Si Mildred na ang nagbayad ng bill at nagpasya na kaming umuwi muna para magpahinga. Kasabay ko naman ngayon si Ava dahil naawa naman ako na mag-taxi pa siya kaya isinabay ko na lang.
Napairap ako sa sarili ko nang sabihin ko ang salitang 'awa' pero hindi kalaunan ay natawa rin, ngunit sa isip ko lamang, dahil kasama ko pa siya.
"Should I hire you to be my personal driver?" Ava said, teasing me again.
"Should I kick you out of my car?" balik ko namang pang-aasar sa kaniya at saka ngumisi. Nakita ko naman sa gilid ng mga mata ko na napairap siya sa sinabi ko.
"Where do you plan to buy a new car?" I asked to her, focusing my eyes on the road.
"Have you heard Primo J-A-R Cars, the famous car brand?" She asked, looking at me.
"Not yet."
"I searched it on google, and sabi nila na magaganda ang mga kotse na binibenta nila. Their company is also famous not only here in the Philippines, but also all over the country." Pagpapaliwanag niya kaya napatango ako sa kaniya at inihinto na ang sasakyan ko sa tapat ng condominium na tinutuluyan niya.
Magpapahinga raw muna kasi siya bago bumili ng kotse.
"Thanks, Dear!" paalam niya pa sa akin nang makababa siya mula sa sasakyan ko.
"You owe me one!" sabi ko dahilan para irapan niya ulit ako.
Natawa naman ako sa kaniya bago mag-decide na umalis na at tumuloy na sa condo ko.
Ayaw kong umuwi ng mansion dahil paniguradong inaabangan ako ni Dad at aawayin na naman niya ako.
Richter
"I'm going to the main branch of Primo J-A-R Cars now," sabi ko sa sekretarya kong si Christian. Kakatapos lang ng meeting namin at ngayon ay inaayos ko na ang mga gamit ko rito sa opisina.
"Copy, Sir," sagot naman niya at tinawagan ang Manager ng main branch para ibalita na pupunta ako.
Nagtungo na kami sa parking lot at sumakay na sa Luxury Primo J-A-R 16 na pagmamay-ari din ng aming kompanya.
Nagsimula na siyang mag-drive habang ako naman ay nasa back seat na nakasandal at nakapikit.
I'm having a hard time this year. I'm already 32 years old, but I haven't met the right woman for me.
"Sir, your father is calling," sabi ni Christian, habang itinuturo ang cellphone na nakakabit sa cellphone holder.
"Just ignored him," walang gana kong sagot kaya hindi niya na ito pinansin pa. Paniguradong aawayin na naman ako n'on dahil sa hindi ko raw pagseseryoso sa buhay. Paano naman ako magseseryoso, eh, hindi ko naman mahanap ang babaeng seseryosohin ko. Ang gusto niya kasi ay magseryoso ako sa mga babaeng nirereto niya sa akin.
Karamihan sa mga babae ngayon ay easy to get, at kung minsan pa ay gusto lang makatikim. Take note, I'm still v!rgin, and I have never been s*x before. I want to give my whole life to my future beloved wife. Maarte ako, at ayokong magkaroon ng sakit dahil lang sa kakalabas pasok sa iba't ibang kuweba.
"Nandito na tayo, Sir," sabi ni Christian na inihinto ang sasakyan sa tapat ng Primo J-A-R Cars main branch.
Kaagad naman kaming sinalubong ng mga staff para salubungin ako sa paglalakad.
"Good morning, Sir Rich," pagbati sa akin ni Manager Kim at ng ilan pang staff bago kami tuluyang pumasok sa loob.
"Kumusta ang sales ng branch niyo?" pagtatanong ko kay Manager Kim, habang tinitignan sila isa-isa.
"Tumaas po ng 30% this year," sagot naman niya kaya napatango ako habang sinisipat ang mga kotse na naka-display.
