CHAPTER 17 Pagkatapos ng nangyari sa salo salo sa rancho ng mga Olvidares ay bumalik na ng Batangas sila Alfon at Leticia. Hindi na niya muling nakausap pa si Benedict dahil ng gabi iyon mismo ay nagpasya siya na umalis na ng rancho. Ayon sa pinsan niyang si Martha ay idadaos ang kasal ng mga ito dalawang buwan mula ngayon. Isang linggo na siyang nakauwi mula noon ngunit pakiramdam niya ay naiwan sa rancho ang puso niya. Alam niyang matatagalan bago siya makalimot... at makabangon muli. "Bago mag-alas otso ay umalis na tayo, Letty, para maaga tayong matapos sa pag-enroll," wika ni Alfon isang hapon nang puntahan siya nito sa kanila. Napabuntong-hininga ito nang mapansin na wala naman ang atensyon niya sa binata at sa mga sinasabi nito. "Hindi mo pa rin siya makalimutan," he said more