas mahinahon na ngayon.
“Being a dominant omega, Reubert’s spermatozoa were much more potent compared to a regular alpha’s.”
“Teka, eh, `di ba omega si Reubert?” tanong ni Louie, na mukhang lalong kinagulat ni Jaydie.
“That is correct. He is a dominant omega. Thus, saturating Nathan’s body with his sperm, triggered his genetic code to change, causing an acquired mutation in his abdominopelvic region, and initiating the growth of a uterus and a single ovary.”
“In tagalog, please!” naiiritang sinabi ni Nathan.
“Haay, simple lang ang sinabi ni Aahmes,” paliwanag ko, “Dahil sa dalas n’yong mag-s*x ni Reubert, nagawang baguhin ng t***d n’ya ang katawan mo, at gawan ka ng matres para magkaroon kayo ng offspring. It is simply procreation. Nature finds a way to replicate itself.”
“Kung ganon...” napaisip si Nathan. “Kasalanan ito ni Reubert...”
”Well, in a way...” sabi ni Aahmes.
”Kahit wala na s’ya sinisira pa rin n’ya ang buhay ko!”
“Nathan, kalma nga lang, `di ba?” sabi ko rito.
“Oo nga, Nathan, baka makasama `yan sa inyo...”
”Jaydie, I told you to shut up!” tumingin sa `kin ang pamangkin ko’ng mukhang malapit nang mag-breakdown. “Bakit ba ngayon n’yo pa `to sinabi, kung kailan may ibang tao ako’ng kasama!?”
“Akala ko ba sabi mo mapagkakatiwalaan mo `yang kaibigan mo?”
“Oo, pero this is too much!” sigaw niya. “Sino namang mag-aakala na ganito’ng kabigat ang pasabog n’yo sa `kin?!”
“Nathan...” kumapit sa kan’ya si Jaydie. ”Alam mo’ng hindi kita tra-traidorin. Hinding-hindi ko na gagawin `uli `yun!”
“`Uli?” natapaas ang kilay ko sa dalawa.
”Kung totoo nga na may baby ka na rin parating, don’t you think it’s like destiny?” sabi nito, ”I know how it feels, having something you never wanted, but at least we have each other to lean on to...”
“What the f**k are you talking about?” singhal ni Nathan sa kaibigan. “Isa akong alpha. A dominant alpha. Ikaw ay omega. Natural lang na mabuntis ka!”
“Nathan!” sita ni Louie sa anak n’ya.
“It’s okay, tito, magulo lang isip ni Nathan ngayon,” sagot ni Jaydie na basag ang boses, “Pero `wag ka’ng mag-alala, Nathan, susuportahan din kita, tulad ng pagsuporta mo sa akin, kahit na alam ko na napipilitan ka lang dahil nakiusap sa `yo ang mga magulang ko,” patuloy nito. “I know how you really feel about your partner. Alam ko na nasaktan ka lang dahil iniwan ka n’ya, pero mahal mo s’ya, Nathan. Damang-dama ko `yun, tuwing tinutulak mo ako palayo. And I’m willing to go through this with you...”
Kinapitan n’ya ang magkabilang kamay ni Nathan na nagpipigil ng luha sa mga mata. “Nathan, I know I might sound like a hypocrite, but please, `wag mo’ng patayin ang bunga ng pagmamahalan n’yo,” sabi pa nito. “kahit pa sinusumpa mo na ngayon si Sir Go, `wag mo’ng gawin `yun sa anak mo. `Wag ka’ng magalit dahil wala siyang kasalanan. Nabuo lang siya dahil minsan mong minahal ang taong iyon, kaya `wag mo siyang alisan ng karapatang mabuhay.”