Ganito lagi ang ginagawa ko kapag free time ko. Madalas kung saan saang branch ako napupunta para lang masiguro ko na maayos ang lahat at walang palya. Minsan kasi kapag mga tauhan namin ang pinapa-visit ay parang walang nangyayari at nagkakaroon pa ng nakawan.
"Good morning, Ma'am, how can we help you?" pagbati ng isang babaeng staff sa isang babae na kakapasok pa lamang ng aming shop.
Tinignan ko siya mula ulo hanggang paa.
She looks elegant to her short flutter dress paired with stilettos, and I can say that she's attractive, but I don't think if she will pass my standards.
Why am I thinking that woman? I should be leaving right now.
"I want to buy a new car, do you mind to recommend me something?" she asked, and take her Aviator sunglasses off as she roamed her eyes to the shop.
I walk towards her and there our eyes met. I saw her smiling at me so I smiled at her back.
"Good morning," she greeted to me.
"Good morning too. My name is Richter Tenorio, the heir of the company of Primo J-A-R Cars and I would be happy to help you," I said, while smiling. Inilahad ko ang kamay ko sa kaniya para makipagkamay at tinanggap niya naman ito.
"Wow! Really? Well, My name is Ava Calderon and I have a business too," sabi niya habang nagkakamayan pa rin kaming dalawa. Bago ako sumagot ay bumitiw na kami sa isa't isa.
"What is your business all about?" I asked, while we are looking to each other.
"Ava young make ups," she said and smiled at me again.
"It's nice, sorry I am not familiar to your business since I am not using make ups," I said, then we both laughed.
"It's okay, no worries," sabi niya na iwinawasiwas pa ang kaniyang kamay sa hangin.
"Okay, let us start?" tanong ko sa kaniya na inilahad pa ang kamay ko para i-guide siya sa lalakaran namin.
"Yes, sure!" sagot naman niya at nagsimula na akong magpaliwanag.
"Some of our customers are women. According to our study in our company whether they are buying for themselves or buying for their household. In fact, most women choose luxury cars than men," I said, and I saw her nodding while listening to me.
"There are tons of great options here and I think it takes a lot of effort to choose the best one," she said, and giggles.
"It's okay, I will guide you and recommend you the best one that suits you," I said, while we are still walking and looking to the cars display.
"Do you have a car? Or an old one?" I asked her.
"Yes, I owned twenty cars," she said. "I started to buy a car when I was in college."
'What? Twenty cars?' I was so shocked. I only owned three cars from our company.
"Saan mo naman ginagamit ang mga sasakyan mo at bakit madami?" pagtatanong ko sa kaniya. Nakita ko siyang napabuntonghininga bago sumagot.
"Palagi kasi akong broken, so whenever I had a break up with my boyfriend ay sinisira ko ang sasakyan ko," nahihiyang sabi niya, and it turns me off.
Ang ayaw ko talaga sa mga babae ay ang magastos lalo na kung hindi naman kailangan ang isang bagay. But for her? Cars were like plates na basta lang itatapon kung saan-saan.
"Hindi mo ba dinadala sa mga repair shop? Sobra ba ang pagkasira kaya bumibili ka na ng bago?" pagtatanong kong muli at napatigil naman kami sa paglalakad habang pinagmamasdan kami ng ilan.
"For me, moving on is like buying a new car, hindi mo na sasakyan pa ang nakaraan kaya sasakay ka na lang sa kasalukuyan," sagot niya, at sabay naming tinitignan at hinahawakan ang isang sasakyan na nasa harapan namin.
"Yes, you got a point, but how about the money that you lavishly spend?" pagtatanong kong muli dahil hindi pa rin ako maka-move on sa sinabi niya.
"It's okay, as long as it's my own money," sabi niya at saka ngumiti.
Napatango naman ako sa kaniya at saka nagsimula ng mag-recommend ng mga sasakyan.
"Let me introduce you the Sedan car style, it is commonly used by women," I said. "It has four doors and traditional trunk, there are also luxury cars that similar to the size of Sedan."
"Next we got Hatchback, it has implied a compact or subcompact of Sedan." Huminto kami sa tapat ng isang model.
