CHAPTER 21 Sa kabila ng mariing pagtanggi niya na sumama sila kay Jake sa Manila ay natagpuan pa rin ni Francheska ang sarili na umaayon sa gusto nito. Nagpatianod siya sa kagustuhan ng lalaking minsan nang pinamukha sa kanyang isa siyang masamang babae. Nang mailabas sa hospital ang anak na si Lucas ay agad niyang kinausap si Tiya Martha tungkol sa naging pasya ni Jake. Mahaba-habang paliwanag ang ginawa niya pa sa tiyahin kung paanong nakilala niya si Jake at kung paanong ito ang ama ng kanyang anak. Laking gulat pa ni Tiya Martha nang mabanggit niya na panganay itong anak ito ni Don Benedict. "Kung magbiro nga naman ang tadhana," sambit nito matapos siya magpaliwanag. "Hindi man nagkaroon ng magandang katapusan ang pag-iibigan ng nanay mo at ni Don Benedict ay baka naman---" "Tiya!
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books