Richter "Bakit ba kasi ako pumayag?" paulit-ulit na tanong ko sa sarili ko habang nagsusuklay ng buhok sa harap ng salamin. Napatigil naman ako nang biglang pumasok sa isip ko ang itsura niya kanina habang inaaya ako. Hindi ko siya matanggihan! Pero hindi pa rin mawala sa isip ko ang pupuntahan namin. Doon din kasi kami madalas tumambay ng mga kaibigan ko at baka may makakilala sa akin doon. Mahirap na. Sana pala ay hindi na lang ako pumayag. Lumapit na ako sa kama at saka humiga na roon para matulog at magpahinga. Bahala na! * Maaga akong gumising para pumunta sa palengke at mamili ng mga lulutuin. Alas tres pa lang ng madaling araw kaya medyo madilim pa sa labas. Nang makarating ako sa palengke ay halos wala pa masiyadong tao at puro mga Nanay na ang namimili. Madalang lang ang ka