"As you can see it has a squared-off roof to get access to the vehicles cargo area unlike the usual trunk."
"They look like Sedans," sabi niya na hinawakan pa ito.
"Yes, but hatchback is the most easiest accessibility to the cargo area and carrying the capacity than the usual trunk would," paliwanag ko naman sa kaniya.
"Can I have a try?" pagtatanong niya naman kaya pumayag ako at inalalayan ko siya pasakay sa loob.
Nang makapasok siya sa loob ay sinipat sipat niya ito at nang matapos siya ay nagtanong siya sa akin.
"Bagay ba sa akin?" pagtatanong niya at saka ako nginitian.
"Yes, it suits you well, but I don't think na magtatagal din kayo ng sasakyan gaya ng mga past boyfriend mo," natatawa kong sabi sa kaniya.
"Hahahaha, sounds funny but no worries, I will take care my new baby," sabi niya na hinihimas himas pa ang manibela.
Nang matapos akong papiliin siya ng model at kulay ay nakapili na rin siya at sila na ni Manager Kim ang nag-usap.
"Thank you again Richter, hope to see you again," she said with her sweetest smile. I just smiled back at her and watch her to leave our shop with her new car.
"Sir, where we are going next?" Christian asked.
"I want to go home," I said.
~*~
Nang makarating kami sa mansion ay nakasalubong ko kaagad si Dad sa garden kaya tinawag niya ako.
"Look who's here, not answering the phone huh?" he said, and I can see the anger in his eyes.
"I sold a car a while ago, mind if you let me rest?" I said, not showing my interest to him.
"Let us have a coffee first," sabi niya at nagtungo sa isang table at naupo sa bakanteng upuan. May lumapit naman sa amin na Maid at tinimplahan kami ng kape bago umalis.
"Son, I talked to my friend and we had an agreement about arranging you and his daughter to a marriage," panimula niya kaya mataman ko siyang tinignan.
"You're already 32 years old, so why don't get married and give me grandchildren?" tanong na naman niya.
Heto na naman kami sa arranged marriage na iyan. Ilan na ba ang babaeng ninais niyang pakasalan ko?
"Dad, I want to marry the woman that I love the most, Please let me decide in my own. Kaya hindi ako makahanap ng mapapangasawa dahil pilit kayo nang pilit sa akin, eh," naaasar ko namang sagot.
"Hindi ka talaga makakahanap dahil ayaw mong makinig sa akin! Kailan ka pa mag-aasawa? Kung kailan 40 years old ka na? Oh gracious goodness!" naiirita niyang sabi saka humigop sa kape niya.
"Mabye starting my own business is my first goal," sagot ko sa kaniya na may diin sa salitang 'own'. Tumayo na ako at akmang aalis na pero pinigilan niya ako.
"Starting your own business?" paglilinaw niya na para bang hindi nagustuhan ang kaniyang narinig.
"Yes," sagot ko sa kaniya.
"Tsk! How could you be like this?" sabi niya, "Okay fine! Do whatever you want and don't use my money for starting your own business," sabi niya na may diin sa salitang binitiwan niya. Napairap naman ako sa sinabi niya at inilapag sa lamesa ang wallet ko at ang susi ng kotse ko.
"Here," sabi ko na itinuro pa ang mga ito kaya sinamaan niya ako ng tingin.
"Talagang susuwayin mo ako?" Tumayo siya at saka lumapit sa kinatatayuan ko. Hindi ko na siya sinagot pa kaya nakadagdag ito ng inis sa kaniya.
"Give me your watch," sabi niya kaya wala na akong nagawa pa kundi hubarin ito at ibigay sa kaniya.
"Anything you want to get from me?" pagtatanong ko pa sa kaniya.
"You, stubborn man!" gigil na sabi niya at saka iniwan na ako sa garden bitbit ang mga gamit ko.
Napailing naman ako sa sarili kong desisyon at lumabas na lamang ng Mansion. Hindi ko alam na aabot pa kami sa ganito ni Dad, Tsk!
He devalued my efforts to our company.